A/N: This is the last part of my story "Backstabbed." Thank you for reading!
Jerome's Point of View
Papunta na ako sa school ko, maaga akong pumapasok dahil time is Gold. Mas maganda kung maaga ka papasok like before classes dahil para may time ka to prepare for your whole day class. And of course, para wala kang ma-miss na lessons sa first subject mo. I arrived at my school around 5:55am. Ang start ng first subject ko is 7:00am. So I have my time to relax and to prepare for a stressful yet happy day.
Nakinig lang ako sa musics ko sa phone, and nagbasa ako ng reflection ko for today after kong makinig sa mga kanta ko."At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko oh, aking sinta. Pangarap lang kita... 🎶 "
Tuwang tuwa ako sa kanta na yan. Bukod sa maganda ang notes, nakaka-relate ako. Pero okay lang yon, bestfriend ko siya kaya hanggang dun na lang yon, tanggap ko.
Flag ceremony na namin, kaya tatahimik muna ako sandali. Nakita ko na rin mga classmates ko. Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na naiinis ako dahil ayoko silang magtanong.
"Good morning Jerome!"
"Good morning, fifth."
Yes. Fifth. Dahil isinilang siya nung 5th of July, 2002. He's a very kind hearted man. Hindi yan madamot sa pagkain. Matalino yan. In fact, top 7 siya sa over-all ranking in 8th grade's list. Naba-balance niya ang extra-curricular activities at ang studies niya. Extrovert siya. Parang ideal man niyo na din, girls.
"Bakit ganyan ka? The way you speak, it seems like you have a problem. Would you mind telling it to me?"
"I'm fine, fifth. Puyat lang ako. Thank you!"
"Anytime, Jerome."
Iba din 'tong si Fifth eh. Mabilis din makahalata. Nako Jerome, gising! Kailangan walang makaka-alam na naiinis ka. Act like you're okay. Diyan ka magaling eh.
Natapos na ang flag ceremony namin. Nag-locker muna ako, kinuha ko ang aking mga libro. Then pumunta na ko sa room namin.
Lumipas ang halos apat na oras na pagka-klase. Maayos naman ang lessons kaya agad ko naman itong naintindihan. Medyo nagugutom na din ako kaya pumunta na ako sa Canteen para bumili ng pagkain. Kahit kailan, hindi ako binigo ng Canteen na 'to dahil halos lahat mg favorite foods ko ay nandito.
Bumili ako ng Caesar Salad with a fresh kiwi juice. Well, I'm on a diet and I really need to reach my body goal as soon as possible dahil may a-attendan kaming wedding ni mama. Kumain akong magisa dahil yun yung gusto kong mangyari, I need space. Kakausapin ko na siya mamaya kaya gusto kong ma-relax. Baka ano pang magawa ko sakanila mamaya.
Tapos na ang lunch break namin kaya pumunta na ko sa susunod naming subject which is Computer. I kinda hate that subject because of database. But dahil gusto ko ang Computer teacher namin, nagugustuhan ko na rin ang lesson nito kahit na mahirap.
Nag encode ako kung pano gumawa ng isang webpage and creating pages. Mahaba siya at as usual, ako ang nahuling mag check dahil hindi talaga ako magaling sa computer.
Natapos na ang subject na 'to, free time na hanggang 5:00pm dahil may meeting ang mga teachers ngayon. Salamat at may time ako to rest. Sakto at may dala akong gitara ngayon kaya yun ang gagawin mo muna bago ako matulog.
"When the days are cold, and the cards all fold. And the saints we see are made of Gold. When you dreams they fail, and the ones we hail. Are the worst of all, and the blood's run stale... 🎶"
Nag gitara lang ako ng naggitara hanggang sa 4:00pm na pala. Ayoko nang matulog dahil 1hr na lang at uwian na namin. Kaya binuksan ko na lang ang aking mobile data at linog-in ko ang social media account ko.
Naalala ko nanaman yung nakita ko kagabi. Hindi pa din ako makapaniwala na magagawa nila yon saakin dahil bestfriend ko si Clarissa at close friend ko si Daniel. Wala akong ginagawang masama sa dalawa kaya nakakalungkot isipin na yun pa ang nasabi nila saakin.
Kailangan ko nang kausapin si Clarissa. Siya lang muna kasi baka ano pang magawa ko kay Daniel. Mababalatan ko siya ng buhay ng di oras eh.
Matapang akong pumunta sa puwesto ni Clarissa at kinausap siya."Clarissa, pwede ba kitang makausap just for a minute? May I excuse her?" Mahinahon kong wika sa mga kaibigan niya.
"Sure. Excuse me guys. I'll talk to him for a minute."
Lumabas kami ng room at alam na niyang may problema ako sa kanya, sa mga titig pa lang na binibigay ko sakanya.
"May problema ka ba sakin, Clarissa?"
"Jerome naman, mabait kang kaibigan , alam mo yan. Hinding hindi ako magkaka-problema sayo. Bakit ko naman 'to natanong?"
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya, pero ako na mismo nakakita sa mga sinabi nila saakin.
"Oh, don't get me wrong Clarissa. Alam mong alam ko ang social media accounts mo kaya tinignan ko ito. Nakita ko ang convo ninyo ni Daniel at sa di inaasahang pangyayari, nalaman ko ang mga sinabi niyo against me."
"Jerome---"
"I'll give you time to explain."
"Kasi nagseselos ako sayo, Jerome! Sa tuwing kinakausap mo ang classmates natin na babae, nagseselos ako! Dahil paki-ramdam ko wala akong kwenta sa buhay mo. Pakiramdam ko okay lang sayo na wala ako sa piling mo dahil masaya ka naman, kasama ang iba. Masakit, Jerome. Sobrang sakit. Siguro, alam mo naman na ngayon na... gusto kita. Mahal kita. Jerome, mahal na mahal kita."
"Yun na yon, Clarissa?!" Nagtaas na ang aking boses. "Andaming nagagawa ng letseng pag-ibig na yan. If you really like me, bakit gumawa ka ng hakbang na magdudulot ng sakit saakin? Bakit kailangan mo pang kumampi kay Daniel na malandi ako eh pwede mo naman akong kausapin ng deretso? Bitterness was never an excuse to hurt someone, Clarissa. Always remember that. Hindi mo kailangan mang-backstab because I'm always ready to listen. Ayokong ayoko sa nangba-backstab Clarissa, alam mo yan. Wag mong hintayin na lalayo ako sayo dahil hindi ko napapatawad agad ang mga taong katulad mo." Malamig kong sabi.
"Sana mapatawad mo ako, Jerome. Naiintindihan kita. Salamat sa lahat." Naiiyak niyang sabi.
"I'll let time do its thing, Clarissa. Just like what I've said before, hindi ko agad napapatawad ang mga taong katulad mo. I hope you understand."
I left her crying. Masakit para saakin na nangyayari 'to, pero kailangan dahil kung hindi ko ginawa ito, patuloy akong masaksaktan at patuloy rin siyang mananakit ng iba, hindi lang ako. Umuwi ako ng bahay na luhaan at mabuti na lang na wala pa si mama. Kaya inayos ko muna ang sarili ko bago matulog. Busog pa ako, kaya ayoko muna kumain.
In every happenings that we experienced, we should get a lesson from it. It is up to you if you'll take it as a lesson and be a better version of yourself. Do not hesitate to ask guidance to God because he will always be at your side.
I guess, I'll sleep with positivity tonight.
A/N: Tapos na po ang story ko! Thank you for reading. I'm open for critiques, just comment your opinion regarding on my story. God bless! I hope you're enjoying your day.

YOU ARE READING
Book of life 📚
Cerita PendekThis is my compilation of short stories, in every aspects of life. I hope that you'll like it. Thank you so much.