Chapter 2

57 4 14
                                    

Sophie's POV.

"KYAAAAAAAH!"

Nagsilingunan ang mga istudyante kaya lumingon na rin kami. Ang lakas ng tili. Parang nanggagaling malapit sa main gate ng school.

"A-ano yun?" tanong ni Ryza. Umiling lang kami means hindi namin alam. Hinayaan na lang namin, tumunog na kasi yung bell at kailangan na naming pumasok. Naghanap na kami ng pwedeng upuan. Pinili nila sa bandang likod malapit sa bintana. Wala pa rin yung prof namin.

***************************

Kobe's POV.

Nandito ako ngayon sa 2nd floor ng bakanteng building nakasilip lang ako sa main gate, nang biglang may kumalabog. Sa main gate galing. Hindi ito tumitigil.

Nagsidatingan ang mga P.E. teachers. "Hoy! Ikaw! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw nung lalaking P.E. teacher na may haway na mop. Apat silang teacher.

"Uy Kobe nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." liningon ko si Adrian. "Tumunog na yung bell. Pero wala pa yung prof natin, late ata." dagdag niya. Tumango na lang ako at binalik ang tingin sa nangyayari ngayon sa main gate. "Adrian. Ang sama ng loob ko dito." seryosong bulong ko sa kanya. Tinignan ko siya, tumingin siya sa main gate.

Lumapit yung may hawak na mop sa gate. Kinuwelyuhan niya ito, dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagkalabog ng gate.

"Kyaaaaaah!"

Kitang-kita namin ang nangyari. K-kinagat nung      l-lalaki ang P.E. teacher.
Nagulat kami ni Adrian. Pinaghahampas nung isa pang P.E. teacher yung lalaki sa gate hanggang sa matumba ito. Nilapitan niya naman yung teacher na kinagat. Kitang kita at naririnig namin dito ang nangyayari. Sobrang tahimik kasi, marahil nagsipasukan na ang mga istudyante.

"A-ayos ka lang ba?" tanong nung lumapit na guro dun sa kinagat. Hinawakan niya ito. Lalapit na rin sana ang babaeng guro nang biglang tumayo ang kaninang kinagat na guro at biglang kinagat ang isang guro sa leeg. Nagsitalsikan ang mga dugo at umalingawngaw ang malakas na sigaw ng guro. Natataranta na kami ni Adrian. Nagkatinginan kami at di na kami nagsayang ng oras. Tumakbo na kami at pinuntahan ang mga kaibigan namin.

Itutuloy...
*************************

A very short UD guys. 😂
sophialynnhibo_27 yan na ah.😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School of DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon