Gaano nga ba kasikat ang isang artista? Palitan natin, gaano nga ba kasikat ang isang Kiel Wizberg? Lahat ba ng tao may gusto sa kaniya? Million ang followers sa social media accounts nito. Libo-libong tagahangga ang pumunta sa mall shows, concerts, album tours at premier night ng mga pelikula nito. Sa madaling salita, sikat talaga siya. Ngunit paano kong sa milyong tagahangga niya ay may isang hindi siya gusto. Kulang nalang ay sirain nito ang laptop, cellphone, tablet at television niya kapag nakikita niya ang isang Kiel Wizberg. Paano kong isang araw, magtagpo ang landas nila? Mangyayari ba ang slow motion tapos magkakaroon ng spark? Lalakas ba ang tibok ng kanilang mga puso? At pagkatapos, magmamahalan sila at happily ever after na? Gosh! Utot niyo! Walang forever! Che! - Cezia Arilliano