(Cezia Arilliano's Point of View)
Sabado ng hapon, ng biglang ipinatawag ako ni mommy. Hindi ko alam kung bakit, pero may kutob na ako na tungkol na naman ito sa nangyaring gulo. Siguradong sapak na naman ang aabutin ko.
"Mom?"
"Sit down, Cezia."
Damn! Kung alam niyo lang na pawis na pawis na ang kilikili ko dahil sa takot. Iba talaga ang epekto ni mommy sa akin. Para bang may death penalty na mangyayari.
"Alam mo na nama-" hindi ko na siya pinatapos at agad na akong nagsalita. Kailangan kong magpaliwanag no!
"Mommy! I'm sorry po. Hindi ko naman po sinasadyang masabi 'yon eh. Si Cally kasi ayaw akong pansinin, eh gustong-gusto ko na lumabas kasi ang ingay! Alam mo naman mommy na ayaw ko sa mga concerts 'di ba? Pinilit lang talaga ako ni Cally. May ibibigay kasi siyang sampung pack ng chicharon. Favorite ko 'yon mommy eh! Mas mahalaga 'yon kaysa sa buhay ng Kiel Wizberg na 'yon."
"H-hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin anak. Pero dahil sinabi mo na, you're one week grounded. Give me your credit card and atm card."
Shit! Bwesit na bibig 'to oh! Wala na! Wala na akong pambili ng chicharon. Wala na ang buhay ko! Wala na akong pambili ng mabango kong suka.
"Mommy! Mommy, sorry na! Pinagsisisihan ko naman eh. Atsaka hindi ko naman 'yon kasalanan, kasalan 'yon ng staff! Malay ko bang nasa tabi ko lang siya. Atsaka, kasalanan din 'to ni Cally! Maypa-VIP pa siyang nalalaman! Ayan tuloy, ang lapit namin kay Kiel. Narinig lang naman niya ang lahat. Mommy! Sorry na!"
"Shut up, young lady."
"Magsusumbong ako kay daddy!"
"Go! Magsumbong ka! The hell I care!"
"Magsusumbong talaga ako!"
Padabog akong lumabas ng library at tinungo ang office ni daddy. May sariling office kasi si daddy dahil hindi sila magkasundo ni mommy. Why? Dahi-
"WAK ME UP! WAKE ME UP INSIDE! LALALALALALA! WAKE ME UP! WAKE UP INSIDE!"
Kakapasok ko pa lang, puro sigaw-este! Puro pagkanta na ni daddy ang naririnig ko. Alam niyo na ang dahilan ah? Ayaw na ayaw kasi ni mommy ng maingay kapag nagtatrabaho siya. Eh si daddy, hindi 'yan nakakapagtrabaho kapag walang music. Naku! Minsan talaga hindi ko na maintindihan ang mga magulang ko.
"Daddy!"
"WAKE ME UP!"
"Daddy!"
"BABY!" may pabirit pa siyang nalalaman. Kung alam niya lang na ang sakit sa tainga.
"DADDY!" pasigaw kong tawag sa kaniya. At sa wakas, napansin niya rin ako.
"Oh! Sorry, baby. Nadala na naman ako ng passion ko sa pagkanta."
"Pagkanta ba daddy? Baka naman pagsigaw?"
"Baby naman. Alam mo bang dati akong singe-"
"Opo, ilang ulit niyo na pong sinabi sa akin."
"Very good. Sandali, ba't ka nga pala nandito?"
"Si mommy kasi!"
"Why? Ano na namang ginawa ng bruha mong mommy? Pinagalitan ka na naman ba?"
"Opo! Eh kasi naman! Hindi ko 'yon kasalanan daddy!"
"What happened?"
"Hinabol na naman po ako ng mga fans ng bwesit na Kiel na 'yon!" nag-iinit na naman ang dugo ko.
"Ano na naman bang ginawa mo anak? Sa tuwing nagco-concert 'yang si Kiel, palagi ka nalang napapa-away."
"Eh sa ayaw ko sa kaniya eh."
"Hay naku! Anong gusto mong gawin ko?"
"Pilitin mo si mommy na ibalik ang credit card at atm card ko. Please daddy! Wala na akong pambili ng chicharon eh! Please dad! Ikaw nalang ang pag-asa ko."
"Fine! Puntahan natin ang mommy mo."
Ngiting nagwagi naman ako. Sa wakas! May kakampi na ako. Lagot ka talaga mommy! Alam niyo, matapang kasi ang daddy ko. Siya palagi ang nasusunod sa pamamahay na ito.
"Hon, ba't mo naman kinuha ang credit card at atm card ng anak mo? Alam mo namang adik 'yan sa chicharon 'di ba? Wala siyang perang pambili."
See? Palaban ang daddy ko. Mahal na mahal niya talaga ako. Siya ang haligi ng tahana kaya siya ang nasusuno-
"Aangal ka Haymeng pangit?"
"A-ano, hindi naman."
"Kukunsintihin mo na naman 'yang anak mo?"
"H-hindi ah!"
"Eh anong ginagawa mo dito?"
"A-ano, binibisita ka! Oo- 'yon! Alam mo namang mahal na mahal kita, hon. Ayaw kong napapagod ka, kaya ito binibisita kita. Huwag kang mag-alala, kukuha ako ng meryenda mo. Hehe!"
"Da-dad!"
"A-anak naman, alam mo namang wala akong laban sa mommy mo 'di ba?"
"Daddy naman eh! Akala ko pa naman ay may magagawa ka. Sige na! Try mo ulit." pabulong kong sabi.
"Sige, pero last na 'to ah!"
"Opo! Opo!"
"H-hon!"
"Ano?"
"Hindi ba talaga pwedeng pagbigyan si Cezia? Hehe! Alam mo na, second chance?"
"Second chance ba?"
"Hehe! Oo sana. Last na raw 'yan, hindi na siya uulit pa."
"Oh sige." nanlaki ang mata ko. Himala! Himala! Himala! Yes! Yes! Yes! Ang galing talaga ng daddy ko.
"Pabibigyan ko siya. Pero ibibigay mo sa akin ang credit card at atm card mo. Bawal ka ring gumamit ng kotse, at bawal ka ring ipag-drive ni Mang Jose. At! Wala ring labing labing mamayang gabi." nanlaki ang mata ni daddy. Wala na! Kaya niyang tiisin na walang kotse o pera, pero-
"Anak naman! Kasalan mo 'yan eh! Dapat panindigan mo ang consequences! Dapat madesiplina ka! Ilang ulit na 'yang nangyari! Tawagin mo si Cally! Kayong dalawa dapat ang may parusa!"
"Hindi mo naman pala kaya eh!"
"Hehe! Hon naman. Alam mo naman na hindi ko kaya na walang labin-"
"Wala talaga, Haymeng pangit!"
"Ano? Bakit?"
"Malandi ka kasi!"
"Ikaw din kaya, hon! Huwag kang painosente!"
"Malandi ka kasi eh! Kaya ito! Buntis ako!"
At dahil sa sinabi ni mommy, pareho ng napa-awang ang bibig namin ni daddy. Si-sino raw ang buntis?
"Ma-magiging daddy na naman ako?"
"Oo! Malandi ka kasi! Kaya pala suka ako ng suka at madalas ang pagkahilo ko!"
"Wow! Hahaha! Magiging daddy na ulit ako! Hahaha! I love you, hon!" sabay halik niya sa noo ni mommy.
"Sinong buntis?" tanong ng kakapasok ko lang na kapatid.
"Si daddy. Buntis si daddy, Cally. Kaya kailangan natin siyang dalhin sa hospital."
"A-ako buntis? Paano ako mabubuntis, Ceiza? Baliw ka ba?"
Agad siyang nasapak ni mommy. Hay! Kay mommy ko ata namana ang pagiging sadista. Pero, hindi ko maitago ang kasiyahan ko. Magiging ate na ulit ako!
----
Vote-Comment-Share
YOU ARE READING
My Hater
Teen FictionGaano nga ba kasikat ang isang artista? Palitan natin, gaano nga ba kasikat ang isang Kiel Wizberg? Lahat ba ng tao may gusto sa kaniya? Million ang followers sa social media accounts nito. Libo-libong tagahangga ang pumunta sa mall shows, concerts...