Landiantionship (5)

21.3K 600 37
                                    

Finally nakarating kami ni Balong sa Session Road. Tama si Balong madami ngang Bazaar dito at medyo madami ding tao. Mga tourist siguro sila.

Dahil na park ni Balong ang kotse, sabay na kaming bumaba.

We decided na mamile na muna ng pang pasalubong ko sa kaibigan ko at kapatid ko kaya lumibot muna kami sa tiange na inabot lang naman ng wala pang kinse minutos dahil nakahanap agad ako ng T-shirt, bonnet, keychain at ashtray.

"Para kanino 'yang pinamile mo?" Tanong ni Balong habang naka tingin sa pinamile ko.

"Para kay Mark at sa kapatid kong si Xunny."

"Who's Mark?"

"Beki friend namin ng Ate mo."

"I see."

"Saan tayo kakain dito?" Tanong ko.

Kinuha niya ang pinamile ko at siya ang bumuhat nito. "Follow me." He told me.

Okay! Follow daw. So, ang ginawa ko sinundan ko siya hanggang sa makarating kaming dalawa sa isang Café. Humanap lang kami ng ma-uupuan. Pag-upo namin may lumapit din naman agad sa'min na isang waiter kaya binigay din naman agad namin ang order namin.

"Kumusta so far ang gala na 'to para sa'yo?" Tanong ni Balong.

"Ayos naman! Nakakuha na ako ng magagandang litrato, kaso may kulang pa."

"Ano naman?"

"Wala pa rin akong nahahanap na hot dude." I pout disappointingly.

"Bakit ka pa nag hahanap," He tapped his chest. "Nandito naman ako."

"Stop flirting with me Balong."

"Pati ba naman flirting with you bawal? Binasted mo na nga 'ko e."

I raised my eyebrow, amused. "Basted?!"

Nanligaw ba siya?

"Oo! Sabi mo you don't do boyfriend thing kaya basted agad ako. So ang gagawin ko na lang ay makipag flirt sa'yo dahil sa'yo na nanggaling na 'yon lang ang gusto mo. I'm okay with that!" He winks.

Pasado nga talaga siya sa standards ko. Kaso kasi hindi talaga pwede dahil kapatid siya ni Bianca e. Urgh! Balong bakit ba ang laki mong tukso?

Hindi na lang akong sumagot sa halip nilibot ko na lang tingin ko sa paligid ng Café baka sakaling may makita akong hot dude at maalis ang tukso ko kay Balong.

Hanggang sa na lock ang paningin ko sa isang gwapong lalake na magisang kumakain sa isang table na hindi kalayuan sa pwesto namin ni Balong.

Oh yes! May hot dude din!

"Sinong tinitignan mo?" Tanong ni Balong kaya muli kong binalik ang tingin ko sa kanya.

"May nakita na 'kong prospect." Nakangiti kong sagot.

"Sino?" Lumingon siya at tumingin sa direksyon ng lalakeng tinitignan ko kanina.

"Siya ba 'yong lalakeng naka sweat shirt na itim?" Tanong niya.

"Gano'n na nga!"

Landiantionship (Landiang Walang Relasyon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon