Chapter 1: anniversary ^^

266 16 11
  • Dedicated kay Marlon Joefrey Ocampo
                                    

hi

ako nga pala c nathan

3rd yr college sa pup

gwapo, matalino, mbait at habulin ng mga babae.

may girlfriend ako.

c princess, maganda, matalino, mayaman 2nd yr college sa UE Manila.

nakilala ko sya sa isang party, pinakilala sya sakin ng pinsan ko. c jayson.

ngayon mag 3months na kami. getting stronger ika nga.

mahal na mahal namin isa't-isa. lagi kami nagkikita after class. mula s pup isang sakay UE. 

tapos sinusundo ko sya dun. pagsundo ko sa kanya tska palang kmi sasakay ng taxi. kahit maubos pera ko ok lang e mayaman kc ung mahal ko, ayoko naman sya mahrapan mag-adjust.

kilala sya ng pamilya ko. pero ako hindi pa nya napapakilala sa pamilya nya.

natatakot daw kasi sya na baka paghwalayin kami pag hindi ako nagustuhan ng pamilya nya.

isang araw, nakita kaming magkasama ng tito nya sa isang mall.

napansin ko na kinabahan at parang namumutla si princess nang makita ang tito nya.

lumapit ang tito nya samin.

"iha, ano ginagawa mo dito at sino yang kasama mo",tanong ng tito nya.

"uncle sinamahan ko lang po classmate ko dito",sagot ni princess

tapos umalis na ang tito nya.

hindi ako nagalit sa pagpapakilala sakin bilang classmate sa tito nya dahil naiintindihan ko naman na kailangan namin talaga gawin iyon.

mahal ko sya kaya lahat gagawin ko para sa kanya.

dumaan pa ang mga araw, linggo, buwan.

ngayon anniversary namin. october 25.

pinag-ipunan ko ang araw na to. kaya excited talaga ako dahil sa wakas isang taon na kami. at mabibigay ko na ung pinag-ipunan kong sing-sing.

after class, sinundo ko na sya sa UE. pero di daw sya pumasok. pinuntahan ko sya sa bahay nya at nagpakilalang classmate nya. pero wala daw sya doon. tinatawagan at tinitext ko sya pero di nya sinasagot.

nag aala-la na ako sa kanya. pinupuntahan ko ung mga lugar na pinupuntahan namin lagi pero wala sya dun.

nababaliw na ko kakahanap sa kanya.

gusto ko sya makasama ngayon dahil anniv namin.

habang hinahanap ko sya napapaisip ako na baka nakalimutan nya ang araw na to.

isang text ang ntanggap ko mula sa di kilalang number.

sabi:

#12 yen st., phase 8, north fairview QC.

teka address ko un ah?

un lang reaksyon ko. tapos di ko na ulit pinansin.

patuloy ko lang hinanap si princess.

3pm na. pero di ko parin sya natatagpuan.

sabi ko sa sarili ko di ako susuko na hanapin sya. binalikan ko bhay nya. pero di parin daw sya nakakauwi.

6pm na ng gabi.

naisip ko na umuwi nalang dahil napapagod na ko kakahanap sa kanya.

mukang nakalimutan nga nya ang araw na to.

malungkot akong umuwi sa bahay.

Habang naglalakad sa iskinita pauwi sa amin di ko namalayan nabrown out pala at sobrang dilim ng daan.

Wala akong pakialam sa aking paligid.

Hindi lumilingon kahit na may kung anong kumakaluskos sa paligid.

Dahil ang nasa isip ko lang ay si Princess.

Nasaan kaya sya?

Ok lang kaya sya?

Bakit di sya nagpakita sakin s napaka importanteng araw na ‘to?

Tanong na paulit-ulit sa isip ko.

Nakarating na ako sa bahay namin.

Hanggang dito pala brown out?

Tapos biglang bumukas ang mga ilaw.

Sa isip isip ko may kuryente na!

Sa tagal kong naglalakad sa dilim at biglang bukas ng ilaw ay halos wala akong Makita.

Napakaliwanag.

Nasa langit na ba ako?

HAHAHAHA

Nababaliw na ata ako.

Tapos nakita ko nanay Elsa ko.

Dahil parang wala ako sa sarili dahil sa sobrang kalungkutan, di ko napansin na maraming tao pala ang nasa paligid ko.

Napakaraming ibat-ibang kulay na ilaw, mga lobo, at maraming handa.

“Nay ano meron?” Sabi ko sa nanay Elsa ko.

At biglang bumulaga sa akin ang isang napakalaking tarpaulin na may nakalagay na “Baby. Happy Anniversarry!” I LOVE YOU!

Lumabas si Princess, at bigla nya akong niyakap at hinalikan.

Syempre nagulat ako sa ginawa nya.

Natuwa at Kinilig.

Kaya pala hindi k sya mahagilap sa kung saan saan narito lang pala sya sa bahay. Bahay namin.

Binati namin ang isa’t-isa.

Nag simula ang party. Kasama ang buo kong pamilya at mga kaibigan at pati ibang kapit bahay nakisaya sa amin.

Ito na ang pinaka masayang araw ko. Sabi ko sa sarili ko.

Masayang natapos ang araw at nakatulog na ako.

...........

Hi. I'm reya fe rafael. aka reapii.

This is my first work. hope you like it :)

langit at lupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon