"Pasensiya na kung nahulog na ako sayo" yan lamang ang tangi kong nasabi bago lumakad palayo sa taong nagalaga sakin ng may kahabaan na rin. Ang taong nagpakita saakin na maganda pa pala ang mundo na kinagagalawan ko.
Sinubukan niya akong tawagin pabalik pero, nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako babalik para masaktan lang ulit. Hindi na ako babalik sa mga braso niya na minsa'y nagbigay saakin ng panatag na loob.
Pasensiya na kung nauna akong dumating sa buhay mo kaysa sa kanya. Sa kanya na kaya kang mahalin katulad ko, na kaya kang sundin sa buhay katulad ko. Marami kaming pagkakapareho, pero iisa lang ang lamang niya saakin.
Iyun ay ang pagtingin mo.
YOU ARE READING
Let Me Apologize Once More
Short StoryKwento ng taong paulit ulit na humihingi ng tawad dahil sa nagmahal siya. Its so random kaya di ko kayo masisisi kung di niyo ito basahin. I just want to share what I think I can do anyways. Please enjoy though. (please dont be surprised if i const...