Chapter 8

2.6K 107 22
                                    


Paulo: Okay na po tayo, 'Nay, 'Tay. Na-settle na namin 'yong bill kaya pwede na tayong umuwi.

Nagulat si Nanay Lita sa sinabi ni Paulo. Maaga kasi silang bumaba nina Alyssa at Nicko para asikasuhin 'yong bill at discharge papers ng Tatay nila.

Lita: Ngayon lang? Kanina pa kayong 10:30am bumaba ah.

Alyssa: Natagalan sa PF ng mga doktor 'Nay, hindi po kasi lahat sumagot agad.

Ruel: Malaki ba 'yong bill ko?

Paulo: Sakto lang po.

Ruel: Paanong sakto lang? Magkano inabot?

Lumapit si Alyssa sa Tatay niya and placed her arms around him in an effort to calm him down.

Alyssa: 'Tay, wag niyo na pong isipin 'yong bill niyo, pinagtulung-tulungan na po namin 'yon nina Kuya.

Ruel: Magka –

Alyssa: Ang importante po ngayon magpalakas kayo ng hindi na kayo ma-ospital ulit.

Bumitaw si Alyssa at nag-umpisang imisin 'yong mga natitira nilang gamit na nakakalat pa. Hindi na kumibo 'yong Tatay niya and instead looked around the room.

Ruel: Tayo-tayo lang ba? Parang may kulang ata.

Paulo: Nasa parking na po si Nicko 'Tay, kasama si Kian. Inaayos nila 'yong trunk ng kotse para mapagkasya 'yong mga gamit na iuuwi natin.

Ruel: Hindi naman si Nicko 'yong hinahanap ko. (tumingin kay Alyssa) 'Neng, nasan si Kiefer? Hindi ba siya dadating? Matagal na 'yong huling dalaw niya sa 'kin.

Alyssa: Ahhh...ehhh...h-hindi po makakapunta si Kiefer, 'Tay.

Ruel: Bakit daw?

Alyssa: B-busy po siya eh. (after a few seconds) Diba po, on going na 'yong finals series nila? K-kaya kelangan niya mag-concentrate sa training.

Ruel: Sayang hindi pala tayo kumpleto sa dinner mamaya.

Alyssa: Uhmmm... 'Tay, 'Nay, daldalhin ko na 'tong ibang gamit sa kotse.

Without waiting for a response, Alyssa quickly left the hospital room.

Ruel: Anong nangyari dun? (nagtinginan si Paulo at si Nanay Lita) Meron ba 'kong hindi alam? (walang kumibo) Paulo?

Paulo: Po?

Ruel: Ano 'yong hindi niyo sinasabi sa 'kin?

Lita: (bumuntong hininga) Sige na, Anak. Ikwento mo na sa Tatay mo.

Paulo: Ano po kasi 'Tay eh, hindi po masyadong okay sina Ineng at Kiefer ngayon.

Ruel: Paanong hindi okay? Magkaaway sila?

Hindi nakasagot si Paulo sa Tatay niya. He was trying to find the perfect word to describe Kiefer and Alyssa's situation, 'yon nga lang nainip na't lahat 'yong Tatay niya, wala pa rin siyang naiisip.

Ruel: Wag mong sabihing naghiwalay sila?!

Paulo: Kalma lang po, 'Tay. Hindi po sila nagbreak.

Ruel: So kung hindi sila nagbreak, anong nangyari sa kanila?

Lita: Hiningi ng Anak mo kay Kiefer na wag na munang ituloy 'yong kasal nila.

*phone ringing*

Paulo: Sagutin ko lang po 'to sandali, excuse me.

Ruel and Lita: Okay.

Lumabas si Paulo para sagutin 'yong tawag niya sa telepono.

Ruel: Kaya pala parang ang lungkot ni Ineng nitong nagdaang linggo. (after a few seconds) Bakit daw ayaw niyang ituloy 'yong kasal nila ni Kiefer?

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon