Ha? Hanggang sa huli nakita ko ang nanay ko na nakangiti kahit pilit lang. Pero di ko maintindihan kung bakita nya sinasabing si Candy Fortalejo ang magulang ko? Ang gulo. Ang daya nya kailan nya pa nilihim to kaya pala pero sino sya? Sino yung candy fortalejo na yon? At bakit nya sinabing magulang koyon kahit andyan naman sya at alam ko na tunay yung pagmamahal na binigay nya saken.
"Po? Nay pls gumising ka magtatapos pako ng pag aaral huhu nay" Di ko mapigilan yung taksil na luha ko na unting unting tumutulo
Wala na wala na ang nanay ko. Wala nakong kasama sa buhay wala na wala na. Ramdam ko ang patuloy na pagbuhos ng luha ko na sobrang nakakabigla sa pangyayare. Wala man lang ako nagawa sa nanay ko hindi ko manlang naparanas sa kanya ang isang marangyang buhay na pinangako ko sa kanya
"At kayo? Anong babawiin nyo sa nanay ko!!! Eto bang buhay nya heto ba? Wala na wala na syang buhay masaya na kayo? Tinuro ko yung matanda at yung teenager na halata namang nagulat sa sinabi ko
"Nak misss na miss na miss na kita" Bigla ako niyakap ng matanda at tinulak ko sya ng mahina
"Ano pinagsasabi nyo? Sya ang magulang ko. Wag mong sabihin ikaw si Candy Fortalejo na yon?" Wag naman sana hindi ko matatanggap na isa lang akong ampon
"Nak ako nga si Candy ang totoong magulang mo. Itinago ka samen ng nanay mo" ang gulo? Bat ako itatago ng nanay ko.
"At bat nga ako itatago? Pwede ipaliwanag nyo! Di ko matatanggap na ampon ako!." Galit na sabi ko
"Sige. Ako na magkukwento" cool na sabi nung teen ager
Flashback
" Si mama at yung tinuturing mong nanay ay magkaibigan. Sya yung yaya naten nung bata pa tayo. 2 years old ka non at ako naman 3 years old. At sa hindi inaasahang pangyayare nahuli ni mama na may affair yung nanay mo at yung daddy naten kaya hindi mapigilan ni mama ang magalit sa nanay mo kaya etong nanay mo ay nagdamdam at ayun itinakbo ka samen ng hindi naman nalalaman. Dinala ka nya sa malayong lugar na hindi namen makikita. Palaging umiiyak si mama dahil halos araw araw bigo kame na mahanap ka at lumipas ang 15 limang taon ay muli ka namen nakita. Nalaman namen na malapit lang pala dito ang pinaglipatan nyo at hindi kame nagkamali at ikaw nga yung hinahanap namen ikaw si JESSIE FORTALEJO ikaw ang nakakabata kong kapatid at anak ni mama. Sana maunawaan mona"
Napahagulgol nalang ako sa nalaman kong katototohanan. Napakatanga ko dapat pala hinayaan ko nalang ipagpatuloy yung palaging sinasabi ni nanay at hanggat maaga pa ay nalaman kona para hindi ako nahihirapan ng ganito. Hindi ko matanggap na ampon lang ako pero ang totoo isa talaga akong ampon. Ang sakit isipin na bigla mo nalang malalaman ang katotohanan kung kailan wala na sya. Hindi ko naman naramdaman na ampon ako dahil halata naman na totoo ang lahat ng ipinakita nya saken na pagmamahal. Hanggang sa muli mahal na mahal kita at pinapatawad na kita. Tanggap kona ngayon at sana masaya na kayo kung nasan man po kayo.
Halos araw araw akong wala sa katinuan. 2 linggo na yata akong ganito at palagi ako pinupuntahan nung tunay kong magulang at palipatin nasa bahay nila. Hindi naman sila yung klase ng mayayaman na matapobre mababait sila at mapagmahal. Ang palagi ko nalang sinasabi sa kanila ay bigyan muna ako ng oras at panahon para magkaroon ng panibagong buhay at ngayon handa nako. Papunta nako sa bahay nila at tinext kona. Pinaghahandaan na nila ang pagdating ko. This is eat pancit eto na tama bako? Ang laki naman netong bahay nato pero tama naman yung address eto na nagdoorbelm nako.
Dingdong ********
"Sino po sila?" Tanong ng isang babae mga nasa 30 na siguro baka maid nila
"Jessie Rizano po. Andyan ba si Mrs. Candy Fortalejo?" At tumango naman sya
"Dito mam pasok po kayo" at unti unti ko tinunton ang pinto ng kanilang bahay at bumulaga saken ang masayang muka ni mam candy wow as in wow mayaman pala ko at ang ganda at pogi ng mama't kuya ko
"Hello po mam candy" Nakayuko lang ako habang nag greet
"Iha for now on mama na itatawag mo saken ha anak" Hihi ang ganda nya talaga para maging nanay ko. Heaven ugh
"Opo mrs... Mama hihi" Ihh nakakalula kase ganda ni MAMA eh
"Ang ganda ganda naman ng anak ko" At bigla nya ako niyakap at hinalikan sa noo
"Mas maganda po kayo mama sa inyo po yata ako nagmana ih" Nagigingg pabebe nako ha hahahaha
"Sa kanya tayo nagmana pareho tayong may magandang mukha" Kinurot nya ang pisngi ko "Ang cute naman ni little sister" Sabay kiss sa noo ko
"Hehe kuya . Salamat po sa pagtanggap mama" Diko talaga inaasahan to nakakastarstruck
"Wala yun anak tara na. Manang lucing paki dala po sya sa kwarto nya at iha baba ka dine para sa dinner naten ha" At dinala na ako sa napakaganda kong kwarto. Infairness type ko to plain lang Black and white ugh parang isang buong bahay na yung kwarto ko ah. Complete package may napakalaking flatscreen taray naka aircon pa tas sinilip ko yung cr wow ang laki may shower at bath tub pa kasyang kasya ako O.O At kung ano ano pa at ng matapos akong libutin ito nahiga ako sa isang napakagarang higaan ko at mga 15 minutes bumaba na din ako dahil pinatawag nako ni mama.
"Hi ma" Bati ko kay mama
"Hello din anak maupo kana dyan" Sabi ni mama ang bait talaga nya
"Opo ma thankyou po"
At natapos kame at napakadameng tanong at sobrang saya nilang kasama hindi nakakasawa hays salamat binigyan nyo po ako ng gantong pamilya kahit pinagkait saken ng tadhana sa nakalipas na 15 taon..