continue

64 3 0
                                    


Nalansi si Dondon ng kanyang guwardiya sa pamamagitan ng mabilis na cross-over   dribble .nauna siya ng isang hakbang sa nagbabantay na kalaban.

Sa isang sikad ni Dondon,malapit na agad siya sa goAL.pero bigla siyang natigilan  at nabigla sa nakita .
Hindi !sigaw ng isip niya .nawalan siya ng control sa bola at nabitawan iyon .na ng finaL buzzer  nag bunyi ang kabilang bench.Nadismaya  naman  ang buong koponan ni Dondon.

Walang pakialam ang binata  nakatutok ang kanyang tingin sa matandang lalaki sa end line ,katabi ng poste ng basketball court .titig na titig ito sa kanya.

Walang kakurap-kurap.tiLa nanumbat .Ngunit ang higit na sumimbal sa kanya, biyak ang noo nito at inaagusan iyon ng sariwang duGo .

"Hindi !Hindi! " sa pagtataka ng lahat ,nagtatakbo si Dondon.


Mahinahon naman ang pakikipag usap ng tiyuhin kay dondon ngunit nasa himig  nito  ang paghihinayang.

"Nasa ilalim  ka na ng ring ,ile-lay-up mo na lang at champion  na sana tayo ......tsk-tsk-tsk" anito ng magkita  sila   sa bahay" ano bang nakita mo't parang bigla kang may kinatatakutan?

Humabi na lamang si dondon ng alibi ."ewan ko ba, uncle.parang biglang ....biglang namanhid ang braso ko"

"Pasma yan"

Ngumiti lang ang binata .ngunit  ngiting di nakaabot sa kanyang mga mata,malayo ang lipad ng kanyang isip.

Lumilipad pabalik sa maynila,sa kanyang mga kabarkada, sa isang di niya makakalimutang pangyayari....











Hindi masyadong maayos yung speech ko hahaha! Sorry sana ok na yan

I hope may mag basa  nito..

  Pls vote😇😆😆

Mga Kwenting Multo At KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon