Prime 2: Immortal World

4 0 0
                                    

"Ano ginawa mo? Bat mo ginawa yun?"
"Paano mo nalaman tita?"

May magical powers ba si tita kaya nya nalaman yung ginawa ko kanina? O baka naman nakita nya ako?

Magsasalita pa sana sya nung bigla syang tumingin sa kaliwa at biglang kinabahan.

"I'll explain it later. Get inside the car, now."

Pumasok naman agad ako sa kotse at pinaandar agad yun ni tita. Daig pa ata namin bullet train sa bilis ng takbo ng kotse ni tita. Nagdasal na lang ako habang sya naman ay abala sa pagtapos ng buhay namin gamit ang pagharurot ng kotse nya.

"Go to your room. Wag na wag kang lalabas naiintindihan mo ba? Just wait for my signal bago ka lumabas ng room mo. Tatlong pito ang signal, intiendes?"

"Intiendes tita."

Nakakapagtaka si tita. Bat parang may mangyayaring masama? Bat parang may kaaway si tita? Bat parang-

Bigla na lang may pumasok sa bahay na limang lalake. Nakatakip yung katawan nila ng itim na damit at meron silang mga mahahabang katana sa likod. Nakamask din sila ng itim.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko kaso biglang may lumitaw na itim na lalake at hinawakan ako sa braso na parang pinipigilan ako sa pagtago.

"Bitiwan mo ako!"
"Sasama ka sa amin. Kelangan ka namin."

Pilit kong tinatanggal yung hawak nung lalake kaso masyado siyang malakas. Naghanap ako ng tyempo tsaka ko sinipa yung lalake sa ano(yung you know).

Napa-awww naman sya tapos napaluhod. Tapos naramdaman ko yung lamig na naramdaman ko na naman kanina. Ewan ko pero baka eto lang ulit yung paraan para tigilan nila kami ni tita.

Bumaba ako para tulungan si tita. Nagulat ako nung may hawak na katana si tita. Saan nya nakuha yun?

"Jackie! Ano ginagawa mo dito? Bumalik ka sa taas! Magtago ka dun!"
"Tutulungan kita tita!"

Napansin ko naman na may lumalabas na yelo sa kamay ko. Tinutok ko yun sa lalakeng kalaban ni tita. Natusok naman sya sa likod. Tumingin naman yung isang kalaban pa ni tita sakin. Lumapit sya sakin at muntikan nya na akong tamaan ng katana kaso yumuko ako at sya naman ang tinusok ko ng yelo. Hindi ko napansin na may lalake na pala sa likod ko. Bigla na lang syang may tinusok sakin at dahil dun nakatulog ako.

**********

Pag gising ko may mukha ng babae na tinitignan ako ng malapitan.

"Ah! Sino ka? Lumayo ka sakin!", sigaw ko sa kanya sabay takbo sa pintuan.

"Calm down. I'm Agica Imera. And you are?"
"Bat ko sasabihin sayo? I don't talk to strangers!"
"Umm, hi ako nga pala si Threa Cast!", sabi naman nung isa pang babae.

Tinignan ko naman sila sabay taas ng dalawang kamay ko at pinatong sa ulo ko.

"NASAAN AKO?! SAAN NYO AKO DINALA? BAT NYO AKO KINIDNAP!?"
"Nasa Midnight Prime Academy ka.", sabi nung
Agica tapos sabay ngiti.
"Midnight Prime? Saan tayo? Nasa Manila pa din ba tayo?"
"Ummm wala ka na Mortal World. Nasa Immortal World ka na."

Napatingin na lang ako sa kanya sabay lagay nung isang kamay ko sa bewang ko. Nahihibang na ba sila?

"Teka may sayad ba kayong dalawa? Ilang shabu na ba nahithit nyo?"
"Umm hindi kami naka-shabu. Totoo ang sinasabi namin.",sabi nung Threa.

Napa-buntong hininga na lang si Agica kaya dumirestso sya sa may sofa. Biglang may lumabas na maliit na tornado sa kamay nya. Nilaro-laro nya ito. Totoo ba tong nakikita ko?

Tumawa naman si Threa sakin. Sya naman may biglang lumabas na bulaklak sa kamay nya at binigay yun sakin. Seriously?

"Ngayon gets mo na? Immortal ka din kaya ka nandito sa MidPrim!", sambit sakin ni Threa.
"Ano ba ang MidPrim?",out of curiosity kong tanong.
"MidPrim is a school for immortals like us. Hindi makakapasok ang mga mortal dito dahil baka isang araw pa lang eh hindi nila agad kayanin ang mangyayari sa kanila. Kung tinatanong mo kung saang parte na tayo ng Manila? Well, wala ka na sa Manila at sa Mortal world. Nasa ibang dimension ka na."
 
Teka eto na ba yung parang mga nababasa ko sa wattpad na mga magical stories?

"Pero kinidnap nila ako kanina! Tsaka si tita! Asan na sya?"
"Ah yun ba? Parte talaga yun ng plano kapag may kukunin sila na mga gaya natin sa mortal world. Tsaka wala kang kasama kanina nung binaba ka nung mga lalake."
"Bat ang weird naman nila kumuha ng mga immortal! Wala man lang letter na "Welcome to Midnight Prime Academy!" Wala man lang ganern?"
"Haha! Ganun talaga para intense!"

Bigla naman tumunog yung tyan ko. Urghhh! Gutom na yung mga bulate ko sa tyan. Napatingin pa sakin sila Threa at Agica. Shucks nakakahiya!

"Haha! Tara na gutom na din ako. Punta tayo Night Plaza! Libre ko!",sigaw ni Agica.
"Sige sandali magpapalit lang ako ng damit.", sagot naman sa kanya ni Threa.

Napansin ko naman yung malaking bintana na natatakpan ng red na kurtina. Hinawi ko ito at grabe ang nganga ko mga bes. Dalawa lang ang nasabi ko na nakapagpatawa kay Agica.

"ANG GANDA."

MIDNIGHT PRIME ACADEMY: COLLEGE OF MAGIC AND WIZARDRYWhere stories live. Discover now