Prime 3:Night Plaza

4 0 0
                                    

Napa-nganga ako yung as in literal na nganga kasi grabi! Ang ganda ng view. Ang laki ng moon at may mga violet at blue na clouds na nakapaligid dito.

Bumaba na kami at ako naman tong si adik na excited makita ang labas. Napa-woahh na lang ako sa sobrang ganda. Tapos ang laki ng moon. Doble pa sa size ng moon natin.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko-

"Teka, dalawa ang moon dito?",tanong ko kay Threa.
"Yup. Dalawa ang moon dito. Nagiging isa ang moon kapag may mga importanteng magaganap. Cool right?"

Tumango na lang ako at sinundan ko sila. Nasa tapat na kami ngayon ng Night Plaza. Andaming estyudante na nasa loob. Papasok na sana ako kaso hinila naman ni Agica yung braso ko.

"Sandali lang. Wag excited! May hinihintay pa tayo."
"Sino? Antagal naman. Nagrereklamo na yung mga bulate ko sa tyan!"
"Asan na ba kasi yung tatlong ugok na yun?",pabulyaw na sabi ni Threa.

Tinitigan ko si Threa. Well, straight yung buhok nya at kulay brown. Nakakaakit yung mga mata nya kasi brownish din yung mga mata nya atmahahaba ang mga eyelashes nya , matangos ang ilong at pinkish ang mga labi. Sexy din sya at sa tingin ko sya yung tipo ng babae na baliw, mahilig sumigaw at may pagka-boyish. Si Agica naman
medyo curly ang buhok nya, maganda din ang mga mata at mahaba din ang mga eyelashes nya. Pinkish din ang mga labi nya. Sexy tsaka medyo matangkad. While ako, magulo ang buhok, makapal ang kilay, at naka-glasses. Nahihiya tuloy ako sa itsura ko.

"Hey! Umm ano nga pala pangalan mo?", tanong sakin ni Agica.
"I'm Jackie.",simple kong sagot. Hindi ko pa sila masyadong feel kaya medyo awkward pa din ako sumagot sa kanila. Tsaka ayaw ko naman isipin nila na sobrang daldal ko. Baka isipin nila FC ako sa kanila.

Ilang minuto pa ay dumating na ang tatlong ugok na sinasabi ni Threa. And deym! Ang gwapo nila!

Napatingin naman sakin yung isang lalake na black ang buhok,matangkad,matangos ang ilong, mahahaba ang eyelashes(lahat ata sila mahaba ang eyelashes kainggit!), may hubog ang katawan(pati yung dalawang fafa harthart!) at mukhang masungit.

"Umm, bat kayo nagdala ng alalay Threa at Agi?Umm ano name mo yaya?"

Bigla naman naginit ang ulo ko sa kanya. Sasagutin ko na sana kaso, kalma Jackie. Baka masira image mo. Poise mo baka masira. Tarayan mo lang onti Jackie. Wag sobra.

"Sorry pero di ako alalay. May pinag-aralan ako, kaya di ko deserve kumuha ng trabaho bilang alalay. Eh ikaw? Mukhang maganda naman ang standards ng school na to kaso mukhang wala kang pinagaralan. Teka, nagaaral ka ba dito? Kasi kung hindi, hindi na ako magtataka na hindi ka nga dito nagaaral. Hindi bagay ang level ng utak mo sa level ng utak nila. Masyadong mababa yung sayo. I feel sorry for your frail mind.And by the way I'm Jackie, Mr.Imbecile, from the Mortal World."

Napatingin naman sakin yung dalawang fafa-or should I say ugok- pati na din sila Agica at Threa. Yung lalake naman parang chill lang pero halata mo na nagulat sya sa inasal ko. Serves him right.

"I'm Tizer. Nice to meet you!",sabay abot ng kamay nya para makipaghand-shake.
Inabot ko din yung kamay ko at nakipaghand-shake. Bigla naman nya agad kinalas.

"Umm, hehe Jackie let's go na. Shall we?"
Tumango naman ako kaya hinila na nila akong dalawa. Narinig ko pa yung lalake na nagsabi ng "Deym yung ugali nya kasing lamig ng mga kamay nya. Parang nagyeyelo yung kamay nya mga tol."

Buti nga sayo.
*************
Well I can say na ang laki ng Night Plaza. Triple pa to sa laki ng SM sa mortal world. Kakatapos lang namin kumain. Yung mga food sa mortal world, walang pinagkaiba sa immortal world. Kaya parang feel at home lang ako.

Napansin ko naman na ang mga customer dito, they're not using bills or coins. They are using cards. Ganun na ba sila kayaman para gumamit na lang ng credit cards?

"Umm bakit hindi kayo gumagamit ng paper bills o coins? I noticed kasi na cards ang gamit dito."
"Actually we don't really use paper bills or money. Etong card na to ang nagsisilbing pera namin. ",sagot sakin ni Agica.
"Is that considered as a credit card?"
"Nope. It's not a credit card. That card contains all our money, or should I say points. One student, one card. This card contains millions of points.Every time may bibilhin ka, one point na yun. Kahit anong bilhin mo, gamitin mo lang tong card na to."
"So paano ako makakakuha ng ganyan? Tsaka paano nakukuha yung points?"
"Well, baka bukas bigyan ka na ng gamit for school. Tsaka yung points dito, andyan na yan. Madadagdagan yan kapag nanalo ka sa mga battle or trainings."

Wow. Namangha ako sa card na inexplain ni Agica. To think na card pa lang yan ah! What if may iba pa silang mga mas astig na inventions? I can't wait to see more!

Lumabas na kami and naglakad lakad muna kami since maaga pa lang naman. 1:00 daw kasi curfew nila dito. Kaya naman naisipan nila na bilhan ako ng gagamitin ko. Well, mabait naman pala sila. It's just that nailabas nila yung beast ko inside. Haha! Mabait naman ako eh? Diba? DIBA?

Dumiretso na kami sa school appliances section. Binilhan nila ako na maliit lang. Actually shoulder bag lang sya na kulay black tapos parang may maliit na circle dun. Kumbaga parang yun yung gagamitin para mabukas yung bag. Binilhan nila ako ng ballpen na hindi mauubos ang inta. Masisira lang ito kapag sinunog. Katibay!

"Ano pala isusuot ko bukas?"
"Hmm, bahala ka. Next month pa kasi ire-require ng mga teachers ang magschool uniform. "
"Ah. Thanks Threa."
"No problem. Ang tapang mo pala?"
"Huh? Bakit?"
"Ikaw lang kasi ang nakasagot ng ganun kay Tizer."
"Ahh.",sabi ko na lang. Edi hala lagot! First impression na nya siguro sakin panget na nga mataray pa.

Dahil hinihintay na lang namin na matapos na sa pagba-bag ng items yung cashier, dumungaw na muna ako sa labas. Bigla naman ako nakakita ng isang maliit na batang babae at isang magandang dalaga. Narinig ko pa yung conversation nila kaya namiss ko si tita.

"Tita thank you for this day."
"Bakit naman?"
"Kasi tita kahit na walang time sakin si mommy and daddy, ikaw lagi kang andyan to make me happy. I love you tita!",sabay halik nung bata sa pisngi nung tita nya.
"I love you too baby!",sabay yakap naman nung dalaga sa bata.

Nakaramdam naman ako ng mainit na luha sa mga mata ko. Naalala ko kasi si tita. Namiss ko naman sya bigla.

Tita asan ka na?




MIDNIGHT PRIME ACADEMY: COLLEGE OF MAGIC AND WIZARDRYWhere stories live. Discover now