Ngunit laking gulat ng Lalaki dahil malayo pa ay nagliliwanag ang buong bahay ni Tandang Dolores . Kinakabahan man at nagtataka ay minabuti ni Ka Inggo na sumilip.
Napaurong siya nang makita kung ano ang nagaganap sa loob.
Nakadapa si Tandang Dolores!
Ang mga kamay nito ay nakadipa at ang paa ay nakatukod sa lupa.tuwid na tuwid ang binti nito na tila naninigas .Sa paligid ng katawan ng babae ay naroon ang napakaraming pulang kandila na ang pagkaayos ay hugis butuin. May sindi ang lahat na iyon at waring iniilawan ang matanda.
Kinilabutan si Ka Inggo nang luningon si Tandang Dolores sa siwang ng sawaling sinisilipan. Hindi siya maaring magkamali pero sa tingin niya ay puro itim ang mga mata nito. Mapaurong ang lalaki at nang makabuwelo ay kumaripas ng takbo. Hindi na matandaan ni Ka inggo kung ano ang nangyari. Ang tanging naiwang rehistro sa utak niya ay mabilis na mabilis ang kanyang pagtakbo para makalayo agad sa bahay na iyon.PS:Pasenya now lang na update ..
Pls vote guys.
Thank you!! Mwaahh