Chapter 14 (Separated from others)

13 0 0
                                    

(Irish)

Pagkatapos ng gulong nangyari ay naramdaman ko na lamang na may humila ng kamay ko.Nakalabas ako ng restaurant at nakapunta sa ewang bandang lugar kasama ang lalaking ito.Teka sino ba ito?

Pagbitaw at pagharap niya sa akin nagulat na lang kami ng-

"Irish!/Ivan!"parehas naming banggit at sabay gulat.

"Ang pagkakataon nga naman oh.Sinusundan mo ba ako?"

Aba ang kapal ah.Siya kaya tong-

"Kapal mo rin noh! Ikaw kaya tong nanghila sa akin kaya ako napadpad dito"

"Si Maegan kaya yong hinila ko.Hindi ikaw"

Kaurat ah.Kasalanan niya kaya.

"May nakita ka bang Maegan?"kala niya ah.

"Ata"

Diwaw!Aish saan na ba kami? Ang lakas niya kasi mangaladkad kaya di ko alam kung saan ba ang punta namin.

"Haish nevermind.Huwag na tayong magtalo dahil wala naman tayong makukuhang maganda"

Ngumisi naman siya ng nakakaloko sa akin.Sarap nga sapakin eh pero mabait ako sa ngayon dahil kailangan ko ng umuwi.Anong oras na din noh? Magagabi na baka pagalitan pa ako nina Mommy at Daddy.

"Teka anong lugar ba ito? Saan na ba tayo?"

Ghad nasa iskwater pala kami.

"I don't know"

"Isa pa Ivan sasapakin na kita.Di ako nagbibiro ah"

"Mukha ba akong nagbibiro?"sabi niya sabay sumeryoso.

"Weh? Yung totoo kasi!"

"Totoo naman ang sinasabi ko ah"kalmado niyang sabi.Buti pa siya nagawa niyang maging kalmado ngayong nasa di safe na lugar kami.

"Eh bakit tayo napunta rito?"

"Tumakbo malamang"

Aish dakilang pilosopo naman oh!

"Kasalanan mo toh eh! kung di mo lang ako hinila malamang wala tayo dito!"napasigaw kong sabi sa kanya.

"Haha ako pa ang may kasalanan ngayon? Buti nga nahila ko yung kamay mo para makatakas doon kundi patay ka na ngayon.At isa pa gusto ko lang makalayo sa lugar na iyon"sabi nito sabay lakad.

"Oy paantay naman!"

Kahit galit ako sa kanya kailangan ko pa rin ng tulong niya.Babae ako noh paano na lang kung may mangyaring masama sa akin.

"Maglakad ka mag-isa mo! Tutal gusto mo naman di ba?"naglakad naman siya ng napakabilis kaya ako tumatakbo na kakahabol sa kanya.

"Oy sorry na.Hindi ko alam ang lugar na ito at isa pa ikaw lang ang kilala ko"oh sincere pa pagkasabi ko niyan.

Tumigil naman siya sa paglalakad ng mabilis saka ako inantay.Nang maabutan ko siya ay nginitian na naman niya ako ng nakakaloko.Pssh!

"Di kita mapapatawad pero pababayaan kitang sundan mo ako.Ano okay ba?"

"Grabe ah ako na nga humihingi ng sorry"bulong ko.

Nagsimula na ulit siya maglakad kaya ako naman wala akong magawa kundi ang sundan siya.Just follow the lead nga kuno tsk.Rephrase, just follow the Bullies Mastermind.Oh speaking of! Sana wag niya akong bully-hin.

Teka musta na kaya yung iba? Sana naman ligtas sila.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Bully BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon