Landiantionship (2)

26.6K 711 19
                                    

Nagising ako mula sa masarap na tulog. Sa pag mulat ng mga mata ko naalala kong nasa guest room pala ako sa bahay ng parents ng best friend kong si Bianca dito sa Baguio.

Bumangon ako ng kama at inunat ang katawan ko habang humihikab pa.

Lumabas ako ng kwarto. Dumiretso ako sa bathroom na naka pwesto dito sa labas ng kwarto kaya no choice ako kundi ang lumabas pa ng kwarto.

Pumasok ako at ang una 'kong ginawa ay nag hilamos tsaka ako nag toothbrush para fresh ang breath. Pagkatapos kong magawa 'yon, bumalik ako ng kwarto. Kinuha ko 'yong jacket ko at rubber shoes. Sinuot ko muna 'yong white shoes ko bago ko tuluyang lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa hagdan.

Nakita ko sa sala si Bianca na tila kagagaling sa kusina nila.

"Mag jo-jogging ka?" Tanong niya.

"Yup."

"Hindi ka muna mag ka-kape?"

"Paguwi ko nalang."

Sinimulan ko ng maglakad palabas ng bahay. Tumingin ako sa magkabilang side ng kalsada para alamin kung saan ako magsisimulang mag jogging.

Sa left side ko naisip na simulang tumakbo. Routine ko na kasi 'to tuwing umaga at kahit na nasa Baguio ako, ayaw ko 'tong mawala. Mahirap ng tumaba baka mabawasan ng lalakeng ma-aakit.

Sa pagpapatuloy kong mag jogging, nakarating ako sa isang maliit na football field. Habang patuloy ang pagtakbo, nakatingin lang ako sa direksyon ng field. Na pahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Balong na nag lalaro ng soccer ball at sinisipa ito papuntang goal.

Tumakbo siya papalapit sa goal, kinuha niya ang bola gamit ang paa nito tsaka sinimulang gumawa ng trick.

Wow! Ang hot niya- i mean ang galing niya sa bola.

Soccer player siguro ang bata.

Napahinto siya sa pag gawa ng trick sa bola nang mapansin ako. Dahil ayoko namang mag kunyaring hindi ko siya pinagmamasdan kaya kinaway ko agad ang kamay ko sa kanya.

Tumakbo siya papalapit sa'kin habang nakangiti. Sinalubong ko nalang siya ng lakad para hindi na malayo ang takbuhin niya.

"Nice footwork." Compliment ko sa kanya pagkalapit niya.

"Salamat. Kanina ka pa dito?" Tanong niya.

"Hindi masyado. Sapat lang para makita ang husay mo sa soccer."

"Gusto mo bang turuan kita?" Tanong niya.

"No! Active lang ang lifestyle ko pero hindi naman ako sporty." Kinaway ko na 'yong kamay ko sa kanya. "Sige mauna na 'ko, ipagpapa-tuloy ko pa ang pag jo-jogging."

Sinimulan ko na ulit ang tumakbo, hindi ko na hinintay pa 'yong tugon niya sa sinabi ko.

"Xandy!" Dinig kong tawag niya sa'kin kaya huminto ako sa pagtakbo at nilingon siya.

Nakita kong nag i-skateboard siya papalapit sa'kin habang bitbit niya din ang bola niya.

Wow! Frustration ko ang skateboarding paturo kaya ako?

Huminto siya sa tapat ko at binuhat ang skateboard niya.

"Marunong ka din palang mag skateboard." Kumento ko.

"Yah! I'm good at this too." Pagmamalaki niya.

"Ang dami mo palang talent, bata!"

"Yah! May iba pa 'kong talent, gusto mong malaman?"

Landiantionship (Landiang Walang Relasyon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon