Jalissa's POV
Nagising ako sa cellphone ko na nag riring. Tinignan ko at tumatawag si best.
Ano ba ang aga mo mang gising! irita kong pagkakasabi.
Baliw ka? 11 am na anong maaga pa! Dont tell me kagigising mo lang? pag tatanong niya.
Oo at ikaw ang naka gising sa akin at naiinis ako sayo! Ano ba kailangan mo? pasigaw kong pagkakasabi.
Aww sorry my friend i just want to invite you may pa- pool party ako mamaya want to join? pag-aaya niyang may halong excitement.
Okay text mo na lang kung anong oras at address niyo. walang gana kong sagot.
Yey see yah! masaya niyang sabi at inend yung call.
Nag pasya ako na lumabas na ng kwarto at nakita kong kakalabas lang din ni kuya at mukhang bagong gising din.
Good morning. pagbati niya na nag uunat unat pa siya at humihikab pa.
Good morning din. pagbati ko.
Sabay na kaming bumaba at naabutan naming nagluluto si mom ng breakfast.
Morning mom, sabay naming pagbati ni kuya.
Good morning too my two babies. masayang pag bati ni mom at parehas kami ni kuya na kiniss sa cheeks.
Naghain na ng almusal si mom at sabay kaming kumain tatlo.
Uhm where's dad? pagtatanong ko na kanina ko pa napansin bakit parang ni anino ni dad hindi ko nakita ngayon.
May tinatapos lang ang dad mo na work then mag swimming tayo tutal summer naman diba? pagpapaliwanag ni mom.
Speaking of swimming mom. Ininvite ako ng best ko may pa pool party daw siya mamaya sa bahay nila. Can i go? pagpapa alam ko na halatang nag iisip si mom kung papayagan niya ako.
Papayagan kita basta isama mo si kuya mo. sabay kuha sa kanyang plato at hinugasan niya na sabay akyat sa taas.
Naiwan na lang kami dito ni kuya. At hanggang ngayon ay lumalamon pa din siya.
What time? biglang tanong niya habang umiinom ng kape.
I dont know maybe mamayang gabi hindi pa nag tetext si mae. walang gana kong sagot at hinugasan ko na ang aking pinag kainan sabay akyat sa taas.
Bumalik na ako sa kwarto at tinignan ko ang cellphone ko kung nag text na si best. Meron na pala itong text kanina pa pala.
Hello best! 5pm at my house. Evergreen village See yah!. ang text ni best.
Nag pm ako kay kuya sa fb sinabi ko kung anong oras at kung saan.
Tinignan ko ang orasan at 12:30 na pala ang bilis ng oras. Naligo muna ako at nag ayos.
Chase's POV
Bigla akong nagising na marinig ko ang sigaw ng kapatid ko. Sobrang ingay. Akala mo may nangyari.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Sobrang labo wala akong makita. Ikinusot ko ang aking mga mata at saka ko nakita ang pagmumukha niya.
Great, just great bungad agad sa akin ang pagmumukha ng kapatid kong monkey.
Kuyaaaa i thought youre dead!! pag-aalala niyang pagkaka sabi.
Tsk. Gusto mong ikaw ang mamatay? sabay upo ko at nag unat unat.
Wow huh grabe be thankful na lang kasi ginising kita! Ehh para ka ngang patay na dahil hindi ka humihinga. pagtataray niyang sabi na naka pamewang pa.