Vic's POV
"Problema mo? Ang aga-aga eh!" Yamot nitong sabi.
"Wala naman daks, di mo ba ako namiss?" Pagpapacute ko.
"Tigilan mo ako Victonara ahh! Nakakagulat ka eh hindi natatapos ang isang linggo na nambubulabog ka dito! Wala ka bang lakad?" Inis nitong tanong.
"Wala eh mamayang lunch pa tas hapon" Nakangiti kong sagot.
"Nakakairita ka! Istorbo eh! Hindi mo ba alam na ito lang ang free time ko! Ngayong araw lang kaya mas gusto kong matulog magdamag!" Pagmamaktol nito.
Natawa nalang ako sa inasal nito, kahit kailan talaga isip bata to.
"Paano kung mamamatay na ako mamaya eh di swerte mo kasi nakasama mo pa ako ngayon" nakatawa kong katwiran.
"Ayan ka nanaman sa mamatay-mamatay! Masamang damo ka daks kaya malabo yan!" Nakatawa narin nitong sagot.
"Kailangan talagang magtantrums muna eh no" napapailing kong komento.
"Kasi naman daks, tignan mo nga ohh alas syete palang ng umaga nangbubulabog ka na!" Singhal nito.
"Kakagaling ko lang mag jogging eh naisipan kong puntahan ka kaya ito" tumayo ako at nag-inat "paligo ako ahh, dapat pagkatapos ko may naka ready ng almusal" utos ko.
"Wow ahh! Nakakahiya talaga sayo" nginisian ko nalang siya tyaka ako pumasok ng CR.
.
.
."Na banggit ni wafs nagkita daw kayo ni Alyssa sa party?" Tanong nito.
Tumango naman ako bago kumagat sa tinapay na pinalamanan ko.
"So ano?" Pangiintriga nito.
"Anong ano?" Kunot noo kong tanong.
"Kamusta? Ano nagusap ba kayo?" Tanong nito.
"Nagkamustahan lang, humingi ako ng tawad" simple kong sagot.
"Yon lang?" Di makapaniwala nitong tanong.
"May dapat pa bang mangyari?" Balik tanong ko.
"Hindi naungkat yung past?" Taas kilay nitong tanong.
"Daks" napabuntong hininga ako "bakit kailangan pang pagusapan yun kung okay na kami sa present?" Nakatawa kong sagot.
"Siguro siya okay na eh ikaw?" Malaman nitong tanong.
"Okay naman ako ahh!" Singhal ko.
"Wag kang ano diyan Victonara!" Sabay batok nito saakin "sa kakadeny mo diyan pati sarili mo niloloko mo" napapailing nitong sabi.
"Daks, oo aaminin ko itong nararamdaman ko para sakanya hindi na talaga magbabago lalo pa ngang lumalalim eh pero okay ako, wala akong ibang gusto kung di makita siyang masaya" sincere kong sambit.
"Ang torpe mo rin eh no! Ano ba kasing problema mo? Anong nangyari? Kung mahal mo parin siya hanggang ngayon bakit hindi mo subukan ulit?" Seryoso nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Time's Up (Ara Galang and Alyssa Valdez story)
Фанфик"Love that we can not have is the one that lasts the longest, hurts the deepest and feels the strongest... " - Kay Knudsen.