Landiantionship (1)

40.7K 761 90
                                        

"We're here." Bianca says.

Finally! 'Yan agad ang pumasok sa isip ko nang malaman kong nandito na kami sa bahay ng magulang ng best friend kong si Bianca Mansido.

Ang haba kasi ng byahe namin. Grabe! Ang sakit na ng pwet ko kaka-upo dito sa passenger seat mula Quezon City papuntang Baguio City.

Nandito kami para maging babysit sa younger brother niya kasi ang mga magulang niya ay nag bakasyon abroad and itong si Bianca ang na paki-usapan na bantayan ang pilyo daw niyang kapatid. Baka daw kasi pag ma-iwan mag-isa ang kapatid niya dito sa bahay nila ay kung sinu-sino nang babae ang dalhin.

Hindi ako makiki-join sa babysitting niya kaya lang ako sumama dito para enjoyin ang cold weather ng Baguio.

Sabay kaming bumaba ng kotse niya at lamig agad ng weather ang naramdaman ko kaya hindi ko ma-iwasang i-wiggle ang katawan ko. Buti nalang makakapal ang dinala kong jacket.

"Ang laki ng bahay nyo a!" Comment ko habang naka tingin sa tatlong palapag na bahay na ang tanging kulay ay puti at grey mula sa labas.

"Malaki din naman ang bahay n'yo a."

"Malaki nga watak-watak naman ang nakatira."

Lumaki kasi ako sa isang broken family. Ang totoo hindi na 'ko umuuwi sa bahay na 'yon. Nakatira kasi kami ni Bianca sa iisang Apartment.

Pumunta na kami ng backseat para kunin 'yong maliit naming maleta tsaka namin sinimulang mag lakad palapit ng pinto. Pinindot ni Bianca ang doorbell at ilang sandali lang naman nag open na 'yong pinto.

"Ma'am Bianca, kayo na po pala 'yan." Bati no'ng tingin ko ay nasa mid-40 na babae.

"Hi Manang, nasaan si Balong?" Tanong ni Bianca kay Manang.

"Nasa kwarto po niya kasama po ang girlfriend."

"Urgh! Loko-loko talaga 'yon! Pinag sabihan ng 'wag magdala ng babae dito eh. Naku! Talaga humanda siya sa'kin!"

"Kalma, beb." I said laughing.

Napailing nalang siya.

Pumasok na kami ng bahay at kung malaki ang sa labas, malaki din syempre sa loob. Dumiretso kaming dalawa sa living area.

"Manang, ayos lang po bang pakuha kami ng tubig?" Bianca asked.

"Sige po, Ma'am."

"Salamat."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, may mga nakikita akong pictures na naka frame. 'Yung iba pictures ni Bianca at ng tingin ko ay si Balong na kapatid niya at syempre ang family pictures nila.

"Ewan ko sa'yo! Napaka babaero mo talaga!" Dinig kong boses ng babae habang pa dabog na bumababa sa hagdan kaya nabasag ang pag tingin ko sa mga pictures para ibaling sa kanila.

"Sinabi ko na 'di ba, wala na kami no'n!" Boses naman 'yon ng lalake na tingin ko ay 'yong Balong na.

Pagbaba nila ng hagdan finally nakita na namin sila. Isang babaeng short hair ang nakita ko at ang kapatid ni Bianca na si Balong.

Oh Shit! He's a hot dude! 'Yan agad ang pumasok sa utak ko nang makita si Balong.

Paano kong na sabing hot? Shirtless kasi ang mokong na akala mo hindi malamig ang klima dito.

Ngayon ko palang siya nakita in person puro photos lang at aaminin ko may karapatan siyang maging pilyo dahil sa ka-gwapuhan niya.

Dahil sa busy nilang pag aaway ni parang hindi manlang nila napansin na nandito kami sa sala at nakikita sila.

Landiantionship (Landiang Walang Relasyon)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon