A twisted Story- "Boyfriend kita for 1 Day" (Short Story)

105 0 1
                                    

Dami kong nabasa na mga short stories at ang gaganda ng mga One-shot hahaha naiinggit ako... try

ko gumawa

___________________________________________----

Sa munisipyo.......

"grabe ang init! ano bang nangyayari dito at painit ng painit??? makapasok nga muna sa PureGold.. malamig dun tska maglalaro ako sa funhaus ahahah-he-he-he........ehem ehem"

napalakas ata pagsasalita at pagtawa ko.... pinagtinginan tuloy ako wew...

payuko na lang akong naglakad palayo at nagtungo na sa loob ng PureGold...

nagpakilala na ba ako?? heheh ako nga pala si JC.... short for  "Just Cute"   hahah joke lang.. pero syempre secret na since one-shot lang tong gagawin ni author, hinde na ako magdedetalye pa ng iba sa buhay ko hahaha bleeh!! basta ang masasabi ko lang na detalye, Gwapo ako bwahahhaha.

huwag ka na umangal, ako bida dito eh haha wagas ka pag umang---

TOOGSHH!!

"ARAY!!! "   yung nakabunggo ko

aw! paktay may nabunggo pala ako, nawala kasi ako sa concentration basta lakad lang ako ng lakad dahil sa kakapakilala ko sa inyo.. aizt..

"Sorry Miss!.. sorry talaga..." nilapitan ko sya at inaalalayang tumayo..

" anong sorry sorry?? tignan mo nga, nabunggo mo na ako, natapunan pa ng cokefloat yung damit ko...napahiya tuloy ako dito sa maraming tao.."    ay lagot! natapunan nga yung damit nya... mukha na syang batang madungis ahahha 

"anong itinatawa mo jan?? bastos ka ah! "

ay patay napalakas ata pagtawa ko..

"ay sorry miss.. tara tulungan na kita.. ibibili na lang kita ng bagong damit para quits na.."

" eh siraulo ka pala eh! akala mo ganun ganun lang yon ???? dahil sa ginawa mo... magiging boyfriend kita buong araw!!"

tama ba narinig ko??? ako? boyfriend nya ng buong araw??? eh hinde ko nga to kilala eh....pero maganda sya.. hinde naman ako agrabyado pero hinde pa rin tama..

"ah miss hinde ata tama yun... anong kinalaman nun??"

"ah basta.. Boyfriend kita ngaung araw\, pag hinde ka pumayag.. mag eeskandalo ako dito!! "

"haizt! ikaw bahala.. hinde naman kita kilala eh eto pambili ng bagong damit.. geh alis na ako.. sorry talaga ulit...."

naglakad na ako..

parang pamilyar mukha nya..

ilang sentimetro pa lang ang inilayo ko ng biglang...

" Hayop ka!!! pagkatapos mo ng lahat lahat ganito gagawin mo sa akin?? iiwanan mo na lang ako tapus bibigyan ng pera??!!  anong gagawin ko dito??!! mabubuhay ba kami nitong magiging anak mo na nasa tyan ko???!! ang sama mo! ang sama sama mo!!! huhuhuhu! ahuhuhuhu!" 

patay nagiskandalo nga talaga at anong sinasabi nyang anak?? ngaun ko nga lang sya nakita eh.. 

"grabe ang sama nya" sabi ni audience1 kay audience 2

"sira ulong lalaki" sabi ni audience 3

"walang kwentang lalaki" sabi naman nila adience 4,5,6,7,8, etc......

aizt  ano ba pinagsasabi nila??ang sama pa ng mga tingin sa akin... kung alam lang nila ang totoo.. mabalikan nga yun amf naman!! 

"tumigil ka na nga jan huy... tayo na tara na.. ano ba pinagsasabi mo?wag ka na mag iskandalo"  pabulong ko sa kanyang sinabi

" ayoko.. pumayag ka munang maging boyfriend ko khit ngaung araw lang."g mga mata nya..

kita ko sa mga mata nya ang lungkot .... parang sobra talagang lungkot n

 para syang may napakalaking pinagdadaanan.. ano kaya yun??

mukhang wala talaga syang balak tumigil.. 

"aizt ano pa bang magagawa ko.. tumayo ka na jan.......Girlfriend"

"yehey!! " bigla syang tumayo at niyakap ako bigla... tapus humarap dun sa mga tao na nakatingin sa amin..

"aheheh sorry po... joke lang po yung kanina.. nagppapractice lang kami ng boyfriend ko hehe sorry ulit (^_________________^)V "

kakaiba talaga tong babaeng to...

"boyfriend tara na.. date tayo"

"ayoko..."

"bakit?pumayag ka na di ba?? mag iiskandalo ulit ako dito pag---"

"ayoko kasi bibili muna tayo ng damit mo.. tignan mo nga itsura mo... ang dungis mo"

" ayieehhh ang sweet naman ng boyfriend ko hihihi tara "

habang naglalakad kami para bumili ng damit nya bigla ba namang nakipagholding hands...

napatingin tuloy ako sa kanya, ang ganda nya pala, lalo na nung ngumiti sya... 

namula tuloy ako pero sige go with the flow na lang...

....naeenjoy ko naman hehe

........................

habang naka HHWWWMK kami, bigla ako may naalalang itanong, hinde ko nga pala alam pangalan nya, kahit magbf/gf lang kami for 1 day hinde tamang hinde ko sya kilala, naniniwala pa din naman ako sa mga paalala ni mommy na "don't talk with strangers". (HHWWWK=HOLDING HANDS WHILE WALKING WITH MATCHING KILIG  amf ang gay lang ng dating amf)

"Miss!" tawag ko sa kanya.

"Bakit Boyfriend ko?" kelangan pa nya iemphasize ang ko?

"ano nga pala name mo? magbf/gf tayo tapus hinde natin alam name ng isa't isa"

bigla syang natigilan sa paglalakad at biglang yumuko.....

"uy bakit ka yumuko? ano meron? may naapakan ka ba?? miss?"

bigla nya ulit iniangat ang ulo at tumingin sa akin ng nakangiti pero parang may mali sa ngiti nya...

"hmmm oo nga nu? hihi pero dahil one day lang naman to mas maganda ng hinde natin kilala ang isa't isa, basta tawagin mo na lang akong Girlfriend mo"

"pero kahit na, karapatan ko din malaman name mo kasi--"

"basta"

"pero--"

*smack

"ayan, sige pag di ka tumigil at hinde mo ako tatawagin na girlfriend mo uulitin ko yan, unless nagustuhan mo hihi, tara na!"

(*0*)    oo tama kayo ng iniisip, kiniss nya ako para tumahimik, sa lips... ang PERZ KIZZ ko ninakaw nya... kahit  lalaki ako mahalaga pa rin a akin yun.. para sana yun sa mamahalin ko eh.. huhuhu

pero parang gusto ko ulitin magtanong kaso baka akalain nya nananamantala ako....

nakahawak lang ako sa labi ko na kiniss nya habang naglalakad kami, tulala pa rin ako,

_________________________________________________

itutuloy ko pa ba to?? 2 years na din ata to halos na naka save lang at hinde napublish ahaha ..kung may mga magkaintres basahin ito at nagustuhan sige itutuloy ko kaso short story lang talaga sya.. heheh

#torpengsingle

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A twisted Story- "Boyfriend kita for 1 Day" (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon