Thirty-two
Issay's POV
Napakabilis ng pangyayari sa loob lamang ng dalawang buwan. Namatay ang kanyang ama sa atake sa puso. Nacoma pa muna ang kanyang ama ng halos dalawang linggo bago ito pumanaw. Napakalaki ng binayaran niya sa ospital, nawala sa kanya ang lahat ng ari-arian ng kanyang ama. May kinakaharap pa siyang kaso ngayon na sinampa ng Elena's Secret dahil sa bridge of contract.
Hindi pala alam ng Elena's Secret na may pinirmahan siyang kontrata sa pilipinas na ang alam niya ay pinagbigay alam muna ni Dylan sa ina bago siya pinagtulakan ng binata na pumunta sa Pilipinas.
Hindi na niya alam ang gagawin niya sa sunod sunod na problema niya.
Isa pang problema niya ang kaso naman na isinampa niya kay Dylan, tungkol sa kasal nilang dalawa. Ipinaglalaban niya ang kalayaan niya sa kasal nila ni Dylan. Maging ang mabalik sa kanya ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang ama.
Isama pa ang lahat ng gastusin nila sa bahay nila.
Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang pauwin sa Pilipinas ang mga kapatid niya at ang ina niya. gayon din ang mga kaibigan niya kasi wala na siyang pera na naiwan sa kanya. Dahil ultimo ang savings account ng tatay niya ay nakuha din ni Dylan.
Ang sariling pera nalang niya ang naiwan sa kanya at ang bahay na nabili niya noon na ipinangalan niya sa mga anak niya ang hindi nakuha ni Dylan sa kanya kaya naman may tinutuluyan na sila ng mga anak niya.
"Mommy"tawag sa kanya ni King.
Abala siya sa pag-aaral ng mga documents na binigay sa kanya ng secretary ng daddy niya. mga documents ito ng lahat ng transaction nila sa nagdaan na tatlong taon. Naghahanap kasi siya ng ebedensya niya para sa kaso na isinampa niya.
Wala na din siyang maasahan sa attorney ng daddy niya dahil maski ito at bumaliktad na sa kanila. Si Dylan na ang kinikilala nitong amo niya, kaya naman naghahanap pa din siya ng bagong attorney niya na magtatanggol sa kanya.
"Yes baby?"tanong niya sa anak.
Halatang kakagising lang ng anak niya, dahil hindi pa halos maimulat ng mga ito ang mata.
"I woke up and you are not in our side"reklamo sa kanya ng anak.
Napapabayaan na niya ang mga anak niya, hindi na niya maalagaan ang mga ito. Simula kasi ng pinauwi niya ang pamilya siya sa Pilipinas sila nalang tatlo ang naiwan. Wala naman siyang mapagkatiwalaan na pwede niyang mapag-iwanan sa mga anak niya.
Nahihirapan man siya sa sitwasyon nila wala naman siyang magawa kasi naman hindi niya pwedeng ipasama ang mga anak niya sa kanyang nanay sa Pilipinas dahil sigurado siyang hahanapin lang siya ng mga ito.
Hindi naman siya makaalis sa Paris kasi naman may kaso pa din siyang tinututukan. Kaya naman hindi siya makaalis alis sa bansa.
"I'm sorry baby, mommy is so busy that's why I woke up early to settle this"sagot niya sa anak niya.
Nilapitan siya ng anak niya at nagpakandung sa kanya ito.
"I miss daddy"bulong sa kanya ng anak niya.
Sa dalawang anak kasi niya ito ang close kay Malik.
Napabuntong hininga naman siya sa narinig niya sa anak niya.
Isa pa si Malik sa problema niya, simula kasi ng insidente sa opisina ng kanyang ama hindi na niya nakausap si Malik. umalis ito ng bansa na hindi man lang siya kinausap man lang nito.
Basta na lang umalis ito ng Paris na hindi niya pinagpaliwanag nito. Wala man lang itong naging pakialam sa kanya o kahit naman sa mga anak man lang nila.
BINABASA MO ANG
My Playboy Boss
RomanceSexy, matalino, maganda , mayaman, at higit sa lahat VIRGIN. Yan ang standard ni Malik isang certified playboy sa Babaeng makakapagpatino sa kanya. "Once I got a Virgin, I will Settle then. " Yan ang madalas na sabihin niya sa mga taong nangu...