Chapter One

303 37 11
                                    

Hindi ko alam kung gaano karaming luha na ang iniiiyak ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong nag-aaway ang mga magulang ko. Sigawan, bangayan, at hikbi ko lang ang mga ingay na naririnig sa bawat sulok ng bahay na ito. Pero ang mga linya na sinabi nang aking ama ang lalong nakapagpahagulhol sa akin, sinabi nya mismo sa harap nang aking ina ang mga katagang, 'Ayoko na, itigil na natin 'to. Maghiwalay na tayo'. Simula nang marinig ko iyon lumabo na naman ang mga mata ko dahil sa pamumuo na naman ng luha ko, hanggang sa mapagod ako at tuluyang sumara ang talukap ng mga mata ko. Pero bago ko isara nang tuluyan ang mga mata ko, narinig ko parin ang mga kataga na iniwan ng ama ko.

"Siguraduhin nyo na wala na kayo dito pagdating ko, baka hindi kita matantya at kung anong magawa ko sayo!"

At binalot na nang dilim ang paningin ko.

*************

Naramdaman ko ang malambot na palad na dumampi sa pisngi ko.

"Anak, gising na" wika nang isang pamilyar at malambing na boses. At muling dumampi ang kanyang palad sa aking pisngi.

Unti-unti kong iminulat ang aking mata at isang babae na may namumugtong mata ang bumungad sa akin.

"Mama" sabi ko saka uminat at kinusot ang aking mga mata.
"Anak, tara na, aalis na tayo dito" sabi nya
"Po? Saan po tayo pupunta?" Tanong ko
"Basta aalis na tayo sa impyernong ito." Galit na sabi nya.

Naaawa ako sa kalagayan ni Mama. Pinipilit nyang magpakatatag para sa akin. Kahit halatang halata na gusto nya nang umiyak, gusto na nyang sumuko pero pinipilit nyang maging matapang sa paningin ko kasi ayaw nyang panghinaan ako ng loob.

Iginala ko ang paningin ko sa sala at may nakahanda nang mga maleta sa may pintuan.

"Ma, nandyan na po ba yung mga gamit ko?" Tanong ko
"Oo anak, nandyan na lahat. Mga damit mo, gadgets mo, lahat nandyan na" nakangiting sabi ni mama.
"Sige po, tara na"

Hinila ko na ang maleta palabas ng bahay at hinawakan ang doorknob ng pinto. Lilisanin na namin ang bahay na ito, na tinirhan namin ng labing-anim na taon. Yung alaala ng isang masayang pamilya, na ngayon wala na. Uminit muli ang gilid ng aking mata, pero pinigilan ko ito bago pa man tumulo.

Bumuntong hininga ako bago ko isara ang pinto. Nang makasakay ako sa sasakyan ay inilagay ni Mama ang mga maleta sa trunk ng kotse. Tapos ay binuksan nya ang pinto sa may drivers seat at nagaimula nang paandarin ang kotse.

Matapos ang ilang minuto ay hindi na ako pamilyar sa dinadaanan namin. Binalot na din ng dilim ang buong paligid. Medyo inaantok na din ako dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Anak matulog ka muna, medyo malayo pa naman ang pupuntahan natin. Gigisingin na lang kita" sabi ni mama nang mapansin ang paghikab ko.

Hindi ko alam kung 'saan' kami pupunta pero alam ko na magiging payapa ang buhay namin doon. Pero ang masakit ay noong makita ko ang muling pagpatak ng luha nang nag-iisang babaeng minahal ko bago binalot nang dilim ang paningin ko.

***

Sheez! Kapagod magtype. Haha. So. Yan na ang Chapter One. Hope you like it.

Soo. Thank you. Sa nagvote. At nagcomment.

Wattpad UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon