Nexi/Elle's POV
Nandito ako sa hospital binibisita si Lola. Hanggang ngayon under observation parin siya
"Lola tunay po ba ang true love?" Tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit 'yan ang naitanung ko sa kanya.
"Oo naman apo. Dadating yan sa tamang panahon, hindi yan minamadali kasi kusa yang dadating." Sagot niya
"Sa tingin niyo po mahal ako nina Mommy at Daddy?"
"Oo naman Iha. Walang magulang ang hindi nagmamahal sa anak. Mahal na mahal ka nila."
"Parang hindi naman po eh. Mas mahal nila si Ate."
"Hayy naku Iha. Mahal ka nila. Maniwala ka saken."
"Sana nga po Lola, sige po Lola. Nandiyan na po yung doctor niyo. Aalis na po ako." Sabi ko sa kanya saka ko siya kiniss sa noo.
"WAAAAH NEXI SHENN CULLEN BILISAAAAN MOOOO MAY SASABIHIN KAMI SAYOOOO." Ang layo ko pa sa kanila Ang lakas makasigaw ni Faye. Gusto atang yanigin ang campus eh.
Lalo kong binagalan ang paglalakad.
Hahaha. Ayon sila na lang yung nagmadaling lumapit saken.
"Bakit ba?"
"Bakit ganyan ang itsura niyo?"Bungad ko sa kanila.
"Eh paano ba naman kasi, si Rhea. Napagtripan nung mga babaeng mukhang palaka." Sumbong ni Faye saken.
"WHAT? Hindi man lang kayo lumaban?" Sigaw ko sa kanila.
"Hindi. Paano ba naman, nandun si-----"
"Nandun si Nathan? Tapos? Nahihiya kang makita niya ang pagiging sadista mo? Hindi mo ba alam na mas napahiya ka dahil hindi ka lumaban. Pinapakita mo sa mga pesteng babaeng yun na mahina ka. Nasaan na yung Rhea na kaibigan kong palaban?" Sabi ko sa kanya
"I'm sorry. Hindi na 'to mauulit." Sabi niya
"Good."
"Mukhang may dapat pa akong turuan ng leksyon bukas." Sabi niya
"Yan ang kilala kong Rhea, palaban." Sabi ko saka sila inakbayan.
Someone's POV
"Nagawa niyo ba ng ayos ang pinapagawa ko?" Tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
He Meets the AMAZONA.
Novela JuvenilStory of a playboy who meet a girl. Not just a girl! She is different from the other girls he already meet. A girl who will make him realize that girls are not toys.