Ano to?
Nasaan ako?
Sino kayo?
My amnesia ba ako?
Hahahaha. Joke lang!
Natatandaan ko kung sino ako at mga taong nakapaligid saakin.
Pero bakit ako nandito? Nasa ospital ata ako.
Ano ba nangyari?
Naaksidente daw kami nung isang gabi sabi ng nanay ko at ngayon lang ako nagising.
Masaya ako noong oras na iyon dahil lahat ng mahal ko sa buhay nasa ospital para bantayan ako.
Anong nangyari kila jayson at tano?
Gasgas lang daw ang tinamo nila.
Ako ang nasa likod kaya sakin napunta lahat ng impact nang sumalpok saamin ang rumaragasang taxi.
Dahil nga sa wala kaming signal light sa likod ng motor at madilim ang lugar kaya di rin kami napansin ng taxi driver na mukang mahina rin ang head light at nakainom.
Ung ulo ko ang naapektuhan masyado. Kaya pala masakit at halos di ko maigalaw pati ang leeg ko.
Pero nagtataka ako sa ikinikilos nila dahil parang may gusto silang itanong saakin na hindi nila maitanong.
Nakalabas ako agad ng ospital kinabukasan.
Pinagluto kami ni nanay elsa ko ng paborito kong adobong manok.
Masaya ako dahil todo alaga silang lahat sa akin.
Pero parang may natatagong lungkot akong nararamdaman.
Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung ano.
Pero di ko nalang pinapansin dahil Masaya ako Kasama ang pamilya ko.
Kuya mukang masayang masaya ka a? Nakamove on ka na kay ate princess? Tanong ng bunso kong kapatid na si nenard.
Ha? Sinong princess? At bakit ako mag momove on? Sagot ko.
Lahat sila nagtinginan saakin. Lahat ay mukang nagtataka.
Kahit ako ay nagtaka sa mga reaksyon nila.
Sino si princess? Bakit ganoon nalang sila magreact nung sinabi ko yon?
At bakit parang may iba rin akong naramdaman nung marinig ko ang pangalan nya?
Sa totoo lang hindi ko talaga sya matandaan.
Wala kahit kaunting ala-ala akong ntatandaan sa kanya.
Kinabukasan.
Dinala ako ulit nila nanay elsa sa ospital para ipacheck up.
Ayoko sana pumunta doon dahil takot ako sa doctor at isa pa ok naman na ako.
Pero mapilit sila.
Dinala nila ako sa ospital at pinacheck up.
Narinig ko sa doctor na may partial amnesia daw ako.
Note: partial amnesia is usually caused by head trauma and you lose part of your memory
So may mga bagay pala na di ako na aalala?
Tulad ni princess?
Hindi ko talaga sya naaalala. Kahit na iuntog ko ulit ang ulo ko ay wala akong matandaan tungkol sa kanya.
Nang nasa bahay na kami nakita ko silang nag uusap.
Anong pinag uusapan nyo? Meeting ba yan? Tungkol saan? Sabi ko.
Di nila ako sinagot.
Nagtataka na talaga ako sa mga pinagkikilos nila.
Pero di ko nalang pinansin dahil mas gusto ko kumain dahil para akong ilang araw na di kumain.
Gutom na gutom talaga ako.
Yum. Yum. Yum.
Parang laging fiesta sa bahay.
Puro paborito ko kasi ang niluluto ni nanay.
Si bunso pinagsisilbihan ako. Dati naman tamad sya sundin mga inuutos ko.
Hahahaha. Buhay prinsipe talaga ako ngayon.
Kain tulog lang ata alam kong gawin dahil di ako pinagagawa ng mga gawaing bahay at di rin ako pinapayagang pumasok sa school.
Yung mga classmates ko dumalaw sa bahay.
O pare buhay ka pa pala. Sabi ni carl. Isa sa mga classmates ko.
Sabay tawa ang lahat ng mga classmates ko.
Miss na daw nila ako.
Wala daw kasi makopyahan pag exam.
Hahaha. At wala daw maingay twing walang prof.
Loko talaga tong mga classmates ko.
Pero natuwa ako nung Makita kong may dala silang pizza at mga prutas.
Wow! Pagkain. Kain nanaman!
Iba talaga buhay ko ngayon. Parang walang problema.
Walang iniisip.
Well, ieenjoy ko nalang to kasi after nito back to normal ako ulit.
.................
Salamat po ulit sa mga sumusubaybay.
isang araw palang to pero andami ng nakabasa.
salamat talaga.
may fans na rin ako. ang saya hihi :))
BINABASA MO ANG
langit at lupa
Novela JuvenilNathaniel Ocampo is a PUP student who fell inlove in a UE student Princess Sarmiento. How can they manage their relationship if their state in life affected their relationship. ... This is my first work. hope you like it. :))