Si Drazel bakit siya nandito??
"Hi ?" Sabe niya.
"Ba...bakit ka nandito?" Pautal kong tanong.
"Para mag vacation" sagot niya na halata naman.
"Tara na Sis kain na tayo" aya ni Jomielyn.
"Sige busog pa ako mamaya nalang punta muna ako sa kwarto ha" pagpapalusot ko.
"Ha? Bakit diba hindi ka pa kumakain?" Sabe ni Drazel.
"Oo nga "dugtong ni Jomielyn na halatang nangangasar lang.
"Basta busog pa ako!" Sambit ko sabay lakad palayo sa kanila.
Drazel POV
"Basta busog pa ako" sabe ni Lyssa.
"Weird niya naman diba sabe mo hindi pa siya kumakain bakit sinabe niyang busog pa siya?." Tanong ko.
"Hayaan mo na siya ganyan talaga yan." Sagot ni Jomielyn.
"Sige mauuna na ako ha baka hinahanap na nila ako." Pagpapaalam ko.
"Sige hatid na kita."
Hinatid ako ni Jomielyn hanggang labas at muli siyang pumasok.
Makalipas ang isang araw
Rae's POV
Natapos ang dalawang araw na bakasyon naming lahat. Nililigpit at inaayos na namin ang lahat ng gamit bilang paghahanda sa pag alis.
"Guys mauuna na kami, ingat kayo diyan, ikaw Alexis baka naman pagkatapos nito ay kalimutan mo na ako este kami" sabi ko sa kanya ngumiti lang siya sa akin at tumango, ang gwapo talaga niya maswerte siguro ang taong mamahalin niya hindi dahil sa hitsura niya pati narin sa ugali niyang kakaiba.
"Sige bro, mga pre ingat kayo ah at ikaw Lyssa mag iingat sila sa'yo" sabi ni Gio, inirapan lang siya ni Lyssa, napansin ko na bagay pala sila para kasing may chemistry sa pagitan nila, pero siguro hindi nila napapansin 'yon dahil parehas silang isip bata.
Lumapit sa kanya si Gio at kinurot siya sa pisngi.
"Ikaw talaga, gustong gusto na kita gustong gusto kong dukutin ang mata mo" sabay pisil niya sa pisngi nito.
"Aray tumigil kanga iniinis mo talaga ako" sabay hawak at sabunot nito sa buhok ni Gio.
Ngayon ay nagkakasakitan na silang dalawa pero ang cute nilang tingnan.
"Aawatin ba natin sila?" Tanong ni Luke sa amin, pero nagkibit balikat lang kami.
"Pabayaan mo na sila, ganyan ang way nila ng pagpapaalam, sigurado akong mamimiss nila ang isat isa lalo na ang pag aaway" sabi naman ni Jerry
Ngumiti lang kaming lahat at tuwang tuwa sa nakikita habang nag aaway silang dalawa. Namiss ko ang ganito, kompleto kaming lahat at masaya pero mamimiss ko ulit ang ganito dahil pagkatapos nito ay maghihiwalay nanaman kami at hindi ulit kompleto, pero masaya ako dahil magkakahiwalay kami o kulang hindi parin namin nakakalimutan ang isat isa, ganyan ang tunay na mga kaibigan.
Sumakay na agad sila Lyssa sa plane habang kame ay nagbubuhat ng mga maleta.
Nakakaloka parang nag-ibang bansa sa sobrang dameng dala dinala yata nila boong Boracay para ipasalubong .
Nakarating na kame sa maynila masaya ako at kumpleto kameng lahat pero may lungkot kase it's time to say goodbye to them..
"Oh paano bayan boss mauuna na kame nila lyssa hanggang sa susunod ulit." Pagpapa alam ni Alexis