One Last Cry (part four)

1.1K 17 0
                                    

" yun nga ang gusto kong sabihin sayo, nagka-amnesia si Adrian, at ang nakakalungkot, ikaw lang ang hindi niya maalala "
paliwanag ng mama niya



Sa puntong yun, umiyak nalang ako ng umiyak, ang sakit-sakit, bakit ako lang ang hindi niya maalala? bakit? ano bang nagawa kong mali sakanya? bakit ako lang? inoperahan siya sa puso, ganun ba yun? pati pagmamahal niya para sakin nawala rin? napalitan din, bakit pati ang isip niya? bakit hindi niya ako maalala?



Lumapit sakin ang mama ni Adrian at niyakap ako, napaiyak nalang ako, ang sakit eh! bakit? bakit? bakit?



Lumipas ang ilang araw, hindi muna ako nagpakita sakanya, pero araw-araw akong dumadalaw, hindi nga lang ako nagpapakita, totoo nga, hindi niya nga ako maalala, kasi hindi niya man lang ako hinahanap, sabi ng mama at papa niya, sabihin nalang daw namin ang totoo sakanya pag magaling na talaga siya



Naghintay ako, kahit nahihirapan na ako, kahit sobra na akong nasasaktan, maraming lingo na ang lumipas, lumabas narin siya sa hospital, 3weeks na ang nakakaraan, araw-araw parin akong pumupunta sakanila, pero hindi niya ko pinapansin, para bang ibang tao ako



Nag usap narin kami ng mama at papa niya, na ngayong araw ko na sasabihin lahat, kasi kahit araw-araw kong sabihin at ipaalala sakanya, ayaw niyang tanggapin, ayaw niya kong pansinin, kaya inipon ko lahat ng memories namin na meron ako, ipapakita ko to sakanya para maalala at tanggapin niya na ako, hindi bilang ibang tao, kundi bilang girlfriend niya



Pinapnta na siya ng parents niya sa hideout namin, kaya pumunta narin ako, may dala akong box, na naglalaman ng masasayang memories naming dalawa, pagdating ko nakaupo siya, naglakad ako palapit at nang makita niya ako, para bang isa lang akong tao na hindi niya kilala, masakit pero ok lang, mahal ko siya eh



" what are you doing here? "



" ah m-may ipapakita lang ako "



" so ikaw pala yung dahilan kung bakit ako pinapunta dito ng parents ko? "



Tumango lang ako, umupo ako sa tabi niya kahit parang ayaw niya, sandaling katahimikan, kaya ako na ang unang nagsalita, kasi alam ko hindi niya ako kakausapin ng wala siyang sasabihin



" nandito ako para---! "



" para sabihin sakin paulit-ulit na ikaw ang girlfriend ko? "
pagpuputol niya sa sinasabi ko



" o-oo, kaya nga ito oh (inabot ko sakanya yung box, nag-aalangan siyang kunin pero kinuha niya naman) prove yan na tayo talaga, sana this time maniwala kana "



Takang-taka siya habang binubuksan yung box, kinuha niya isa-isa yung mga pictures namin, tapos binasa niya din isa-isa yung mga sulat niya sakin noon, bago siya umalis para magtrabaho, nandun din yung kwintas na binigay niya sakin, lahat ng patunay nandun, sana paniwalaan niya na ako?



" so it is true, girlfriend nga kita "
napalingon ako sakanya, nakatingin lang siya sa malayo



" naniniwala kana ba na girlfriend mo ko? so babalik naba tayo sa dati? "



" I don't think if that's a good idea "



" what do you mean? "



" may amnesia ako diba? at hindi kita maalala, lahat sila naaalala ko, at ikaw lang ang hindi, alam ko kasi pag amnesia lahat nakakalimutan, pero bakit ako? ikaw lang? hindi kaya may nagawa kang kasalanan sakin? na nasaktan mo ko ng sobra? kaya sa kagustuhan kong makalimot sayo, ito natupad na, nakalimutan na kita "



Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, nasasaktan ako! siya ba talaga si Adrian? yung bestfriend ko dati, yung taong minahal ko at minahal ako, ganun ba talaga pag inoperahan? nagbabago? unti-unti kong naramdaman ang paglabas ng mga luha ko, pinipigil ko pero wala akong magawa eh, di ko kaya



" so am I right? may nagawa ka ngang nakasakit sakin? "



" ganyan ba tingin mo sakin Adrian? (pinunasan ko yung luha ko) na may nagawa ako sayo?! lahat ginagawa ko para iparamdam sayo na nandito ako, na handa kong ipaalala sayo lahat ng nakalimutan mo, kasi ayokong mawala nalang yun, nandito ako bilang girlfriend mo, kasi mahal na mahal kita kahit nasasaktan at nahihirapan narin ako, kinakaya ko, lumalaban ako, tapos ngayon sasabihin mo sakin yan? na may nagawa ako sayo? na nasaktan kita? dahilan para ako lang ang makalimutan mo? t@ngin@ naman eh! ano pa bang dapat kong gawin para maniwala ka? lahat na ginagawa ko "
pinatong ko yung ulo ko sa tuhod ko at tuluyan ng umiyak



Ang sakit! sobrang sakit!!! yung taong mahal na mahal ko, ganito na ang tingin sakin ngayon, para akong tanga!!!



" gusto ko lang mag isip, at alalahanin muna lahat ng nakalimutan ko, sa ngayon ayoko muna ng destruction "
sabi niya ng seryoso



Napaangat ang ulo ko at tinignan ko siya, nakatingin parin siya sa malayo, wala man lang emosyon ang mukha niya, yung dating Adrian na masayahin, nasan na yun? tingin niya sakin ngayon isa nalang destruction?



" destruction nalang ba ako sayo ngayon Adrian? ganun naba ako sayo? nandito naman ako eh, nandito ako at hindi magsasawang ipaalala sayo lahat, lahat ng mga alaala natin "



" wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo, mas masasaktan kalang, naaawa ako sayo ngayon kasi umiiyak ka dahil sakin, pero wala akong maramdaman eh, kundi awa lang "



Napatakip ako ng bibig sa sinabi niya, ngayon humahagulgol na talaga ako, sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko, hinayaan niya lang naman akong umiyak, di rin nagtagal naging ok ako, mali tong ginagawa ko eh, hindi dapat ako umiyak sa harap ng taong nakalimutan na ako at halata namang ayaw na akong alalahanin, tama siya, dapat wag kong ipagsiksikan ang sarili ko, dahil masasaktan lang ako



" yan ba talaga ang gusto mo? masaya ako kasi successful ang operasyon mo, pero sobrang sakit kasi pati ako napalitan diyan sa puso mo, tama ka, ayoko na ipagsiksikan ang sarili ko, pero naaawa kalang sakin? gusto kong intindihin eh, pero ang sakit, wala bang natira sakin kahit konting pagmamahal man lang? "



" gusto kong mahalin ka rin, pero hindi ko magawa, awa lang talaga ang nararamdaman ko "



Natahimik ako, pero patuloy parin sa pagpatak ang luha ko, wala na nga talaga



" ok lang sakin yun Adrian, hayaan mong ipaalala ko sayo lahat, iisa-isahin ko pa kung kailangan, hindi ako magsasawang ipaalala sayo yun "



" I need to go "
agad siyang tumayo, tumayo din ako at hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya



" Adrian hayaan mo sana akong gawin yun? para maalala mo lahat, hindi ako aalis sa tabi mo hanggang sa bumalik ang alaala mo sakin "



Tinignan niya lang ako, inalis niya na yung pagkakahawak ko sa kamay niya at naglakad na siya palayo, naiwan akong mag isa, nasasaktan, at lumuluha



To be continued...

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon