One Last Cry (part two)

1.7K 19 0
                                    

Mamaya new year na, kaya halos lahat ng tao ay busy, kasama na kami ng family lo dun, nagtutulong-tulong kami sa pagluluto



" anak bakit di mo papuntahin si Adrian dito at tsaka yung family niya? "
tanong sakin ng papa ko



" oo nga naman anak, para naman makilala namin ang boyfriend mo "
tugon pa ni mama



" mama, papa, hindi ko po boyfriend si Adrian, hindi pa naman po siya nanliligaw eh "



" hindi PA?! "
sabay pa talaga sila



Natawa nalang ako, ang mga magulang ko talaga parang bata, lagi akong pinapangunahan, haaay ang sarap magkaroon ng magulang na tulad nila



Tinext ko si Adrian, na magkita nalang kami sa hideout namin, alam narin naman ng magulang ko yun, tsaka may tiwala naman sila kay Adrian, 11:00pm ang usapan namin, kaya saktong 11 nandito na ko, nasaan na kaya siya? hindi naman masyadong madilim kasi may ilaw naman



" Hi "
bungad niya agad



" late ka ng 2minutes "



" 2minutes lang naman "



" kahit na, late kapa din, may parusa ka! hindi ko na ibibigay yung gift ko "
Umupo siya sa tabi ko



" ang daya naman (nag pout siya) sorry na, hinanap ko pa kasi yung gift ko sayo, akala ko nga nawala eh "



" akin na yung gift ko "



" oopppss hindi pwede, di mo ibibigay yung gift mo eh, hindi ko rin ibibigay yung sakin "



" ang daya mo! eto na nga "
Inabot ko na sakanya yung gift ko, at ganun din siya, pagbukas ko isang kwintas na may pendant na Angel na parang susi



" nagustuhan mo ba? sorry yan lang---! "



" sobrang ganda nito promise! salamat Adrian! "
Isinuot niya sakin yung kwintas



Sunod niya namang binuksan yung gift ko sakanya, isa yung relo na kulay blue, napangiti siya nang makita niya, di ko rin maiwasan na mapangiti



" thank you Janine "



Isinuot niya na yung relo, nagtama ang mga mata namin, biglang naging seryoso ang mukha niya



" Janine, matagal narin tayong magkaibigan, sinabi ko naman sayo diba? higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo, gusto sana kitang l-ligawan eh, ok lang ba sayo? nagpaalam narin ako sa mama at papa mo, pumayag naman sila, ikaw nalang ang kulang "



Nagpaalam siya? grabe mas naunang pumayag parents ko bago ako? sila ba yung liligawan? nakakatuwa sila



" hmmm ano pa nga bang magagawa ko? pumayag narin naman ang parents ko, kaya oo pumapayag ako "



Pagkasabi ko nun bigla nalang nagliwanag ang langit dahil sa mga fireworks



Yun na ang simula ng panliligaw niya, di rin nagtagal naging kami na, naging legal din kami sa family ko at family niya, masaya naman ang umpisa, dalawang taon din ang lumipas, ang dami naming pinagdaanan, maraming beses din kaming naghiwalay at nagbalikan, siguro nga matatag kami, kasi inabot pa kami ng dalawang taon, at ngayong kasalukuyan 2year's and 3months na kami, pero isa na naman palang pagsubok ang darating



One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon