Discovered

2 0 0
                                    

A/N: This is a continuation of my story "Backstabbed." Thank you!

Jerome's Point of View

I woke up late. Mga, 12:30pm? 5:45am na din kasi ako natulog, binuksan ko pa kasi ang social media accounts ko para lalong makatulog. Pagbaba ko ng hagdan, bumungad agad saakin si mama. Looking at me so worried. Nako, ito na nga ang sinasabi ko eh, baka nakita niya akong umiiyak kagabi.

"What happened to you last midnight? Bakit umiiyak ka, anak?"

"Ma..."

"I'll give you time to tell me what happened to you, anak. Mama will always be there for you.  Wag mong sarilihin ang problema mo dahil tayong dalawa ang nagtutulungan dito. Okay? I love you."

"I was backstabbed by my bestfriend."

My mama suddenly felt shocked.

"What happened, anak?" She said in a worried voice.

"Sabi nila, malandi daw ako. Hindi ko na kaya ma, masyadong masakit."

"Tingin mo ba anak, ganong klaseng tao ka nga?"

"Hindi po."

"Then you shouldn't feel like that.  Alam mo naman pala sa sarili mo na hindi ka ganoong klaseng tao. Don't be too affected on what people says to you dahil ikaw ang mas nakaka alam ng buhay mo. Be strong anak. You'll face harder challenges in life. And don't forget to pray, if I'm not at your side at some point, then God will always be at your side. I love you so much anak!"

I was speechless. Kahit kailan, sa lahat ng mga payo saakin ng mama ko ay lagi akong napapaluha. Maybe because of the fact that she's older than me and she've gone through a lot kaya alam niya ang sasabihin niya saakin.

"I love you too, mama! Thank you so much for everything. I am so blessed to have you in my life."

"No problem anak. Don't hesitate to tell your worries to mama, okay?"

"Yes ma, I promise."

Umalis na rin si mama ng bahay dahil may business appointment siya with her major investor in our company. Hindi niya pwedeng i-cancel at i-rearrange ang meeting dahil parehas na hectic ang schedule nila. Naiwan ako sa bahay, na kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga sinabi ni mama. Madaming goods ngayon dahil kaka-galing lang namin sa grocery store. Kaya kumain na lang din ako, dahil hindi pa din naman ako naga-almusal. 

Andami kong kinain, dulot na rin siguro sa sobrang stress. Naubos ko pa nga ang one dozen KK donuts na pinabili ko kay manang. Hahaha. Nakakatuwang isipin na madaming paraan para sumaya ka. Kaya minabuti ko na lang maging productive kaysa sa magmukmok ako maghapon.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nag-roadtrip. Kung saan saan ako nakapunta, mabuti na lang at pinagasan ko na pala yung kotse ko. After that, nag-shopping ako. Yes, shopaholic ako. Pero hindi ako yung tipong bibili nanaman kahit may bago ka kong gamit, gagamitin ko muna para di naman masayang. Baka kasi matambakan na lang kung bili ako ng bili. Tas mahilig din ako sa arcade kaya naglaro muna ako. Racing lang palagi ang pinupunta ko sa arcade, to be specific, sa TsW. Ang saya ng araw ko ngayon, a productive one indeed. Umuwi ako ng bahay na masaya, pero wala pa si mama. Natagalan siguro. Imposibleng mahaba ang meeting nila, siguro ay nag-shopping din si mama. Kumain na ako at nag-shower, natulog na rin ako after that. Natulog akong masaya at positibo.

Use your experiences in life as a lesson to be more careful, and make sure that the person you trust is true to you. You can never predict what will happen, but you can prevent as early as now.

Book of life 📚 Where stories live. Discover now