Chapter 3: accident :|

133 10 3
                                    

Umuwi ako ng bahay na tulala.

Hindi malaman ng mga tao samin kung ano ang nangyayari saakin.

Hindi na ako nakakakin ng hapunan at nakatulog agad.

Kinabukasan. Hindi ako pumasok sa school.

Wala akong gana. Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang mundo.

Pakiramdam ko ‘di ko kakayanin.

Marami kaming mga pangarap ni princess at ngaun parang nabalewala lahat.

Sabi ko na nga ba.

Dapat di na ako umasa na magwowork ang relationship namin kahit sobrang layo nya saakin.

Langit sya. Lupa ako. :'(

Walang patutunguhan ang relasyon namin.

Pero bakit ganun sya? Di manlang nya sinabi saakin ang pag-alis nya.

Parang nung isang araw lang ay masaya kaming magkasama nung anniversary namin.

Kahit tawag o text mula sa kanya bago sya umalis ay wala. Wala kahit isa.

Masama loob ko. Galit ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Princess! Bakit mo ko iniwan! Sinisigaw ko sa sarili ko.

Sa tuwing maaalala ko sya ay di ko parin mapigilang lumuha.

Buong maghapon lang akong nagmumok-mok sa kwarto ko.

Walang gana kumain. Walang gana makipag usap sa kahit kanino.

Oo nga pala birthday ng kapatid ng pinsan kong si jayson. Si Louie.

Usapan pa naman namin na mag iinuman kami kila jayson.

Pero wala talaga akong gana.

“hoy pare tara na kila jhong” sabi ng kapit bahay namin.

Jhong tawag nila kay jayson. Kamukha kasi ni jhong hilario.

Sabi ko ayoko. Pero di nila ako tinigilan hanggang sa napapayag nila ako.

Tahimik lang ako sa isang tabi habang nag iinuman at nagkakantahan sa videoke ang mga Kasama ko.

Pare anu ba! Hindi tayo nandito para umupo lang! kahit sandali lang kalimutan mo muna sya! Sabi nila.

Pinilit ko ang sarili ko. Uminom ako ng uminom hanggang sa malasing.

Ngayon naman hindi nila ako maawat sa kakainom.

Hindi talaga ako lasinggero. Umiinom lang ako pag may event. At kaunti lang ako magi nom.

Pero ngayon parang tubig ang pag inom ko sa alak.

Si princess lang. sya lang ang nasa isip ko nun.

Parang di ko kakayanin ang kalungkutan na ‘to.

Pare hatid ka nanamin sa inyo. Sabi ng barkada ko.

Sabi ko ayoko pa. gusto ko pa uminom.

Pero tulong-tulong nila akong binuhat.

Lasing na ako pero alam na alam ko parin ang nangyayari sa paligid ko.

Hinatid kami ni jayson at ang kapit bahay namin. Si tano.

11:00 ng gabi

Habang nasa single na motor kami galing sa manggahan commonwealth pauwi sa phase 8, north fairview QC ay may nadaanan kaming stop light.

Walang signal light sa likod ang motor kaya hindi kami madaling mapansin ng mga nasa likod namin.

Lalo na nung nasa tapat na kami ng may sirang street light at sobrang dilim ay di na kami madaling mapansin.

Isan malakas na impact ang naramdaman namin sa aming likuran.

Pagkatapos noon ay wala na akong matandaan.

................

feeling ko ang short ng chapter 3

hahaha

bawi nalang ako next chapter :)

baka bukas ako makapag update.

salamat po sa mga nakabasa at magbabasa pa. :)

langit at lupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon