Forty-four

123K 2.2K 18
                                    

Forty-four

Malik's POV

FUCK!!!...

Halos maibato niya ang cellphone niya matapos siyang pagpatayan ng tawag ni Issay.

He's fuming mad...

Makita ba naman niya ang billboard ni Issay sa EDSA hindi ba siya magagalit doon. Okay lang sana kung hindi sexy pose, pero sobrang sexy ng pose ni Issay sa billboard na iyon.

Sa lahat pa naman ng ayaw niya ang magexpose ng katawan si Issay.

Nakahinga na nga siya ng maluwag ng tumigil na sa pagmo-modelo si Issay sa Paris. Pero ito na naman silang dalawa ngayon, sa pilipinas pa talaga.

Kung wala lang talaga siyang problema ngayon sa relasyon nila ni Issay pagwawalaan niya ang taong responsable sa billboard ni Issay ngayon sa EDSA ngayon.

"Hello, can I talk to Mr. Owen Song"kausap niya sa tinawagan niya.

Si Owen ang kausap niya sa NBI para sa tulong niya sa paglaban niya kay Arnold Lopez.

Sa paghahanap kasi niya sa solusyon niya sa problema niya nakilala niya si Owen. Napag-alaman niyang hindi lang involve sa Mafia si Arnold Lopez, kundi pati na rin sa mga illegal na mga transaction.

Matagal na sinusubaybayan ni Owen si Arnold kaya naman ng makilala siya nito naging magkatuwang na sila sa paghuli ditto.

Kailan lang sin niya nalaman na hindi pala siya ang unang biktima nito ng panggigipit.

May unang pamilya ito noon, nagkaroon din ito ng babaeng anak at ginamit din nito ang anak para makabingwit ito ng mayaman na mapapangasawa at mahuhuthutan nito. Kaso sa sobrang pagkasakim ni Arnold ng malaman ng anak nito ang ginagawa nito may pinili nito na pigilan ang ama. Pero sa kasamaang palad namatay ang anak ni Arnold pero nakuha pa din ni Arnold ang kayaman ng lalaking papakasalan sana ng anak nito.

Pinalabas ni Arnold na ang lalaking pakakasalan ng anak ang pumatay sa anak nito. Sa takot na makaladkad ang pangalan sa kahihiyan napilitan ang pamilya ng lalaking pakakasalan ng anak ni Anrold na ibigay ang gusto ni Arnold.

Doon nagsimulang manggamit ng tao si Arnold para sa sariling ikayayaman nito. hanggang sa masangkot na ito sa mga illegal na Gawain, gaya ng extortion, pagbebenta ng illegal na druga, scamming at kung anu-ano pa.

At ngayon nga siya ang susunod na biktima nito ng maging business partner niya ito sa isa sa mga negosyo niya at magustuhan ng mga anak nitong dalaga.

("Yes, This is Owen Song speaking whose these?"sagot ng kausap niya sa cellphone. )

"Owen si Malik ito"sagot naman niya ditto.

("Malik, bakit napatawag ka? May problema ba?"himig na nag-aalala ito.)

"No walang problema, gusto ko lang naman na magkita tayo ngayon. Lets finalize the plan"sagot naman niya ditto.

("Okay, let meet")

Kailangan na niyang magmadali mukhang gumagawa si Issay ng mga bagay na alam niyang siya ang matatalo at tatakbo siya pabalik kay Issay.

Kaya bago pa man niya magawa iyon ngayon kailangan na niyang masigurado ang kaligtasan ng mag-iina niya.

Nasa malalim siyang pag-iisip ng mga gagawin niya ng tumunog ang intercom niya.

"Sir, nandito po si Ma'am Naomi"turan ng kanyang secretary.

"Okay"walang gana niyang sagot.

Isa pa ito, sinasakyan lang niya ang mga kapritsuhan nito para hindi lang siya mabisto ng ama nito. Kaso minsan naman sumusobra na ito, alam niyang nasasaktan na niya si Issay sa pagsang-ayon niya sa lahat ng gusto nito.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon