Chapter 5

2.9K 94 7
                                    


Alyssa: Hi Babe! (hinalikan si Kiefer) Kanina ka pa?

Kiefer: Hindi naman, medyo na-traffic din ako eh. Ano, let's go?

Alyssa: Yup!

Kinuha ni Kiefer 'yong training bag ni Alyssa at magkaholding hands silang naglakad papunta sa kotse ni Kiefer. Kakatapos lang ng daily training ni Alyssa at papunta sila ngayon sa caterer nila para mag-food tasting. Hindi pa sila nakakalayo ng mapansin ni Alyssa that Kiefer was driving way faster than he normally would.

Alyssa: Kief, p-parang medyo napapabilis ata 'yong pagda-drive mo.

Kiefer: Babe, sorry. Nagmamadali lang. Baka kasi ma-late tayo sa appointment natin.

Alyssa: We have time. Na-move ng one hour 'yong schedule natin, diba?

Kiefer: Ha? What do you mean na-move? Hindi ko alam 'yan.

Alyssa: Tumawag si Ruby kanina, 'yong Accounts Manager natin. She asked if pwedeng pagpalitin 'yong schedule natin tsaka nung isa pang couple na hawak niya. Since one hour lang 'yong difference, pumayag na 'ko.

Kiefer: Bakit hindi siya sa 'kin tumawag?! Akong kausap niya ah.

Alyssa: She was trying to call you pero hindi ka daw niya ma-contact. (after a few seconds) I texted you right after Ruby and I talked, hindi mo ba nakuha?

Kiefer: Wala 'kong nakuha. And sana hindi ka pumayag sa gusto niya. Ang tagal ng naka-set nung appointment natin, hindi niya tayo dapat bina-bump off ng ganun-ganun lang.

Alyssa: It wasn't a bump off, it's just a schedule switch. Hindi rin naman maa-affect 'yong appointment natin mamaya sa designer kaya pabayaan mo na.

Hindi kumibo si Kiefer, but Alyssa could see how visibly upset he still is. Hinawakan siya ni Alyssa sa braso and when he turned to look at her, she smiled at him.

Alyssa: Wag ka na ma-highblood Babe, it's not worth the stress.

Kiefer gave Alyssa a half-smile at kalmado na nitong tinuloy 'yong pagda-drive niya. They got to their appointment with time to spare, even for their original schedule. Pagdating nila, dumiretso sila sa waiting area at pumirma sa logsheet.

Alyssa: Punta lang muna 'ko sandali sa Ladies' Room.

Kiefer: (tumango) Go ahead, dito lang ako.

Nagfreshen up si Alyssa sa Ladies' Room pero naputol 'yong ginagawa niya nung marinig niya si Kiefer na parang nakikipagtalo sa labas. Nagmamadaling niligpit ni Alyssa 'yong mga gamit niya at pagbalik niya sa waiting area naabutan niya si Kiefer at si Ruby na nag-uusap.

Ruby: Akala ko po Sir Kiefer okay na. Nakausap ko po si Ma'am Alyssa kanina and pumayag po siya dun sa bago niyong schedule.

Kiefer: Oo, pumayag si Alyssa, but that's not the point! Kasi in the first place hindi mo dapat hiningi sa 'min 'yong schedule switch. That was so unprofessional!

Ruby: P-pasensiya na po talag –

Kiefer: Kelan ba 'yong kasal nung isang couple na hawak mo at napaka-urgent naman na ma-move ng one hour 'yong food tasting nila?

Ruby: March next year pa po, pero ka –

Kiefer: March?! Eh kami this December na tapos 'yong post-wedding namin sa January. Anong minamadali nila?

Ruby: Nagka-conflict daw po kasi 'yong mga appointment nila today kaya nagrequest sila kung pwedeng mapaaga 'yong schedule nila.

Kiefer: At kami ang iba-bump off niyo? Hindi lang din kayo ang appointment namin today.

Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon