Chapter Two

1 0 0
                                    

Isang napakahabang gabi ang nangyari sa loob ng Elysium International Academy. Isang napakahabang gabi na punong-puno ng sigawan at iyakan. Iyakan? Syempre, ikaw ba naman maging fangirl diba?

"Cally, umuwi na tayo. Ang sakit na talaga ng tainga ko! Hindi ba pwedeng manonood nalang sila ng tahimik? Pwede naman hindi sumigaw eh."

"Baliw ka ba, ate? Sige nga, sabihin mo sa akin. Saan ka nakakita ng concert na walang sumisigaw o nakikikanta?"

"Aba ewan ko! Malay ko ba sa mga concert concert na 'yan! Alam mo, sana hindi mo nalang sinasayang 'yang oras mo sa walang kwentang lalaking 'yan."

"Walang kwenta? Anong sabi mo?" tanong ng isang tagahangga ni Kiel Wizberg.

"Bingi ka ba o tanga? Alin ka sa dalawa? Pero sige, uulitin ko. Sayang lang ang oras niyo, eh wala namang kwenta 'yang lalaking 'yan."

Sa hindi inaasahan, isang napakalaking kamao ang sumalubong sa mukha ni Cezia. Kaya't agad itong nakatulog. Naku! Huwag kasing awayin ang isang fangirl.

"Huh! Bagay lang sayo 'yan!"

"Naku! Sorry po. Ako na po ang humihingi ng pasensya."

"Sa susunod, huwag mo nang dadalhin 'yang ate mo! At talagang hindi lang 'yan ang matitikman niya!"

"Wizards!"

Isang napakalas na sigaw ng isang lalaki. Isang sigaw na nagdulot ng ingay at sigawan ng mga babae, lalaki at may pusong babae. Alam niyo na!

"Oh my god! Kiel, baby!"

"Kiel! Ready na akong magpakasal!"

"Kiel! Handa kong iwan ang boyfriend ko para sayo!"

"Kiel! Malinis ang condo ko!"

"Baby! Oh my! You're so hot!"

"Sweety! I have some cupcake with icing, wanna taste it?"

Ilang sigawan lang 'yan ng mga fans na baliw na baliw kay Kiel. Napangisi ang binata na mas nagdulot ng matinding sigawan. Ngisi pa lang 'yon!

"Ouch! Ang sakit ng ulo ko!" nahihilong sabi ni Cezia. Nagkaroon kasi siya ng malay at nakita ang sarili na nakahiga sa sahig. Hawak sana siya ng kapatid ngunit dahil nagsalita ang lalaking pinakamamahal nito, binitawan siya kaya't lagapak ulit ang mukha niya sa sahig.

"Ang ingay! Cally! Mauuna na akong lumabas, hindi ko na talaga kaya!" naiinis nitong sabi. Ngunit hindi man siya pinansin ng kapatid kaya't sinapak niya ito sa ulo. Pero parang walang naramdaman ang kapatid niya kasi patuloy pa rin ito sa pagsigaw.

"Bwesit! Mahulog sana sa stage 'yang Kiel niyo!"

Napatahimik ang lahat sa ginawang pagsigaw ni Cezia. Kung akala niyo ay simpleng sigaw lamang iyon, pwes! Nagkakamali kayo. May isang staff kasi na katabi niya at may hawak na microphone.

Malapit lang siya rito kaya't narinig ng lahat. Pati si Kiel ay natigilan. Sa unang pagkakataon, ngayon lang niya naranasan ang pangyayaring ito. Na may isang tao na gusto siyang mahulog sa stage.

"A-ate! La-lagot ka talaga!" natatakot na sabi ni Cally.

"Lagot talaga ako, Cally! Patay! A-anong gagawin ko?"

"A-ano, ah- alam ko na! Hinay hinay kang umatras at tumakbo ka agad palabas." pabulong na sabi nito sa kaniyang ate. Pasaway kasi!

"Si-sige. Mauuna na ako ha? Hehe! Paalam sa inyong lahat! Tu-tuloy niyo ang concert! Huwag niyo na akong pansinin. Hehe! Sige na! Haha!" agad itong tumalikod at kumaripas ng takbo palabas.

Nakahinga siya ng maluwag ng mapayapa siyang nakalabas. Akala niya kasi katapusan na niya. Para kasing mga halimaw ang tingin ng mga fans sa kaniya eh.

"Hello? Kuya Ben! Nandito na po ako sa labas. Opo, sige po hihintayin ko nalang po kayo. Sige po, salamat!"

"Ayon siya!" nagulat nalang siya ng may sumigaw sa likuran niya. Alam na niya agad na nasa panganib ang buhay niya, kaya kumaripas ulit siya ng takbo.

"Hoy! Pangit! Grezeldang pangit! Huwag ka ngang tumakbo! Ano ba!"

"Ano ako, tanga? Edi nahuli niyo ako? Mag-isip ka nga kulangot!" sagot niya habang tumatakbo. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ulit ang kaniyang driver.

"Kuya, nasaan ka na po?" hinihingal niyang tanong.

"Malapit na po ako. Ay! Nakikita na po kita, ma'am! Teka? Ba't ka po tumatakbo?"

"Basta kuya! Explain ko nalang later! Bilis!"

Pinaharurot ni Kuya Ben ang kotse kaya agad niya itong nakita. Tumigil mismo ang kotse sa harap niya, kaya nagmamadali siyang pumasok.

"Kuya! Larga! Bilis!"

"Opo, ma'am!"

"Nakakainis! Kasalanan 'to lahat ng lalaking 'yon eh. Hindi naman gwapo! Hindi rin naman talented!" Subalit, alam naman nating lahat na mali ang sinabi niya. Sadyang hater lang talaga siya.

"Ma'am, ba't po kayo tumatakbo?"

"Naku, kuya! May mga aswang kasing humahabol sa akin. Pangit sila eh, kaya natakot ako."

"Talaga ma'am? Baka naman hinahabol na naman kayo ng mga fans ni Sir Kiel."

"Ikaw na manghuhula, kuya. Uwian na, ginalingan mo eh."

"Naku! Pasensya na po ma'am. Haha! Nasanay lang po siguro ako."

Tama ang nasa isip niyo. Sa mga nakaintindi, very good! Sa hindi, uwi! Biro lang. Ibig sabihin, hindi 'to first time. Hindi rin second time. Kundi, wala ng time. Tuwing may concert si Kiel, nangyayari ito palagi. Kawawang Cezia!

Pero mas malala ngayon. Hater siya pero hindi niya hiniling na may mangyaring masama kay Kiel. Pero dahil sa inis niya, nasabi niya ang hindi dapat sabihin.

----

Vote-Comment-Share


My HaterWhere stories live. Discover now