Britanny's POV
"Kuya Nic?!" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Hay.. Ganyan moba ako i-welcome?"
"Kelan kapa bumalik? Bat 'di ka manlang nagsabi?"
"Aish. Andami mong tanong, pwede ba papasukin mo muna ako?"
"Hehe. Sabi ko nga eh."
Tinulungan ko na siya ipasok yung mga gamit niya. 'di ko pa nailapag yung gamit niya ng sumigaw si agad si Mama.
"Britanny?! Sino yung nag doorbell?"
"Ma, punta ka muna dito, may dumating"
"Sino?"
"It's a secret. Come here! Hurry!"
"Ay! Sige n---"
'di niya na natapos yung sasabihin niya, sumigaw na naman siya.
"Nicholas?!"
"Ma!" –sabay hug kay Mama.
"Kailan ka pa bumalik? Ba't di ka manlang nagsabi?"
"Haha! Kanina lang ako bumalik ma. Gusta ko po kasi kayo i-surprise."
"Ahh. Ganon ba? Sige mag-usap muna kayo diyan magluluto lang kami ni yaya ng favorite niyo"
"Okay ma. I'll go to my room!"
"By the way Britanny, where's dad?" tanong ni Kuya.
"In Business?" sagot ko.
Tinignan ako ng masama ni kuya.
"Hey! Britanny go bring my things in my room"
"What?! Ambigat kaya ng gamit mo, and who am I to you? Your PA?!!" sarcastic na sabi ko.
"Okay. Then, you have no surprise from me!" sabi ni Kuya.
"Aish. You always know my weakness." Wala na akong magagawa. I like surprises eh.
Pagkalagay ko ng mga gamit niya sa kwarto niya. Nilahad ko agad yung kamay ko sa kanya.
"Where's my surprise?"
"Later I'll give it to you." Sabi niya "but now I have someone to visit" dagdag pa niya sabay alis. Aish. Yung totoo paasa ka lang kuya.
Nic's POV
Pagkatapos kong iwan yung kapatid ko dun sa kwarto ko, nag paalam muna ako kay Mama. Sabi ko bibisitahin ko muna yung tatlong ugok. And as usual, alam ko kung saan sila pupuntahan, sa tambayan.
Pag weekends kasi lagi kaming nandoon. Pag dating ko dun, nakita ko sila nag-uusap-usap. Hindi nila ako napansin kaya tumuloy na lang ako. Naglakad na parang magnanakaw.
"Alam niyo malupit daw yung magiging kalaban natin sa basketball" kwento ni Zayne.
"Sus!! Yun lang hayaan niyo sila! Mas magaling parin tayo dun!" sabi namanni Ivan.
"Bakit? Sino bang nagsabing papatalo tayo sa mga yun?" –Kelvin
"Ohh! Baka naman nababakla lang kayo?" singit ko sa usapan nila.
Napatingin silang lahat sa akin. Nanlaki yung mga mata nila.
"Ohh! Bakit parang nakakita kayo ng multo?" sabi ko. "Ganon na ba ako ka-gwapo para pati kayo nababakla na sa akin?" dagdag ko pa.
"N-nic?" –Ivan
"Nicholas?" – Kelvin
"Nicholas Kurt Wilson?" –Zayne
Hay naku umiiral na naman ang kabaliwan ng tatlong to.
"Hi I'm Nicholas Kurt Wilson or you can call me Nic for short."
Lumapit silang lahat sa akin
"Nic?! Musta na long time no see ah" –Zayne
"Musta na pre?" – Kelvin
"Kelan ka pa bumalik ?" –Ivan
"Teka, isa-isa lang mahina ang kalaban."
Nagtawanan silang tatlo.
"Namiss ka namin pre!" sabi ni Zayne sabay tapik ng balikat ko.
"Haha.Miss ko din kayo pre" sabi ko sabay tapik din sa balikat niya.
"Dito ka na ba mag-aaral?"-Kelvin
"Oo,nga pala...Nawala yan sa isip ko eh. Kakadating ko lang kasi".
"Ah,ganoon ba?" –Ivan
"Pero, I think tomorrow I will go to school, para ayusin ang papers ko"
"Ok, then let's go to the bar" –Ivan
Wala parin silang pinagbago
"No, we should go to my house. We will be having a small gathering."
"Ok, so come on guys, lets go!" -Zayne
Sumakay na kami sa mga sasakyan namin. Then we drive our way to my house. Pagkadating namin sa bahay, niyaya na agad kami ni Mama kumain. Pagkatapos kumain nagkwentuhan lang kami ng tatlong baliw. Then they decided to leave dahil may pasok na bukas. Pagkapasok ko ng kuwarto nakita ko si Britanny.
"Why are you here?"
"I'm waiting for my surprise"
"I'm just kidding you. Didn't know na maniniwala ka pala ng totoo."
"Aish. Kainis ka talaga!" sabay walk out.
Hahaha. Sarap talaga asarin nun, pikon lagi. Makatulog na nga lang.
---------------------
A/N(Author Danielle)
-Babae po pala si Steve. (Brianna Steve Jones) Baka mapagkamalan niyo pong lalake :D haha. Btw, Please follow me on instagram and twitter @danielleborja24 ~~Thank yooouuu! :)

BINABASA MO ANG
Our Bully Boys
Teen FictionA/N: Apat na magkakaibigan na pumasok sa paaralan na kung saan naghahari ang apat na sikat na Bully.Meet Irish,Maegan,Britanny and Steve.Apat na babaeng magpapagulo sa buhay ng 4 na bully.Ivan,Zayne,Kelvin and Nic apat na bully na mang...