February 10, 2018 (8:40pm)

464 11 1
                                    

Vic's POV

"Ano nak tara na?" Bungad saakin ni motherF ng pagbuksan ko siya ng pinto dito sa condo ko.

"5 minutes motherF" pagpapacute ko.

"Sige na, bilisana mo na!" Utos nito.

Tumakbo na ako pabalik ng kwarto at sinuot ang polo ko, humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

"Pogi ka na!" Sulpot ni motherF.

"Syempre naman, kanino pa ba ako magmamana diba?" Sabay wiggle ko ng kilay.

"Sa motherF mo syempre" tyaka ito umakbay saakin.

"Tara na?" Nakangiti kong tanong.

"Let's go" sagot nito. Nauna na siyang lumabas, nagpahabol pa ako ng spray ng pabango bago tuluyang sumunod sakanya.

.
.
.

"Ang daming tao" sambit ko habang nagpapark.

"Anong inaasahan mo? Engagement party lang naman to ng isang sikat na volleyball at basketball player, malamang marami talagang tao" napapailing na sagot nito.

"Sorry naman" tanggi kong sagot, bumaba na ako ng sasakyan at umikot sa passenger side para pag buksan si motherF.

"Salamat nak" nakangiti nitong sambit.

"Ako muna date mo ngayon habang wala pa si fatherF" ni-offer ko ang braso ko.

"Pogi ng date ko" nakatawa nitong sagot sabay kawit sa braso ko.

Agad na hinanap ng mata ko ang table nila ate Kim ng makapasok kami ni motherF.

"Nakita mo na?" Tanong nito.

"Baka naman wala pa sila" sagot ko.

"Oy! Buti naman at nandito na kayo" sabay kaming napatingin ni motherF sa nagsalita.

"Congrats Den" masiglang bati nito sabay yakap dito.

"Salamat tyang" nakangiti nitong sagot, hindi ko naman mapigilang mapangiti, kitang kita kasi sa mga mata ni ate Den kung gaano siya kasaya.

"Congrats ate" magiliw kong bati ng magkalas sila ng yakap ni motherF.

"Wala man lang hug diyan?" Nakatawa nitong tanong.

Yakap nalang ang isinagot ko sakanya.

"Dapat na ba akong magselos?" Sulpot ni kuya LA.

"Baliw kuya" yumakap narin ako rito.

"Bakit nga pala kayo nalate?" Tanong nito.

"Ewan ko ba diyan sa bunso niyo kung anu-ano pang pagpapapogi ang ginawa kanina" pangaasar ni motherF.

"Teka lang ahh, parang 5 minutes lang ang tinawad ko ahh. Late ka rin naman sa pagkakaalala ko" apila ko.

"Ikaw naman Aby, natural magpapapogi yan syempre nandito si ano" maintrigang sambit ni ate Den.

"Wag kang issue diyan Dencio! Baka may makarinig sayo" saway ko.

Time's Up (Ara Galang and Alyssa Valdez story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon