Naging maugong ang usapin tungkol sa pamamalagi ni Pam sa baryo. Kumalat at sinasabing siya ay dalagang ina, sapagkat, mayroon nga siyang anak pero wala naman siyang asawa.
Sa mga kadahilanang ito naglakas ng loob ang binata na puntahan si Pam sa kanila. Si Kara naman ay abala sa pamangkin ng kanilang kapitan na si Sigu. Madalas na rin ang binatang dayo sa bahay nina Kara at kapansin-pansin na natutuwa si Guma sa nagaganap.
"Saan ka pupunta, inay?" Nakita niya ang ina na nakabihis.
"Ikaw din naman, anak."
"Pupuntahan si Pam."
"Pupuntahan ko rin si Pam."
Sinita ni Mar ang kanyang ina. Ayaw niya kasing sinisegundahan ang mga sinasabi, lalo pa a si Pam ang tinutukoy nito.
"Liligawan mo?"
Napamulagat ang binata. "Ang bilis makapanghusga ang tulad niyo, inay. Papasyalan para kumustahin lamang ang tao. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami ni Pam. Kukumustahin ko lalo na at tinatawag siyang disgrasyada. Kung kailan nagbakasyon ang tao, saka naman inuulan ng pambabatikos. Nakakaawa po, eh."
Hindi kumbinsido ang ginang sa sagot ng ginang. "Huwag ka nan gang magtago sa akin, Mar. Anak kita at kilala ko ang mga ikinikilos mo. Wala namang masama kung sakaling magkakaigihan kayo ni Pam."
"Alis na ako,inay, baka kung saan na naman makarating ang pinag-uusapan natin."
"Sige, pagbibigyan kita. Sa susunod na ako dadalaw kay Pam. Alam ko kasing mas kailangan ka niya kaysa sa akin." Pagpaparinig ng ginang.
As usual, hindi niya maiiwasan na kapag umaalis siya ay nasusulyapan niya ang bahay nina Kara. Nakita niya agad na masayang nag-uusap sina Sigu at Kara. Kahit hindi pa mandin katagalan ang kanilang pagkakakilala, halata na agad ma may namumuong magandang relasyon sa kanilang dalawa.
"Hi, Mar!"
Si Kara. Kumaway si Mar sa dalawa a nagpatuloy sa kanyang lakad.
Kung anong lakas ng loob na baon niya kaninang patungo siya sa bahay nina Pam, napalitan na ito bigla ng katorpehan ng masilayan niya si Pam. Napakaganda pa rin niya at hindi halatang tumanda. Maamo pa rin ang kanyang mukha, pumayat nga lamang siya ng konti pero bumagay naman ito sa kanya.
"Mar, kung narito ka para sumbatan ako sa mga nagawa ko sa iyo, malaya kang sabihin kung anuman ang nais mo." Nahihiyang sambit ng dalaga.
"Gusto lang kitang kumustahin, Pam. Totoo bang may anak ka na?"
"Totoo, Mar."
"Hindi mo yata kasama ang asawa mo."
"Wala naman akong asawa."
Hindi maintindihan ni Mar ang sarili. Gusto niyang suntukin kung sinuman ang walang kwentang lalakeng bumuntis a basta na lamang nang-iwan sa kanila.
"Walang puso ang gumawa ng ganyan sa iyo, Pam."
Biglang namayani ang katahimikan. Ano nga ba ang dapat sabihin ni Pam? Paano niya sasabihin kay Mar na kasalanan din niya kung bakit naging dalagang ina siya?
Hindi maiwasan ni Mar ang makaramdam ng awa sa dalaga. Hindi rin maalis ang kanyang titig kay Pam habang abala ito sa paghahanda ng kanilang meryenda. Hindi niya maisip kung bakit pinakawalan niya ang isang tulad ni Pam. Totoong naging kasiraan sa kanila ni Kara ang ginawa ng dalaga, pero sa napapansin na ugaling pinapamalas ni Kara sa kanya, nagdalawang-isip ang kanyang puso na muling buksan ang sarili na mahalin si Kara.
Naguguluhan pa rin ang kanyang damdamin sa pwedeng mangyari. Umaani ng batikos kanyang ang diwa ni Mar. Paano kung mapatunayan niyang mahal niya ang dalaga kaya naman tila walang lukso ng kasiyahan siyang nadarama sa muli nilang pagkikita ni Kara?
Paano kung mapatunayan nga niyang mahal niya ang dalawa pero naglaho na rin ang pagmamahal na inialay nito noon sa kanya? Nabahag na yata ang kanyang loob para magbakasakali. Isa pa, paano kung bumalik ang ama ng anak ni Pam? Hindi pa man nia nauumpisahan ang first move ay hindi na niya alam kung paano haharapin ang mga ito.
"Pwede ko bang makita ang bata, Pam?"
Biglang naalarma ang mukha ng dalaga sa kanyang narinig. "Natutulog si Jonas, Mar. ipagpaumanhin mo kung hindi kita mapagbibigyan sa ngayon." Sagot ni Pam.
Naintindihan ni Mar ang tugon ni Pam sa kanya. Ewan ba niya sa sarili dahil bigla na lamang niyang naalala na sulyapan niya ang bata.
"Ate, bakit naman hindi mo pinasilip ka kuya Mar ang bata? Hindi naman natutulog si Jonas."
"Yaya, alam mo naman ang dahilan, hindi ba? Isa pa, ayaw kong maawa lamang sa akin si Mar."
"Pinapahirapan mo ang sarili mo, ate. Alam ko naman na mahal mo pa siya pero pnipigilan mo palagi ang sarili mo na ipaglaban."
"Yaya, malabong mangyari ang sinasabi mo. Alam kong hindi ako kayang mahaliin ni Mar, dahil si Kara lamang ang babaeng minamahal niya mula pa noon. Mas Malabo pa ngayon na mapansin ako ni Mar dahil narito rin si Kara sa baryo. Siguradong magkakabalikan silang dalawa at ayaw kong maulit ang nagawa ko noon."
Napuknat ang pagbuka ng bibig ng yaya ng biglang umiyak si Jonas. Naiwan si Pam sa sala aw alas a sarili na hinaplos ang bahagi ng sofa na inupuan ni Mar. Tama ang yaya, si Mar pa rin ang mahal niya at hindi niya ito makalimutan. Napakalungkot ng kanyang buhay.
Dapat maging masaya na lamang siya sa kung anong nakikita niya ngayon kay Mar. Hindi naman siya maituturing na talunan, kasi ipinagkaloob sa kanya ang isang magandang alaala...si baby Jonas.
BINABASA MO ANG
BARYO KUNSINTIHAN NI: JINKY PAULINO
RomansPangarap ng binatang magbubukid na si MAR TILYO na maging kasintahan ang maestrang si KARA YOM. Pero, teka! Ang ating bida ay lantaran ang pag-ayaw sa kanya ng ina ni Kara na si aling Guma. At mahigpit ding tinututulan ng mommy dear ni Mar na si ali...