Alas 7:30 na ako nagising at dahil alas otso ang pasok ko nagulantang ang buong pagkatao ko kase ba naman 30 minutes lang ang gayak ko. Omy pano nato malayo layo pa lalakarin ko sana ihatid ako ng mga driver dine huhu. Agad agad ako pumunta ng cr hays kasalanan eto ng napakagandang higaan ko eh kaya napahimbing tulog ko. 20 minutes ako nag ayos ng buong katawan ko. Hm lipgloss lang nilagay ko sa lips ko and kilay lang at polbo okay na maputi naman ako eh tsaka matangkad and wag ka malaki hinaharap ko hahahaha. At ng tapos na talaga ay bumaba nako at nakita ko si mama at kiya sa baba
"Goodmorning ma goodmorning kuya" Parehas ko sila hinalikan sa pisngi
"Goodmorning sungit" Sabi ni kuya hahahaha wow may kaasaran nako. Nakapout nalang ako
"Joke lang lil sister hahaha"
"Goodmorning anak bat nakauniform ka? Dont tell me mag aaral ka padin sa dati mong school?" Bakit ililipat ba nila ko? Hays sana nga ayoko nadun eh
"Opo ma. Malelate napo ako eh " 5minutes nalang kase magsisimula na klase
"Osge anak hintayin mona ko samahan kita aayusin ko mga papers mo sa school mo" Wow edi ililipat nga nila ko? Huhu ayoko muna mag assume
"Bakit po? Ilili..." Di na nya ko pinatapos laglag panga ko don ahh
"Oo nak ililipat na kita dun kana mag aaral sa school ng kuya mo" Parehas wow talaga dream come true FORDS ACADEMY. Isa sa pinakamalaking school sa pilipinas napakarich talaga ng true family ko
"Baka magkaklasmeyt tayo sungit. Grade 10 kana diba?" Ha? Bakit magkaklase kame? "Wag ka magtaka na drop ako ng isang taon lil sis" Ahh yun pala yun napangiti nalang ako
At nagtungo na kame sa dati kong school. Para namang tanga na pinagtitinginan kame dine ano bang male dine? Hays dont mind them jessie. Nakarating kameng office at ayun nag usap lang sila ng nag usap wala naman ako pake sa pinag uusapan nila eh bahala sila hahahahah basta ako makakaalis nako dito. Hehe ang bad joke lang. At nung matapos sila sumakay na kame sa kotse at nagpatuloy sa byahe ewan koba kung saan kame pupunta ni mama.
"Nak tara sa mall, magshopping tayo gusto mo?" Mother and daughter lang ang peg? Hahaha sabagay magnanay nga pala kame
"Hmm. Kayo po bahala ma" Shytype ako eh
"Nak kahit ano gusto mo kunin mo lang ah" kukunin ko talaga lahat? Basta sya magbayad hehe
"Eh ma wala po akong pera eh hehe" Nakayukong sabi ko
"Ako na bahala nak basta mag enjoy kalang" Sabay ngiti nya saken
Nginitian ko lang sya bilang pag oo ko. Hays ang ganda talaga ng mama ko pero maganda din naman si nanay. Hihi nay imissyou. At di naman nagtagal nakarating nadin kame ng mall. Una kameng gumawi sa isang botique ewan koba kung ano ano tinuturo saken ni mama dito.
"Nak eto isukat mo bagay sayo ohh" Nginitian ko lang sya tas kinuha ko yung damit
Di nagtagal lumabas din naman ako medyo nahihiya akong lumabas at nakayuko nakita ko sa peripheral vision ko na napa jawdrop si mama hehehe yabang lang pero malay naten.
"Wow nak you look so gorgeous" Nginitian ko lang sya at pagkatapos nun hinubad kona at lumabas na at nakita ko si mama kausap yung may ari naisip ko muna magpaalam saglit.
"Excuse ma punta lang akong cr ah" At tinanguan lang ako ni mama
Hays. Buti naman nakahinga nako ng maluwag hindi naman kase ako sanay sa mga ganun eh nahihiya lang ako tumanggi kay mamakase ayun yung first bonding namen at habang naglalakad ako may kinukuha ko yung cp ko sa bag as usual madalas kase ako magkalikot ng cp eh. Ang ayos ko lang ngayon eh hanging blouse then jeans and rubbershoes may konting lipgloss lang sa labi then nakalugay yung buhok ko ganun lang palagi kong ayos. At eto na nga hirap na hirap ako maghalungkat sa bag ko ng bigla. ..
"Hoyyyy ano ba!? Putekk naman oh ayaw titingin ng daanan" Sigaw ko sa kanya ng hindi man lang tinitignan
"Wow as in wow! Ako pa ngayon ang hindi tumitingin ha" Nagulat nalang ako ng pagtingin ko eh nagkasabay kameng nagkatinginan. Kumukulo na dugo nung narinig ko lag boses nya tas ngayong nakita ko pa muka nya ughhh mababaliw nako lagi nalang!!!
"So nakatingin ka sa daanan nyan? Sarcastic kong tanong
"Malamang ikaw tong hindi tumitingin eh. Bulag kaba? " Sabi nya
"Kung tumingin kang daan edi sana hindi tayo nagkabanggaan edi sana lumiko kana lang para di tayo nagkabungguan" Humibga muna ko at nagsalita ulit " And bulag kamo? Tanga kaba kung bulag ako hindi ko makikita yang napakapangit mong muka!" Sarcastic kong sagot
"Panget? Are you insane? Baliw kana hahhaha" Aba't epal nato
"Excuse nga! Wag kang feeling close bye" At umalis nako at habang sya kitang kita yung pagkakunot ng noo nya hahaha naririnig ko pa syang sumisigaw pero diko pinansin pero bago pako mawala sa paningin nya tumalikod ako sa kanya at humarap kinindatan ko sya at sabay ngumisi at nagpatuloy sa paglalakad
"Nak andyan kalang pala nak eh"
"Ah ehh hehe opo" sabay kamot ko sa ulo
"Bat ganyan ka makangiti nak? Ikaw ah baka nakipagkita ko sa boypren mo? "Nginisihan nya ko tas " Meron ba nak?" Diko gusto yung ngiti nyang ganyan
"Wala po may nakita lang po ako nakakatawa kanina hehe" Palusot.com
"Ahh kala ko eh hehe tara kain tayo"
Nginitian ko nalang sya hahaha eto ko eh palangiti. Hmm nakarating din naman kame agad and wow sobrang daming inorder ni mama hahahaha tiba tiba na naman ako neto hihi. At ayon natapos din kame kumain then diretso uwi na sa bahay.
Habang pauwe nakita ko na naman yung lalaki kanina. Ewan ko ba at naisipan ko buksan yung bintana ng kotse para tignan sya hehe papacute lang O.O joke lang panget kaya nya kahit pogi hehe. Di nya ko nakita pero nakita ko sya hays no choice aasarin ko pa naman. At di nagtagal nakauwe na kame sa bahay. Naabutan namen ni mama a.k.a real mamma hehe si kuya na nanonood ng basketball yikiesss!
"Hi kuya" bati ko sabay tabi sa kanya
"Bat sungit?" Tipid naman neto
"Ala. Ang ganda ng pinapanood mo hehe"
"Oo naman. Paborito ko yan may pustahan pa sa mga kabarkada ko kaya dapat manood" ahh ganun pala yun. Pogi kaya kabarkada nya hehe OMY JESSIE ANG NAUGHTY MO
"Ahh hehe sige kuya akyat nako sa taas" Tumango naman sya
Habang paakyat ako sa hagdan may sinabi pa sya. "Agahan mo tulog, papasok kana sa school ko" Tumango ako tsaka nginitian sya
Waaahhhhhhhh!!! Excited nako pumasok bukas. Naku pano yan wala pako uniform hayss pwede kaya muna civilian masyado kaseng excited si mama eh hahahahaha saisang araw siguro may uniform nako hays excited meeeeeee!
-------
Hi! Add me sa facebook. Nova Dy name ko dun hehe chat nyoko para makilala ko kayo mwa 😘