Vic's POV
"Rise and shine ate A"
Napatakip nalang ako ng unan sa mukha, ano nanamang ginagawa nito dito?
"Ate A, breakfast is ready" patuloy nito sa pangbubulabog.
Inalis ko ang unan sa mukha ko at tinignan ng masama itong higanteng nasa harapan ko ngayon.
"Ano nanaman?!" Yamot kong tanong.
"Tara na, hinihintay na tayo nila Aduke at Dawn sa baba" nakangiti nitong utos.
"Bakit ba nangbubulabog kayo? Tyaka paano kayo nakapasok?" Inis kong tanong.
"Secret" sagot nito, hinawakan ako nito sa magkabilang kamay at pinilit na bumangon.
Napakamot nalang ako sa ulo ko, inaantok pa yung tao eh. Padabog akong pumasok ng CR, ang weird ng mga ito, kagabi sila Tin, May, Michelle at Gyra ang nandito movie marathon ang trip nila kaya anong oras na ako nakatulog.
Hindi ko rin alam kung saan nila nakuha yung susi ng condo ko at nakakapasok sila, bahala na nga.
Pagbaba ko sa kusina ay nadatnan ko ang tatlo, inabutan ako agad ni Aduke ng coffee at pinaupo.
"Anong gusto mo?" Tanong ni Dawn.
"Kaya ko" nakatawa kong sagot.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko at pinaglagyan ako ng sinangag sa plato, si Kianna naman naglagay ng bacon, hotdog, ham at itlog.
"Balak niyo ba akong patayin sa busog?" Tanong ko.
"Kain ka na, hinanda talaga namin yan para sayo" pagpapacute ni Aduke.
"Teka nga" nilunok ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita ulit "diba dapat jogging niyo ngayon ni Marc?" Tanong ko kay Kianna.
"Hindi natuloy kasi announcement ngayon kung sinong kasali sa RP team" sagot nito.
Tumango nalang ako at nagpatuloy ng kumain.
"Hintayin ka na namin ate A ahh, sabay na tayo magpunta sa taft" nakangiting sabi ni Dawn.
"Convoy nalang tayo, idadala ko yung sasakyan ko" sagot ko.
"Ako nalang ang kasama niya sa car" presinta ni Aduke.
"Ako na" apila naman ni Kianna.
"Sasakyan mo yung dala eh" katwiran naman ni Dawn "para walang away ako nalang" pagpapacute nito.
"Girls kaya ko naman eh" nakatawa kong sabi.
"Ayaw naming nagiisa ka" seryosong sabi ni Aduke.
Natawa nalang ako sa sinabi nito, yung totoo ano bang nakain ng mga to?
"Seryoso kami" sabay nilang sabi.
"Opss sorry" nag peace sign ako "ano ba kasing nakain niyo at ganyan kayo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Time's Up (Ara Galang and Alyssa Valdez story)
Fiksi Penggemar"Love that we can not have is the one that lasts the longest, hurts the deepest and feels the strongest... " - Kay Knudsen.