One Last Cry (part three)

1.2K 14 0
                                    

" Adrian! "
sigaw ko



Pilit ko siya itinatayo, bigla nalang siyang napaluhod at napahiga sa harap ko, nawalan siya ng malay, buti nalang may lumapit samin, isang babae at lalaki, siguro kasama sila ni Adrian, kasi kung iisipin hindi magkakatao dito nang hindi sadya



" tulungan niyo po ako please, dalhin natin siya sa hospital "



Binuhat na siya nong lalaki, sa di kalayuan isinakay niya si Adrian sa kotse, wala na akong pakialam kung kanino to, basta importante madala si Adrian sa hospital, nasa backseat kami ni Adrian, habang yung lalaki nagdadrive at yung babaeng kasama niya nasa passenger seat



Pagdating sa hospital, pinasok agad siya ng mga doctor sa ER (emergency room) umiiyak lang ako habang naghihintay, nasa waiting area kami, bigla naman lumapit sakin yung babae at umupo sa tabi ko



" pinsan ako ni Adrian, ako din yung tumawag sayo, alam mo ba kung bakit hindi siya nagparamdam sayo ng ilang months? "



Umiling lang ako



" may sakit si Adrian, meron siyang sakit sa puso, nong ilang buwan na hindi siya nagparamdam, nagpapagamot siya nun, pero nitong mga nakaraang lingo, mas lalo lang lumala, ayaw ipaalam sayo ni Adrian kasi ayaw niya na mag alala ka "



Napahagulgol nalang ako dahil sa mga narinig ko, totoo ba to? hindi ba ako nananaginip lang? sana nananaginip lang ako please, sana hindi totoo to



Naghintay kami ng halos 1hour, pero ako patuloy parin sa pag iyak, di ko maisip lahat ng sinabi sakin ng pinsan niya, ang sakit, ayokong tanggapin, dumating narin naman ang mga parents at mga kapatid ni Adrian, biglang bumukas yung pinto, lumabas ang doctor, at napatayo kami



" who's the family of the patient? "



" kami po "
sabay na sabi ng mama at papa niya



" sa ngayon po, comatose ang pasyente, sanhi po ito ng malakas na pagpagsak ng ulo niya, at yung sakit niya sa puso, mas lalong lumalala, kung gusto niyo pa siyang gumaling, kailangan maoperahan na siya ngayong lingo, kasi kung hindi, mas lalo lang lalala ang sakit niya "



" kailan po siya gigising? "
tanong ko



" sa ngayon hindi pa po natin alam, depende po yan kung gaano kalakas ang pagbagsak ng ulo niya, pero mukhang hindi naman po gaanong malala yun, pwedeng anytime magising na siya, pero kailangan niya na po talagang maoperahan "



" sige po doc salamat "



Umalis na rin yung doctor, naiwan nalang kaming umiiyak, lumapit sakin ang mama niya at niyakap ako, bakit ganun? sana ako nalang! sana hindi nalang siya, ayoko siyang nakikitang ganito



Lumipas ang tatlong araw, pero tulog parin si Adrian, nagdesisyon ang family niya na paoperahan na siya, para paggising niya, ok na ang lahat, tuluyan na siyang gagaling, ngayon ang araw ng operation niya, nandito ako sa hospital, kasama ang mama at papa ni Adrian, nasa OR (Operating Room) na siya at naghihintay nalang kami



Tatlong oras na ang nakalipas, pero wala paring lumalabas na doctor mula sa OR, ano na kaya ang lagay ni Adrian ngayon? sana naman ok siya, alam ko kaya niya yun



Bumukas na ang pinto at lumabas na yung doctor, napatayo agad kaming tatlo at lumapit sa doctor, sana maganda ang ibabalita niya, kasi kung hindi, hindi ko kakayanin



" tagumpay po ang operasyon, sa ngayon hihintayin nalang natin na magising siya, mamaya ililipat na siya sa regular room "



" naku salamat doc, maraming salamat po, gagaling na ang anak ko "



" sige po mauna na ako "
paalam nong doctor



Sa mga sandaling yun, napahinga ako ng maluwag, gumaan na ang loob ko



Hinintay ko nalang na mailipat siya sa regular room, kung saan pwede ko na siya makita at mahawakan man lang, ako muna ang pinapasok ng mama at papa niya, pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga ay ang daming nakakabit sakanya, naiiyak na naman ako, umupo ako sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya



" mine kailan kaba gigising? masyado ng mahaba ang pagtulog mo, namimiss na kita sobra, sana gumising kana diyan, para makasama na ulit kita, makausap at makakulitan, miss mo narin ba yun? ako kasi oo sobrang miss ko na yun, pero alam mo, nagtatampo ako sayo, kasi hindi mo man lang sakin sinabi ang sakit mo, alam ko ayaw mo lang na mag alala ako, pero girlfriend ko ako Adrian, pero ok lang, naiintindihan kita, hindi na ako magtatampo sayo, basta gumising kana diyan ha? nandito lang ako mine, hindi kita iiwan "



Halos isang oras din akong nagtagal sa loob, pinagmamasdan ko ang maamoniyang mukha, kahit mas matanda siya sakin ng 5year's, hindi halata sakanya



Paglabas ko ng kwarto niya, sunod naman na pumasok ang mama at papa niya, kaya nagpaalam narin ako na uuwi na muna ako, babalik nalang ulit ako bukas



( kinabukasan )



Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cp ko, may tumatag may texts, hay! sino naman kaya ang mga yun? lingo kaya ngayon, pagbangon ko kinuha ko agad yung phone ko at tinignan



" shocks! 15 missed call from mama ni Adrian at 24 text galing din sakanya?! hala! may problema yata?! "



Hindi ko na muna binasa yung mga texts niya, naligo agad ako at nag ayos ng sarili, at dali-daling pumunta sa hospital, naabutan ko ang mama niya na nasa labas



" sorry po ngayon lang ako nagising, may problema po ba? "



" ah eh g-gising na si Adrian "



Lumawak ang ngiti ko sa narinig ko, salamat at nagising na siya



" sige po pupuntahan ko na siya "
pagkasabi ko nun tumakbo na ako papasok sa kwarto niya, narinig ko pang tinawag ako ng mama niya, pero hindi ko na pinakinggan, excited lang ako



Napalingon siya sakin pagpasok ko, wala man kang expression ang mukha niya, nakakatitig lang siya sakin, lumapit ako sakanya at niyakap siya, pero sandali lang yun, hindi parin siya nagsasalita, nakatingin parin siya sakin na parang nagtataka



" mine buti naman gising kana, alam no ba nag alala ako sayo, may masakit paba sayo? bakit nakaupo kana? magaling naba agad yung sugat mo? teka gutom kaba? o nauuhaw? "
Hindi parin siya nagsasalita



Hinawakan ko ang kamay niya, pero inalis niya rin naman agad ito



" mine may problema ba? "
tanong ko, naiiyak na ko pero pinipigil ko



" sino ka? hindi kita kilala "



" ako si Janine, girlfriend mo, mine di mo ba ako naaalala? wag ka naman magbiro ng ganyan mine "



This time tumulo na talaga ang luha ko, may humawak sa balikat ko, tinignan ko kung sino, ang mama niya pala



Nag-sign siya na sundan ko siya, kaya ganun ang ginawa ko



To be continued...

One Last CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon