Third POV.
Lahat ay nakaabang para sa dalagang papasok. Ang dalaga ay di makatingin sa lahat ng tao. Nangangarap na sana ang nasa dulo ng simbahang ito ay ang taong mahal niya.
Nakarating ang dalaga sa dulo ng simbahan at siyang hinihintay ni Marvin. Ang lalaking kanyang pakakasalanan.
Nagsimula ang seremonya at ang lahat ay nasasabik sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao sa harap. Sa labas ng simbahan ay may isang binatang nakatingin sa dalaga.
Sakit at pagkalito ang makikita sa kanyang mukha. Di man lang niya magawang itigil ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Dahil sa posibilidad na baka tuluyan ng maglaho ang kanilang kompanya.
Natapos ang seremonya at ang lahat ay masaya. Ngunit may dalawang tao ang di magawang ngumiti dahil sa nangyare ngayon.
Dumating ang babae sa kanyang silid para sana ay mag-ayos, ng makita niya ang binatang kanyang minamahal.
Lumapit ang binata at ngumiti sa dalagang kaharap niya. "Avah" tawag ng binata. Lumapit ang dalaga para yakapin ang binata. Matapos ang mainit nilang pagyayakapan ay humiwalay ang binata. Iniabot niya ang isang kahon at ang isang sulat na nasa ibabaw.
"Avah? I'm so proud of you. Finally nakahanap ka din ng taong magmamahal sayo. Di na ako magtatagal at baka may makakita pa saken. Avah? Congrats be happy with him. Di ka niya sasaktan di tulad ko na walang ibang ginawa kundi saktan ka. Smile and don't cry okay? Goodbye My Ex Queen" pagkasabi ng lalaki ay di na mapigilan ang luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. Lumabas ang binata kasabay ng pagtulo ng luha nito.
Sa hindi malaman na dahilan ay binuksan ng dalaga ang maliit na kahon na ibinigay sa kanya. Isang personalized necklace na ang desenyo ay biyak na puso. Lumipat ang tingin ng dalaga sa isang sobre. Binuksan at binasa niya ito.
~~
Dear Avah,Sa tagal na paghihintay ko para sabihin sayo to, ngayon lang ako nagkalakas na loob. Kung kailan wala na saka ko pa sasabihin sayo to. Avah? Mahal kita until now pero di ko alam kung paano lumapit sayo. Gusto ng magulang mo na iwan kita kung hindi ay pababagsakin niya ang kompanya namin. Avah halos mabaliw ako ng araw na yun. Wala akong magawa para ipaglaban ka. Avah mahal na mahal kita sobra at higit sa akala mo. Sa mga araw na natatanggap ko ang sulat mo para akong mababaliw. Pero ngayong kasal ka na wala akong magawa ngayon. Avah sana di ka magbago. Avah alam kong mas higit siya sa akin. Avah kahit na mahal kita gagawin ko to. Sana maging masaya ka na Avah...Avah I'm letting you go now. Thank you and I love you. Be happy okay?
-Alvin.
~~~
The End
YOU ARE READING
A Letter For My Ex
Short StoryInspired lang ako kaya ganun. Saka maraming typo error yan kaya pakiintindi nalang. Ahe thank you supot niyo ko ahe?