One Last Cry (part one)

4.9K 49 0
                                    

---> Sometimes love is not enough and somethings we're never meant to be
You just have to accept it and learn to let go




Sabi nila "pag nagmamahal ka dapat magtira ka para sa sarili mo" bakit ako maniniwala sakanila diba? ano bang alam nila? basta nagmamahal ako tapos!




4 year's ago, nakilala ko ang isang taong hindi ko inaakala na makakapag pabago ng buhay ko, nakilala ko siya sa isang event na pinuntahan ko, namin, nong una friends lang, hanggang sa nagkatext kami, tawagan at nagkakasama sa mga gimik




Ako si Janine Villamor, 17 year's old, tahimik lang ako pag nasa harap ng ibang tao, pero sobrang kulit at madaldal ako sa harap ng mga kaibigan at family ko, sabi nila ako na nga raw ang clown nila eh, kasi lagi ko silang napapatawa, pero aaminin ko, takot ako sa clown, at alam nilang lahat yun, oo nakakahiya, pero anong magagawa ko? ako to eh, hindi rin naman ako madalas gumimik, maliban nalang kung may okasyon, pero ang dami kong limitation




Naging magkaibigan kami ni Adrian, napapadalas ang pag uusap namin ng personal, di rin naman kasi kalayuan ang bahay nila saamin, lagi kami sa hide out namin, sa dulo ng village namin na may malaking puno, halos araw-araw ganun




Pero isang araw pumunta ako sa hideout namin, naghintay ako ng ilang oras, hanggang inabot ako ng gabi, pero hindi dumating si Adrian, sabi ko baka busy lang, kinabukasan wala parin siya, isang lingo na ang nakalipas, pero wala ng paramdam sakin si Adrian, ano ba naman ako sa buhay niya diba? isa lang naman akong kaibigan, kaya hindi niya kailangan sabihin sakin kung nasaan siya




Pumunta ako sa bahay nila, baka sakaling makita at makausap ko siya, para saan nga ba? ah kasi kaibigan niya ako, kumatok ako, buti binuksan agad




" ah hello po "




" ate Janine, bakit nandito ka? "
tanong ng bunso niyang kapatid




" ah nandiyan ba si Adrian? "




Bigla naman lumabas ang mama niya




" ay naku hija wala na dito si Adrian, isang lingo na "




" nasan po siya? "




" nasa Manila siya, nagtatrabaho "




" kailan po siya babalik? "




" hindi ko alam eh, matatagalan pa, halika pumasok ka muna "




" ahmmm hindi na po, tinanong ko lang naman po eh, sige una na po ako, salamat nalang po "




Pagkasabi ko nun umalis na ako, habang naglalakad ako, di ko maiwasan na mapaisip, umalis pala siya, bakit di man lang niya sinabi sakin? kaibigan niya rin naman ako diba? siguro nga wala akong halaga sakanya, pero bakit namimiss ko siya? gusto ko siyang makita at yakapin ng mahigpit, bakit ganito?




Lumipas ang tatlong buwan (3 months), mula nong araw na nalaman kong umalis siya, minsan nalang ako bumalik sa hideout namin, pero minsan di ko rin maiwasan, siguro isang beses sa isang lingo nalang, dahil lagi ko parin siyang naaalala, nalulungkot lang ako, bakit ko ba siya namimiss? kainis naman eh!




Nagkaroon ako ng bagong kaibigan, si Anthony, naging matalik din kaming magkaibigan, siya ang nagpapangiti sakin, sa sandaling panahon, nawala sa isip ko si Adrian, nanligaw siya sakin, at pinayagan ko naman, naging kami at legal kami sa family ko at family niya




One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon