*knock knock*
Lita: O Kief, ikaw pala. Pasok ka.
Kiefer: (nagmano kay Inay Lita) Good afternoon po, Tita.
Lita: Kaawaan ka ng Diyos, Hijo.
Nilapag ni Kiefer 'yong dala niyang prutas sa taas ng fridge tapos lumapit siya kay Tatay Ruel at nag-mano.
Kiefer: Kamusta na po kayo, Tito? Pasensya na po ngayon lang ako ulit nakadalaw.
Ruel: Ayos lang, Kief. Alam ko naman busy ka sa Manila. Okay ako, nagi-improve araw-araw. (natawa ng konti) 'Yon nga lang malapit ng mabaliw.
Kiefer: Bakit naman po?
Ruel: Si Ineng kasi ang OA mag-alaga. Akala mo may taning ang buhay ko kung umasta.
Lita: Ano ka ba, concerned lang sa 'yo 'yong anak mo.
Ruel: Bakit, hindi ba kayo concerned nina Paulo sa 'kin?
Lita: Concerned.
Ruel: Pero hindi kayo ganun ka-OA. (tumingin kay Kiefer) Pagsabihan mo nga si Ineng na wag ubusin 'yong oras niya sa pag-aalaga sa 'kin. Maraming ibang bagay na mas kelangan ng atensyon niya.
Kiefer: Para naman pong hindi niyo kilala 'yong anak niyo na 'yon, Tito. Mahal na mahal po kayo ni Ly at kahit ano gagawin niya para sa inyo.
Ruel: Hindi na pwedeng ganun. Malapit na kayong ikasal at pag mag-asawa na kayo, ikaw na dapat ang priority niya.
Kiefer: Wala pong kaso sa 'kin Tito kung nasa priority niya pa rin kayo, pamilya niya kayo eh.
Ruel: Salamat Anak. (ngumiti si Kiefer) Nga pala, kamusta na 'yong wedding preparations niyo? Tuwi kasing napag-uusapan namin 'yan iniiba lagi ni Ineng 'yong topic.
Kiefer: Uhmmm...ano po...
Nagkatinginan 'yong mga magulang ni Alyssa.
Lita: Sobrang delayed na ba kayo?
Ruel: Sabi ko sa 'yo Lita eh, kaya ayaw sumagot ng anak mo pag tinatanong natin.
Lita: May maitutulong ba kami, Kief?
Kiefer: Okay lang po kami, Tita, Tito. May delays man po pero hindi naman po ganun kalaki. Kayang-kaya po naming habulin.
Ruel: Paano kayo makakahabol sa mga kelangan niyong gawin kung nauu –
Naputol 'yong sinasabi ng Tatay ni Alyssa nung bumukas 'yong pinto at pumasok si Alyssa at ang Kuya Nicko niya.
Alyssa: Kuma – (nakita si Kiefer) Kief?! A-anong ginagawa mo dito?
Kiefer: Hi Babe!
Lumapit si Kiefer kay Alyssa and kissed her on the forehead. He had his arms around her when she pulled back a bit and looked up at him.
Alyssa: Bakit ka nandito? Diba may training ka ngayon?
Kiefer: Sabi ko kay Coach ayoko magtraining kasi dadalawin kita.
Alyssa: Ano ba Kief, diba sab –
Kiefer: Eto namang Babe ko, hindi na mabiro. Na-cancel 'yong training namin kaya naisip kong dalawin 'yong future father-in-law ko at 'yong fiancée ko na miss na miss ko na.
Hindi kumibo si Alyssa, but just as Kiefer was about to pull her towards him for a hug, Alyssa placed her hand on his chest.
Kiefer: Babe? May problema ba? (napansin na parang balisa si Alyssa) Hindi ka ba masayang makita 'ko?
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever (kiefly/alyfer fanfic)
Fiksi PenggemarThey're not just boyfriend-girlfriend, they're also each other's bestfriends. Kilalang-kilala na nina Kiefer at Alyssa ang isa't-isa, at hindi man naging madali 'yong tatlong taon nilang relasyon, naging masaya naman sila. Now that their careers are...