Chapter One

3 0 0
                                    

Punong-puno na naman ng tao ang Elysium International Academy dahil may libreng concert ang iniidolo nilang si Kiel Wizberg. Minsan lang itong mangyari kaya't hindi magkahumayaw ang mga tao. Parang mga langgam sa dami. Kulang nalang ay magkaroon ng stampede.

"Huminahon po tayong lahat. Lahat po kayo ay makakapasok. Hinay-hinay lang po, para maiwasan ang magkasakitan. Iwasan din pong sumingit."

Pagpapa-alala ng mga security guard. Nagkakagulo na kasi. Ngunit sa kabilang banda, may isang babae na galit na galit na kinakain ang kaniyang chicharon. May suka pa itong dala at hindi man lang ininda ang asim nito.

"Talagang pinagkakaguluhan ah. Naku! Sayang lang ang oras niyo! Tao lang din naman 'yan eh! Pare-pareho lang na mababaho ang utot natin! Hindi naman espesyal 'yan!" pasigaw niyang sabi, sabay kagat niya ulit sa kaniyang chicharon. Napapairap pa ang kaniyang mata habang tinitingnan ang babaeng umiiyak habang sumisigaw.

"Naku, ate! Sayang luha mo! Huwag mong iyakan 'yang concert na iyan. Mas mabuti pang mag-aral ka nalang! May pagsusulit daw bukas si Mamon." pasigaw niya ulit na sabi.

Mamon ang tawag niya sa kaniyang history teacher. Para kasing mamon ang pisngi nito. Isang beses nga, kinurot niya ang pisngi nito kaya ang ending, napatawag siya sa principal's office. Baliw kasi!

"Hoy, grezeldang pangit! Aba't pinaninindigan mo talaga ang pagiging hater mo ano?" tanong sa kaniya ng isang-

"Aswang na may kulangot, pakialam mo ba? Pumasok ka nalang diyan sa loob at sumigaw na para bang biik na kinakatay. Tutal, katulad ka rin naman nila."

"Hoy! Itong tatandaan mo, grezeldang pangit! Huwag na huwag kang gagawa ng eksenang kasing pangit mo, dahil talagang kakaladkarin kita papuntang edsa!"

"Tahimik! Hindi na kailangan! Kasi contented na ako sa mala-airport mong noo. Oh, teka! Baka naman canceled na ang mga flight, kasi nasa EIA ang runway eh."

"Bwesit ka talaga! For your information, trademark ko ang noong 'to!" sabay hawi nito sa kaniyang buhok.

"Ay kulangot! Ngayon ko lang nalaman na ang lapit lang pala ng araw sa akin. Nakakasilaw eh!" pang-aasar niya pa.

"Damn you! I really hate you, Cezia! Sana maging kasing asim niyang suka ang mukha mo!"

"Alam mo, Sweety. Asim na asim na ako sa mukha ko, kaso nga lang mas naasiman ako sa mukha mo. Maasim na nga, mabaho pa. Kailan ka nga ulit nag toothbrush?"

"Whatever! Let's go girls, sayang lang ang oras natin dito!" sabay irap nito kay Cezia.

"Baliw! Ngayon mo lang naisip? Aral mo na bago makeup ah? Konting advice lang. Atsaka, mali ata ang napuntahan mo! Concert 'yan, hindi children's party. Hindi nila kailangan ng clown! Hahaha!" natatawa nitong sabi. Kahit kailan kasi ay hindi nananalo si Sweety sa pang-aasar kay Cezia. Ending palagi, si Sweety ang napipikon.

"Malas naman oh! Hindi na tuloy crispy ang chicharon ko! Sayang naman! Makunat na 'to!" hindi kasi niya napansin na nakabukas ang lalagyan, kaya napasukan ito ng hangin.

"Parang awa niya na po, kuyang guard! Papasukin niyo na po ako! Ngayon ko lang po ulit makikita ang mahal kong si Kiel! Kuyang guard! Sige na, please!" napapaiyak na sabi ng isang babae.

"Sorry, miss. Bawal ang outsiders. Tanging ang mga nag-aaral lang sa EIA ang pwedeng pumasok."

"Magbabayad ako! Magkano kuyang guard? Makapasok lang ako. Sige na kuya! Buhay ko ang nakasalalay dito!"

"Libre po ang concert, pero bawal po talaga ang mga katulad niyo. Sigurado pong may magli-live sa Facebook, kaya doon nalang po kayo manood."

My HaterWhere stories live. Discover now