PI

336 15 12
                                    

Normal na para kay Maine ang panghahack, parte ito ng trabaho niya bilang isang private investigator. Marami na siyang nakita na di niya dapat makita, nalaman na di niya dapat malaman, kaya masasabi niyang sanay na siya sa trabahong higit isang dekada na niyang ginagawa.

Pero iba ito. Ibang klase ang nakikita niya ngayon.

Naalala niya pa kung gaano alalang-alala ang kanyang kliente ng magusap silansa isang kapihan sa may mall. Mangiyak-ngiyak nitong ikinuwento kung paanong nagbago na ang kanyang kuya at tila may inililihim sakanya.

Wala naman sa posisyon si Maine para tumanggi kaya hiningi niya ang email address ng kuya nito.

Di niya akalaing ito ang makikita niya.

Mga transaksyon sa dark web para sa mga ultra rare na Iron Man at Pokemon collectibles. Halos lahat ng email ay ganoon ang paksa, kung kelan magpapalitan ng gamit, kanino idedeposito ang pera - napakamisteryoso na kung iisipin ay parang droga ang pinagpapalitan.

Ang totoo, laruan.

Hindi makapigil sa katatawa si Maine sa nakikita. Sa pagkakaalam niya ay halos nasa trenta na ang kuya ng kanyang kliente, pero ang pagiisip nito ay naiwan ata sa kanyang kabataan. May ganito palang lugar sa darkweb, kung saan tila parang mga batang naglalaro ang matatanda.

Tawang-tawa siya sa pagaalala ng kapatid nitong lalaking to.

"Hello Riza? Oo, oo si Maine to. Alam ko na kung anong pinagkakaabalahan ng kuya mo. Free ka ba? Sige tara."

--

Nakangiting umuwi si Maine sa kanyang condo matapos ang isang masayang usapan kasama si Riza. Hindi na niya siningil ang dalaga, sapat nang napatawa siya ng kalokohan ng kuya nito.

"Sinong hacker kaya ang di marunong magtago ng bakas?" Narinig niya pagpasok sa kwarto.

Pambihira, mas gwapo pala to sa personal.

"Hello, Maine."
"Richard Faulkerson Jr."

Oo nga pala, sa kakatawa niya sa nalaman tungkol sakanya, di na niya nagawang i-run ang program na maglilinis sa kung anumang ginawa niya. Tanga mo dun, self.

"Um, sorry?"
"Anong sorry? Bakit mo pinapakialamanan emails ko? Hindi mo ba alam na pwede kitang ipakulong? Nakuha ko na ang mga ebidensiya sa laptop mo." Palapit siya ng palapit kay Maine habang galit na nagmamalaki.

"Oh e nakuha mo na pala ano pang ginagawa mo dito? At pano ka nakapasok?" Hindi naman nagpatalo si Maine sa angasan.

"Sinabi kong boyfriend mo ko at isusurprise kita."
"Naniwala sila?"
"Bakit mo naman naisip na may kailangan pa ko?"
"Alangan namang may gusto ka sakin edi sana kanina mo pa ko hinalikan diba?" Baka hindi napapansin ni Richard, pero hindi na madaanan ng papel ang pagitan ng kanilang mga katawan.

Ilang segundo rin silang nagtitigan. Malalim na buntong-hininga​ ang nanggaling kay Richard na siyang hudyat para lumayo sila sa isa't-isa.

"Kailangan ko tulong mo."
"Nahack mo na ko ano pang kailangan mo?"
"Private investigator ka, ako, maalam lang sa computer. Kung na-run mo yung program, hindi ko malalaman na nahack mo na ko."
"So ano ngang maipaglilingkod ko sayo mister hindi ko naman boyfriend na wala namang surprise?"

Naupo si Maine sa kanyang lamesa, chineck ang kanyang computer, habang nakikinig sa paliwanag ni Richard.

"Alam mo naman yung ginagawa ko diba? Collection. Gusto kong malaman kung saan nila kinukuha yung supply nila ng laruan."
"Seriously? PI para sa action figures?"
"Bakit? Ang mahal ng luho ko no. Mas murang maghire ng PI para mahanap ko yung pinakamatipid na bilihan no."
"Ang weird mo." Umiiling na sinabi ni Maine.

--

Pero naging bago niyang kliente si Richard. At ngayon nila isasagawa ang plano. Simple lang naman, makikipagkita siya sa nagbebenta, kukumpletuhin ang transaksyon. Pero susundan nila pabalik, para malaman kung saan kinukuha.

Simple lang diba?

--

Note:

Di ko na alam kung paano pa patutunguhin ang kwentong ito. Baka naman may gustong umampon huhu.

Almost A&MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon