Iyon ang nagtulak kay Dondon na huminto sa pag-aaral.natatakot siya na baka matuklasan ng mga awtoridad ang totoo at panagutin sila sa pagkamatay ng matandang pulubi.At heto... Magtatatlong buwan na siya sa probinsya at sa poder na siya ng tiyuhing kapitan ng pulis,alam niyang walang kakanti sa kanya,
Hindi mawala sa kanyang isip ang tungkol sa matandang pulubi.at ilang beses niyang napapaginipan.Hindi akalain ni Dondon na magpapakita ito sa kanya at sa dami naman ng pagkakataon ,bakit sa pinaka krusyal pang oras ng ligang sinalihan niya.
At iyon pala ang magiging simula ng tila walang katapusang pagpapakita ng matandang pulubi. Nasa banyo na siya ay bigla na lang niya itong nakita sa pintuan . nakatayo at duguan ang mukha .nakalahad ang palad para bang nanghihingi ng limos.At sa gabi ,pag malapit na siyang makatulog ay saka naman siya nakakarinig ng boses...
Palimos pooooo........
Pagkunuwa'y nakikita niya itong nakadungaw sa nakabukas na bintana ng silid. May malaking sugat sa noo,sugat sa inaagusan ng sariwang dugopalimos poooo.........
Inilusot nito sa rehas ng bintana ang isang palad naghihingi ng limos.
"Maawa ka.maawa ka....palimos naman", anitong titig na titig sa mga mata ng binata.
At hindi na nakayanan ni Dondon ang lahat, para siyang batang humahagugol sa kanyang palad.
Narinig niya ng kanyang tiyuhin at ng asawa nito.pinuntahan siya sa silid ng tiyuhin." anong nangyari ,Dondon? Ano ang problema?"
Humawak siya sa balikat ng tiyuhin .
Hindi ko na kaya,Uncle may ipagtatapat ako sa iyo!"PADRINO ang tiyuhin ,sumuko si Dondon sa Quezon City Police. Naging daan iyon para sa isa-isang maaresto sina Cholo,Ramon at Eman, "Tol naman,'bat ka kumanta?" Sumbat ni Ramon.
"Mabuti na ito,mga Tol. Mas madali yung ganito ,yung makulong sa likod ng mga rehas kaysa usigin ako ng konsensya ko habambuhay"Dahil alam ni Dondon ,kasunod niyon ang paglaya .Paglaya pati na sa sumbat ng budhi.
Sa huli ay nakapagpiyansa si Dondon at pansamntalang nakalaya.Hindi na siya muling nakita ang matandang pulubi.Wakas!!!!!!!
Pls vote guys.....thank you😊😊😊