Lyssa POV
Oh my g panibagong away to O_O
"Nakatapang niyo naman hindi niyo ba alam kame ang group na kinakatakutan ng mga nagaaral dito" pananakot ng isa sa miyembro ng bitchess.
"Mga estudyante lang dito hindi sa ibang school." Sagot ni Kuya.
"Matapang talaga kayo!" Sabe ni Marvin.
Sumugod ang bitchess at pinagsusuntok ang grupo ni Kuya pero hindi naman nagpatalo sila Kuya kaya gumanti din sila ng suntok.
Nagkalamugan na sila nung dumating si Sir Zamora pero tuloy paden sa pagsuntok ang dalawang grupo kaya sumigaw si Sir na kinatigil nila.
"Go to the guidance office now!" Sigaw niya.
Wala naman nagawa ang dalawang grupo kaya sumunod nalang sila.
Alexis POV
At Guidance Office
"What is this kids problem?" Tanong ni Ms. Gay
"Nagkaroon po kase ng riot sa loob ng gym at nung tinanong ko sila kung sino nagsimula nagturuan sila." Sabe ni Sir Zamora na hindi naman namen ginawa kanina dahil hindi niya naman kame tinanong.
Kabadtrip talaa si Sir kase kung ano ano kwini-kwento niya na puro kasinungalingan pero minsan naman totoo minsan nga lang.
"Sino ang nagsimula ng away!?" Pasigaw na tanong ni Ms. Gay
Wala namang ni isang nagsalita kaya walang nagawa si Ma'am kungi tignan ang footage ng cctv.
"So Marvin Gaye D.V Aiso ikaw pala ang nagsimula kaya kayo ay expelled for 2 weeks at ang mga outsider ay hindi na papayagang pumasok sa school at ikaw naman Alexis ay bumalik ka na sa iyong room." Sabe ni Ma'am.
Bumalik na ako ng room baka magbago pa kase isip ni Ma'am kaya binilisan ko na lang ang aking lakad papalabas ng guidance office,
At sila Boss naman ay minabuti ng umalis pero hindi na sila nakapag-paalam kase hinatid sila ni Sir hanggang gate.
Lyssa POV
Anong parusa naman kaya ang ipapatol kila Kuya? Sana naman hindi bumangka si Sir Zamora.
"Oh! Kuya ano ginagawa mo dito diba pinatawag kayo?" Tanong ko kay Kuya.
"Pinabalik nalang ako ni Ms. Gay sa room at sila Marvin inexpelled ng 2 week." Sabe niya.
"Paano naman sila Rae?"
"Hindi na sila papayagang bumalik ng school." Sabe niya.
"Hulaan ko kung bakit lumala yung parusa sa kanila." Sabe ko.
"Oo siya nga may kasalanan." Sagot ni Kuya na parang alam ang sasabihin ko.
"Ano na naman ang sinabe ni Sir Zamora?"
"Tinanong niya daw kame kung sino ang nagsimula tapos nagturuan daw kame na hindi niya naman tinanong at hindi naman namen ginawa." Sabe niya
"Dapat talagang ireklamo na si Sir namemersonal na kase siya masyado." Dugtong ni Kuya."Ha?"
"Adviser kase namen dati si Sir Zamora ako ang president nung time na yun pero pinili kong magresign dahil mahirap palang mag president nagalit siya sa akin nung time na yun at naniniwala ako na hanggang ngayon ay galit paden siya samen." Sabe ni Kuya.
"Namen?"
"Kame nila boss." Maikli niyang sagot.
"Ha? Paanong napunta dito si Sir Zamora?" Tanong ko.
"Nung lumipat ako ng school ay lumipat din siya at nagulat nalang ako dahil Teacher na siya dito."
"Kumbaga ay sinusundan ka niya?" Tanong ko.
"Siguro pero wag na nating alalahanin yun matagal na yun." At naglakad na si Kuya palayo saken.
Ang gara pala ni Sir Zamora nakakatakot pala siyang maging adviser at hindi siya basta-basta sumusuko dahil sinundan niya pa pala si Kuya dito.
So mag kakaklase pala sila Kuya , Rae , Gio at iba pang member ng grupo ni Rae bakit kaya hindi pa nila nireport si Sir nung mga araw na iyon? Siguro hindi pa sila pinipersonal ni Sir nung mga araw na iyon.
"Bakit nakatulala ka?"
"Ha?" Tanong ko sabay tinggin sa lugar kung saan ko narinig yung boses niya.
"Sabe ko bakit ka nakatulala?" Pag-ulit ni Drazel.
"Ah wala may iniisap lang ako bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Napadaan lang ako dito pero nung nakakita ako ng maganda ay minabuti ko munang tumambay ng saglit." Sabe niya.
"Hahaha nasaan yung maganda?"
"Ikaw yung maganda." Bulong niya pero narinig ko.
Namula naman siya at feeling ko ay namula den ako.
"Ha?" Tanong ko.
"Wala sabe ko gusto mo ba ng kasama?"
"Sure tara dito may space pa naman eh." Sabe ko.
Tumabe naman siya saken at nagsalita.
"Nag ka boyfriend kana ba?" Tanong niya.
"Ha?"
"Uulitin ko pa ba?" Sabe niya.
"Hindi na kailangan ulitin narinig ko na." Sabe ko.
"Narinig mo naman pala eh."
"NBSB ako pero kung may dadating why not."
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya
Shuta is this true ba? si Drazel nagtanong kung pwede ba ako ligawan? Nananaginip ba ako? Pakigising naman ako please.
"Ahhhmmm......."
Ano kaya isasagot ko sa kanya.