(33 Kabitteran)SKL #7

6 0 0
                                    

SKL #7(Ex)

Gusto kong umirap.

Gustong gusto.

Gusto ko kayong iwan nalang basta.

Gusto kong pag-untugin yung ulo nyo.

Pero imbis na yun yung gawin ko ngumiti ako sabay palakpak.

"Aww,ang sweet nyo tignan.Bagay bagay talaga kayong couple!"

Gusto kong masamid sa sinabi ko.

Ako ba nagsabi nun?

Nakakasuka.

Para kong sinapak bigla yung sarili ko.

"Thank you sa pagsuporta samin.Kahit alam mong bawal,kahit pa pwede ka ding matiwalag.Pumayag ka.Salamat talaga"

Ngumiti ako sayo.

Pero sa totoo lang gusto na kitang hambalusin ng trash bin sa tabi ko.

"Oo nga.Wag ka mag-alala.Malapit na naman kong mabautismuhan"

Nginitian ko naman ang bestfriend ko na katabi mo.

"Ok lang.Sige ha?Una na ko"

Alam ko di nyo magets.

Ganto kasi yun.

Yung lalaking yun,ang pesteng crush ko lang naman.

Opps!Dati ha?

At yung jowa nya,yun naman ang bestfriend ko.

Dati rin.

Iisa lang kami ng religion ng kumag kong crush.

At sa tinagal ko syang crush at kakilala.

Nag-expect akong anytime liligawan nya na ko.

Assumera?

Oo.

One time lumapit sya sakin.

Tinanong ako kung pwede ko ba syang tulungan na maligawan yung bestfriend ko.

Pumayag ako.

Bawal nga yun sa religion namin e.

Pano ba naman,iba religion ng bestfriend ko.

Dapat magpapaconvert muna yung isa sa kanila.

Kung hindi ititiwalag kami.

Yep,kasama ako.Kasi sinuportahan ko sila.

Ano naman ang ititiwalag?

Tatanggalin sa listahan ng mga kasama sa religion.

Ganun.

Pero wala e.

Crush ko 'to.

Kaya tinulungan ko.

Akala ko biglang magbabago yung isip nya.

Na baka ako bigla yung magustuhan nya.

Pero hindi e.

Solid talaga sya sa pagkagusto sa bestfriend ko.

Wala syang pake sakin at sa letseng feelings ko para sa kanya.

Buntong hininga.

Pero ok na ko.

Ayos na kahit papaano.

Medyo nagmomove on kahit di naman naging kami.

He became a lesson to me.

And my bestfriend too.

They thought me that expectation is far from reality.

The end.

DNAQs Hugot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon