▶▶Kinabukasan◀◀
Ivan's POV
Nagkaklase kami ngayon, sobrang boring. Tiniganan ko yung mga katabi ko. Si Dave nakikinig lang kay Ma'am (lagi naman), si Nathan patagong nagce-cellphone, si James parang gustong matulog na ewan, at si Alvi nakatulala sa malayo.
Kumuha ako ng kapirasong papel at sinulatan ko.
"Ang boring ng klase no?" sinulat ko at saka pinasa kay Nathan. Nakita ko na sumulat din siya bago ipasa kay James ang papel. Nung napasa kay James ang papel, nagsmirk muna siya bago niya sinulatan at ipasa yung kay Alvi, good thing dahil nung na kay Alvi na yung papel, hindi siya naging KJ at sumulat din siya bago niya pinasa kay Dave.
Si Dave naman, nagulat nung pinasa sa kanya yung papel at imbis na sulatan niya yung papel tinupi niya at ginawa niyang eroplano.
Isip bata talaga ang mokong na to. Pagkatapos niyang gumawa ng eroplanong papel, pinalipad niya yun.
Teka, parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari. Pinanood ko na lumipad yung eroplano hanggang sa lumanding yun
sa harap nung teacher namin. Langya! Sabi ko na nga ba eh!
Pinulot nung teacher namin yung eroplano at binuklat niya yun, pagkabuklat niya binasa niya yung nakasulat at bigla na lang umusok yung ilong niya sa sobrang galit. Lagot kami. =__=
"SINO ANG MAY GAWA NITO?!!" tanong ng teacher namin na galit na galit. Kami po ang may kasalanan, at masaklap mang isipin pero ako ang pasimuno =__=
"TUMAYO ANG MAY GAWA NITO!" sabi ni Ma'am tapos biglang tumayo si Alvi, James at Nathan kaya tumayo na rin ako. Ang honest naman ng tatlong to =__=
"KAYONG APAT---" teka, APAT?! Lumingon ako kay Dave, ayun. Nakaupo ang loko.
"Uy, ano ba ang sinulat niyo dun sa papel kaya nagalit si Ma'am?" tanong samin ni Dave. Hindi ba niya nabasa ang nakasulat dun?
"Ma'am! Kasama rin po namin si Dave dito!" sigaw ni Nathan.
"Ako?" tanong ni Dave.
"Oo! Ikaw! Wag ka ng magkaila, kasama ka namin!" sigaw ni Nathan, tapos nakita kong tinignan ng masama ni Alvi si Dave. Biglang napasimangot si Dave.
"Sabi ko nga kasama ako." sabi niya saka tumayo.
"KAYONG LIMA, GO TO THE PRINCIPAL'S OFFICE. NOW!" sigaw ni Ma'am. Naglakad na kaming lima palabas pero bago ako makalabas, napatingin muna ako sa direksyon nung babaeng amazon. Naka-smirk siya at yung mga tingin niya parang nag-aasar. Psh, kainis lang!
And that's the end of our kalokohan101 for this day.
=____=
Lumabas na kami ng room at naglakad papunta sa Principal's Office. Kumatok muna kami bago pumasok. Pagkapasok namin, wala pang tao kaya umupo muna kami.
Napatingin ako kay Dave nakasimangot siya at halatang hindi niya gusto na mapunta dito.
Si Dave kasi yung tipo na sobrang kulit pero iniiwasan niyang mapunta dito sa P.O. (Principal's Office) seryoso kasi yan pagdating sa pag-aaral.
Sunod din kasi yan sa luho, pero di niya pinapabayaan ang pag-aaral niya. Hindi lang halata.
"Ano ba kasing sinulat niyo dun sa papel kaya nagalit si Ma'am? At sino ang nagpasimuno?" tanong ni Dave.

BINABASA MO ANG
He Meets the AMAZONA.
Teen FictionStory of a playboy who meet a girl. Not just a girl! She is different from the other girls he already meet. A girl who will make him realize that girls are not toys.