February 18, 2018 (2:30pm)

272 11 1
                                    

Aly's POV

"Anong oras ang game nila?" Tanong ko.

"Mamaya pa ngang ala singko!" Yamot na sagot ni Ella.

"Bakit ba iritang-irita ka diyan? Nagtatanong lang eh" pagpapacute ko.

"Kasi naman paulit-ulit yang tanong mo!" Bulyaw nito.

"Excited lang naman besh, alam mo namang di ako nakanood nung last game nila eh. Nagsabi pa naman ako sakanya" paliwanag ko.

"Eh napanood mo naman sa live stream diba? Ikaw ah kunti nalang talaga iba na ang iisipin ko" maintriga nitong sabi.

"Pinagsasabi mo diyan?" Kunot noo kong tanong.

"Simula kasi nang magkita kayo sa party walang tigil ang tanong mo kung kailan kami ulit magkikita, kung saan siya nakatira? Kung kamusta na ba siya? Ganun!" Seryoso nitong sagot.

"Masama ba?" Tanong ko ulit.

"Masama kung may ibang ibig sabihin sayo, baka nakakalimutan mong may Kiefer na sa buhay mo ngayon" paalala nito.

"Bakit naman napasok si Kief dito?" Napapailing kong tanong.

"Kasi sa kinikilos mo parang may something ka pa kay Vic which is wrong kasi may boyfriend ka na"

Napailing nalang ako, may point naman siya dun eh alam ko na kung ano man tong naramdaman ko ay mali pero......

"Hindi naman nawala yun"

Nanlaki naman ang mata ni Ella sa sinabi ko, ngiting wagas itong tumabi saakin.

"So? You mean meron parin?"

"Kakasabi ko lang diba?"

"Anong plano mo?"

Napaisip naman ako sa tanong nito, ano nga ba dapat?

"Hindi ko alam" wala sa sarili kong sagot "sinubukan ko siyang kausapin, gusto kong malaman kung ano man ang naging dahilan niya noon pero wala" malungkot kong sabi.

"Nainis kami sakanya nun besh kung alam mo lang, halos gisain na namin siya nila besh Den pero wala rin kaming nakuhang explaination"

"Hindi ko siya titigilan hangga't sa malinawan ako" determinado kong wika.

"Paano si Kief?" Natigilan naman ako sa tanong nito.

"Mahal ko siya sigurado ako dun pero yung kapit ni Vic dito sa puso ko na akala ko'y nawala na ay bumalik nang makita ko siya" napangiti nalang ako nang maalala ko yung naramdaman ko ng dumapo ang mata ko sakanya.

"Basta kung ano man ang maging desisyon mo nandito lang kami lagi handang sumuporta sayo" yumakap ito saakin.

"Salamat besh" sincere kong saad.

"Pero besh" kumalas ito sa pagkakayakap saakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat "isa lang ang sigurado ako, mahal na mahal ka parin niya hanggang ngayon"

Time's Up (Ara Galang and Alyssa Valdez story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon