Broken

4 0 0
                                    

"Backstabbed"

Jerome's Point of View

Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang mararamdaman ko ngayon. Magagalit ba ako? Malulungkot ba ako? Papatol ba ako? Magse-self harm ba ako? Hindi ko alam. Gulong gulo na ko sa lahat ng nalalaman ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na. Puro na lang problema, gusto kong dumating yung pangyayari na, wala akong iniintindi at wala akong issue sa buhay.
Hindi ko inaasahang magagawa niya ito sakin...

Ang siraan niya ako sa ibang tao ng patalikod.

Binuksan ko ang social media account niya, at may nag-notify sa phone ko. Si Daniel. How would I describe him? Honestly, iba iba ang ugali niya. Pag kasama niya squad niya, sama-sama silang gagawa ng kalokohan. Pero kapag kasama niya ang girlfriend niya, dinaig mo pa ang anghel sa kabaitan niyang taglay.

"Clarissa! May ipapakita ako sayo."

"Ano 'yon, Daniel?"

By the way, Clarissa is my "bestfriend."

"*Daniel sent a photo* nakakatawa pre."

"Ayy nuks! Lumalablayp si kuya."

"Sino, yang malanding yan?"

"Grabe ang hard. Pero OO, siya."

Nang mabasa ko ang mga iyan, agad kong inalis ang account niya sa phone ko. Nasaktan ako ng sobra. Mabuti akong kaibigan sa kanya, and I really trust her to be a good friend of mine also. We've been through a lot, and I thought that those things will make our friendship stronger. But as I see right know, the opposite thing happened.

Alam niya yan, loyal ako. Isa lang ang mahal ko, siyempre aside from my family and God. Si Vanessa lang talaga ang mahal ko. Yes, madami akong crush noon, pero it was just a friendly crush. As in wala lang, mabait sila, maganda sila, etc. Kumpara mo sa love life nilang walang katapusang pamba-babae/lalaki. Magsama silang dalawa tutal parehas silang mapaglaro.

Mag-isa ako ngayon sa kwarto ko, iyak ng iyak, confused and overthinking. Some of my friends says that overthinking doesn't help. But for me? It does. In fact, lahat ng iniisip ko nagkatotoo. Even this, naisip ko na rin. Grabe lang talaga.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko, naghilamos at kinuskos ko ang aking mga mata para hindi mahalata na umiyak ako. Namumula ang mga mata ko, pero pwede kong idahilan ang pagpuyat. It's already 2:36am naman na eh.

"Jerome, matulog ka na, madaling araw na oh. Para yan sa health mo, masama ang magpuyat. Good night! I love you so much."

"Opo ma, matutulog na po ako. Thanks. I love you too!"

Isinara na niya ang pinto, mabuti na lang at hindi na niya nahalata na umiiyak ako dahil hindi naman na siya pumasok pa sa kwarto. Ang mama ko, si Zoey, siya palagi ang nagpapasaya saakin. Buddy ko na yan eh. Kasama ko siya sa pag travel, shopping and everything else. Sa lahat ng mga lakad niya, kasama niya ako. Ang hilig niyan sa libro, to be specific, sa inspirational books. The way she dress? Hindi siya papayag na napagi-iwanan siya sa fashion. Napaka supportive mother niya. Basta alam niyang makakabuti saakin ang isang bagay, su-supportahan niya ako. Pero pag alam niyang hindi, mahinahon niya akong pagsasabihan na wag ipagpatuloy ang bagay na iyon at mare-realize  Thank ko na lang din na mali nga ang ginagawa ko. And most of all, napaka humble and understanding niya. Hindi siya judgmental, tinitignan niya ang deep side ng isang tao kung bakit ganon ang ugali niya. At tsaka niya lang malalaman ang dahilan kung bakit. Blessing saakin si mama dahil kung wala siya, malamang naisipan ko nang mag-commit ng suicide ngayon.

Hindi ko pa din maalis sa isipan ko na pinag-usapan nila ako, at tumatak sa aking isipan ang sinabi nila sakin, na malandi ako. Wala akong ginagawang masama sa kanila, alam ko sa sarili ko na hindi totoo 'yon.

You don't have the right to judge someone. Who are you to say something to me? Are you God? Don't judge me by my recent story. Look at the deep side of it and you'll realize that you're wrong. Absolutely wrong.

I guess I'll sleep with negativity right now.

Book of life 📚 Where stories live. Discover now