Chapter 5: Pick you up!

226 8 7
                                    

Dedicated sa kanya kasi na'appreciate niya yung gawa ko. Nakakatats, as in. Kinikilig ako nung binasa ko yung simpleng comment niya. Ganito pala ang feeling pag writer ka. Hahahaha. :">

Osha, tama na ang dakdak. Eto na ang Chappy 5, hope you like it! Xoxo. ♥

Sila gwapong nilalang nga pala at anak ni Barney. Hahahahaha. ---------------->

Chapter 5: Pick you up!

"A-anong ginagawa mo dito?" sabay sabi na naman naming dalawa.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" sabay sabi nanananaman naming dalawa.

Natawa na lang kaming pareho. So kelangan sabay talaga kami lagi?

"Ladies first." sabi ni gwapong nilalang. Sa wakas hindi na kami sabay nagsalita.

"Um. W-wala naman. Nag-mumuni muni lang. Eh ikaw? Pano mo natunton 'tong lugar na 'to eh wala namang pumupuntang estudyante dito ah?" sabi ko with bewilderment. Akala ko pa naman ako pa lang ang nakaka-discover ng lugar na 'to. Hindi pala ako nagiisa.

Napa-smile naman siya. "Maliban sayo."

Napa-smile rin ako. "Maliban sa'tin."

Natawa siya ng konti tapos umupo sa tabi ko, pero hindi naman gaanong malapit.

Ikaw naman gwapong nilalang, feel free kung gusto mo pang lumapit at tumabi saken. Hinding hindi kita pipigilan. :3

Letchugas na malanding espirito na 'to. Bumalik lang si gwapong nilalang, bumalik na rin siya. Tofu. >____<

"Pano mo na-discover 'tong lugar na 'to?" mejo nagulat naman ako nung biglang nagsalita si gwapong nilalang.

"Uh. Actually, nung 2nd year ako, dun ko natunton 'to. Ang sarap kasi tumambay dito pag may problema. Nakaka-relax ng isipan." sabi ko sabay smile. Nakaka-relax kasi talaga dito.

"Nauna ka lang pala sa'kin ng 1 year para matunton 'tong lugar na 'to. At pareho pa tayo ng dahilan kung bakit pumupunta tayo dito." sabi niya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatingin lang siya sa kawalan, parang ang lalim ng iniisip.

Para namang hindi ito yung nakilala kong gwapong nilalang kanina ah? Diba yung kanina tawa ng tawa? Pero yung gwapong nilalang na katabi ko ngayon, ang tahimik.

Ano kayang problema neto?

"So kaya ka pumunta dito ngayon dahil may problema ka at gusto mo ring makapag-relax?" tumingin ako sa kanya pero siya, nakatingin pa rin sa malayo.

"Hmm. Sabihin na nating oo. Ikaw rin naman diba?"

Sa totoo lang, ayoko sanang masyadong maging open sa ibang tao lalo na pagdating sa mga problema ko. Ayoko kasing ipakita sa iba na mahina ako at nagpapatalo sa mga problema. Kaya nga dito lang sa lugar na 'to ako tahimik dahil dito ko lang nailalabas yung sama ng loob ko. Pero pag wala nako sa lugar na 'to, pwede nakong mabigyan ng award sa dinami-dami ng fake smiles na nagamit ko.

Pero dahil sa mukhang pareho kaming great pretender ng lalaking 'to, hindi na ako nagsinungaling.

Nag-nod na lang ako, tapos tumingin na rin sa kawalan, gaya ng ginagawa ni gwapong nilalang.

Siguro ilang segundo din kaming binalot ng katahimikan. Ang awkward nga eh. Nakaka-conscious na ewan. Buti na lang biglang nagsalita 'tong katabi ko.

"By the way, I'm Ivan." nilahad niya yung kamay niya tapos nakipag-shake hands naman ako.

Magsasalita na sana ako para sabihin yung pangalan ko nang bigla na naman syang nagsalita..

"Gusto ko lang sanang malaman kung.. naniniwala ka sa love at first sight?" sabi niya with a sweet smile.

Best Thing I Never Had *13*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon