SIMULA

7 0 0
                                    

20th Birthday

"Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Happy Happy 20th Birthday, Kylie." Sabay sabay sila sa pagkanta.

Kami lang ang nandito ngayon sa bahay. Si Mama, Papa, Aireen at Sharmaine. Kasama ang mga common and close friends ko. Si Aireen ang childhood bestfriend na cousin ko. Si Sharmaine naman ang isa ko pang pinsan. Si Aireen ay dito na sa amin nakatira, simula nung nag graduate kami ng High School. Si sharmaine naman ay kakadating lang, dito na din siya titira sa amin ngayong bakasyon. Tulad ko, kaming tatlo nila Sharmaine at Aireen ay Only Daughter.

"So sweet naman. Thankyou sa inyo!" Nakahawak ako sa dibdib ko, habang sinasabi ko yun. Sobrang tha kful talaga ako na mayroon akong pamilya na kagaya nila.

Lumapit sa akin si Mama. Niyakap niya ako. Dumalo din sa amin si Papa.

"Happy Birthday, Anak. Your a big girl now, pero wag ka munang mag madali sa mga bagay bagay." Sambit ni Mama.

"Kung kayo talaga, kayo talaga." Sambit ni Papa.

Bumitaw sila sa pagkakayakap nila sa akin. Ngumiti sila. Nakita ko ang mga mata ng mga tao na napunta sa likuran ko. Ano'ng mer-

"Happy Birthday, Love." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you, Love." Sambit ko. Niyakap ko siya.

This is the best feeling I ever had, that feeling being with his arms. I loved him so damn much. And now? I have no idea how to stop it. Mahal na Mahal ko si Jael James Cruz.

"Love. Sorry kung ito lang Bouquet of Pink Roses and 3 toblerons ang maibibigay ko ngayong birthday mo. Basta, promise-" Tinaas niya pa ang kanang kamay niya. "Pag naka-pasa ako sa Audition at naging artista na ako. Bibilhan kita ng Chevy." Sambit niya.

Inabot niya sa akin ang bouquet na dala niya. Kinuha ko iyon na may naka-guhit na ngiti sa aking mga labi.

"Basta fight lang ng fight, love. Magiging artista ka din. Tiwala lang." Sambit ko.

"Oh siya, tama na yan. Baka langgamin pa tayo dito, ye." Nakangising sambit ni Aileen.

Nagtawanan lang ang mga tao.

Nag wish ako bago nag blow ng candle. Simple lang naman ang wish ko, good health lang para sa pamilya namin at sa mga taong malapit din sa akin. Kontento na ako dun. Kahit hindi kami masyadong marangya tulad ng iba. Okay ako sa pamumuhay namin, dahil nandiyan si Mama at Papa na laging gumagabay sa akin. Si Aileen at Sharmaine na lagi kong kasama sa lakad. At syempre, si Jael.

Natapos na ang birthday party ko. Madaming gifts, galing sa mga common friends ko at sa family. Sakto naman ang hinanda namin na pagkain para sa mga bisita na dumalo ngayon.

Nandito ngayon kami sa Dining Table. Kami lang dito ni Jael, busy sila sa labas. Nagliligpit ng mga ginamit na bagay kanina.

"Love..." Natanggal ang tingin ko sa baso na hawak ko na nasa harap ko at napunta sa kanyang mga mata.

Damn. He is so sexy. His lips, eyes, nose... halos lahat sa kanya. Lalo na ang kanyang blonde na buhok. Artistahin talaga ang boyfriend ko.

"Uy. Love?" Aniya.

"Yes?" Sambit ko ng naka-ngiti sa kanya.

"Tumawag na sa akin yung Company na pinag-auditionan ko last week." Seryoso niyang sabi.

Naka-tingin lang ako sa kanyang mga mata. Alam ko. Alam ko na may lungkot dito, parang may bumabagabag sa kanya. Seryoso lang ang mukha niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan siya sa mga sasabihin niya.

WE CAN'T FIGHT ANYMOREWhere stories live. Discover now